bc

Wedding Girls - Ysabelle

book_age12+
783
FOLLOW
2.0K
READ
sensitive
independent
confident
boss
bxg
lighthearted
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Ysabelle, maganda at dagsa ang manliligaw. Pero ni minsan, hindi pa nagka-boyfriend. Paano, bago kilatisin ang lalaki, inuuna pang magtaray at mang-basted. Tanging siya lang ang nakaalam kung bakit.

Enter the Mr. Tall, Gorgeous and Playboy. Si Jonas Sta. Ana. Hindi pa man niya ito nakikilala ng personal, alam na niyang palikero ito. Bakit hindi, kaibigan yata niya si Shelby na kapatid nito na siyang nagsasabi kung gaano kahilig sa babae si Jonas.

Siyempre, basa agad ang papel nito sa kanya. Kaya nang una niya itong makita, kahit unat na unat ang barong nito bilang best man sa kasal ni Shelby at nagpapa-cute sa kanya, kibit lang ng balikat ang reaction niya.

Pero hindi pala kasing-simple lang ng pagkikibit-balikat ang pag-iwas ay Jonas. Dahil sa pangalawang beses niya itong makita ay natuklasan niyang hindi effective dito ang katarayan niya. At sa pangatlong beses, tila napaulanan na siya ng karisma nito. At bandang huli, sa wari ay lumipad na sa bintana ang sabi niya sa sarili na babastedin niya ang lahat ng lalaking magkakainteres sa kanya.

Totoo pala ang kasabihan. There’s always an exception to the rule.

Sa kaso niya, si Jonas Sta. Ana iyon.

chap-preview
Free preview
1
“BAKA naman sobrang kapal na iyang eye shadow, Ysa?” wika ni Shelby. “Ano bang sobrang kapal?” kunwa ay mataray na sagot niya. “Alam mo namang subdued make-up ang forte ko. Walang imperfection na tatakpan sa mukha mo, Shelby. Ie-enhance lang natin ang ganda mo para lalo pang ma-in love sa iyo ang groom.” “Halata bang in love sa akin si Marcus?” tanong ni Shelby, bahagya itong dumilat at sinulyapan ang sariling repleksyon sa kaharap na salamin. “Sinabi mo pa!” tatawa-tawa namang sagot niya. “Halatang kulang kayo sa courtship stage. Mukhang lumulutang pa sa alapaap ang lalaking iyon basta nakikita ka, eh.” Bumungisngis si Shelby. “Well, pareho lang kami ng feelings. Kahit na halos three months na kaming nagsasama, hindi pa rin naman ako nagbabago sa kanya. In love na in love pa rin.” “Mabuti naman. akala ko kasi, kapag nagsama na agad, medyo mababawasan na ang thrill.” “Siguro sa iba. Pero sa amin, hindi. Parang tumitindi pa nga. Actually, nu’ng magpakasal kami sa huwes, hindi na kami masyadong nag-isip pa. I’ll tell you a secret. Ako ang nagpilit sa kanya na pakasalan niya ako. Kasi naman, kung siya pa ang hihintayin ko, baka maghintay pa ako ng isang taon! Aba, ayoko nga. High school pa lang ako, siya na ang pantasya ko, ‘no?” “Nakakaloka ka. Hindi ba’t si Rogel ang boyfriend mo?” “Ooops, don’t say bad words. Este, name. Hindi naman bitter si Marcus kay Rogel pero mas mainam nang hindi banggitin, di ba?” “Sabagay nga. Pero ikaw talaga ang namilit? Paano?” Tumawa si Shelby na parang kinikiliti. “I won’t go down to the details. Sa amin na lang iyon. Basta sabi ko sa kanya, pakasalan na niya ako agad.” Nanlaki pa ang mga mata niya. “Grabe ka! Grabe ang guts mo. Mabuti at pumayag naman?” “Naku! Kinakantiyawan nga ako na pinipikot ko daw siya. Ang gusto nga kasi matagal pa. Ayoko nga, ‘no. Bakit pagtatagalin pa kung puwede namang gawin na. So ayun, within the week na naging klaro na sa amin ang lahat, nagpakasal na kami ng civil.” “Meant to be nga siguro kayo. Pasalamat ka, kahit hindi kayo masyadong nag-isip about getting married, hindi kayo nagsisisi ngayon.” Bumungisngis na naman si Shelby. Kanina pa niya napapansin na madampian lang yata ito ng hangin ay awtomatiko na ang pagtawa. “Mas nakakapagsisi iyong maraming taon na lumipas. Tama lang talaga na nagpakasal kami, ‘no? Aba! Isinuko ko na sa kanya ang Bataan.” “Kailangan nga niyang itindig ang puri mo,” natatawang sabi niya. “Saka on the way na ako ngayon. At least, everybody knew na kasal na kami before pa kaya wala nang magtataas ng kilay sa amin kung malaman man nila na preggy na ako.” As if on instinct, hinaplos pa nito ang hindi pa halatang umbok ng tiyan. “Buntis ka na din? Ang bilis naman!” gulat na sabi niya pero natuwa din. “Anyway, congrats!” “Thanks! Huwag mo munang ipagsabi. Hindi pa alam ni Marcus, eh. Ang balak ko, mamaya ko sasabihin.” “At pa-suspense pa?” “Hindi naman. Kaninang umaga ko lang din naman na-confirm, eh. Irregular kasi ang period ko. Actually, hindi ko din masyadong iniisip na buntis ako. Ine-enjoy lang talaga namin ang honeymoon stage. Ngayon namin na-realize how much we are missing. Twelve years! Imagine, ganoon kami katagal na hindi nagkita.” “Kaya naman pala sulit na sulit naman ang muling pagkikita ninyo. Kasalan agad at honeymoon.” “Hindi nga namin masyadong pinag-uusapan ang magka-baby.” “Pero panay ang practice ninyo sa paggawa ng baby,” tukso niya. “Siyempre. Ang sarap kaya no’n.” Halos humalakhak si Shelby. “Naisipan ko lang na mag-pregnancy test out of curiosity. Ayun, positive nga!” Napailing siya habang kinukulot ang pilik-mata ni Shelby. “Napansin ko lang, ha, ang mga wedding girls, kung hindi may anak na kapag ikinasal, puro mga buntis agad! Nasaan na ang moral values ninyo, ha? Nagpe-premarital s*x na kayo.” “Hoy, Ysa, intact ang moral values ko, ‘no? Si Lorelle lang naman ang may anak na nang ikasal, ah?” “At ikaw, si Eve at si Dindin? Puro kayo mga buntis na. Si Calett lang ang alam kong virgin bride sa mga wedding girl na nagpakasal.” “Well, malakas lang siguro ang kontrol nina Calett at Rod. Or puwede rin naman na may personal pa silang dahilan. Iba-ibang kaso naman iyan. Kami ni Marcus…” Tumigil si Shelby at tinitigan siya. “Seriously speaking, Ysa. We don’t indulge in premarital s*x for o****m’s sake. Matatanda na kami. Consenting adults kumbaga. Saka si Marcus lang ang lalaki sa buhay ko. And besides, s*x between us isn’t just a carnal activity. Expression of love iyon.” Itinirik niya ang mga mata. “Okay. Bigyan-justification daw ba ang premarital sex.” “Palibhasa kasi, sobrang conservative mo. Pinsang-buo mo yata si Maria Clara,” kantiyaw sa kanya ni Shelby. “Wala namang masama kung panghawakan mo ang values mo, Ysa. Tama lang iyon. Kasi, when you indulge yourself in premarital s*x para lang masabi na “in” ka tapos you have the guilt feeling afterward, di balewala rin. Besides, virginity is still and will always be precious. Ako naman kaya lang ako bumigay kay Marcus kasi nga siya ang true and only love ko.” “Hindi ka nagsisisi?” “Look at me? Mukha ba akong nagsisisi? Bakit ako magsisisi kung ganitong si Marcus din naman ang pakakasalan ko?” Sandali itong natahimik sapagkat ina-apply-an niya ng lipstick ang mga labi nito. “Close your lips,” utos niya nang lagyan ito ng puting papel sa pagitan ng mga labi. In-absorn niyon ang excess lipstick na puwedeng mapunta sa ngipin nito. ”Tapos na?” excited na tanong ni Shelby. “Yes, sa mukha. Pero aayusin pa natin ang buhok mo.” Tinanggal niya ang headband at ang buhok naman nito ang inasikaso niya. Palibhasa ay bihasa na, ilang sandali lang ay naipusod niya iyon nang malinis na malinis. Kinuha niya ang tatlong fresh orchids at iyon ang iniadorno sa ilalim ng pusod nito. “Ang ganda-ganda mo na lalo, Shelby,” wika niya pagkatapos. “Thanks, Ysa,” sinserong sabi nito sa kanya. “Sana, ikaw na ang susunod na mag-aasawa sa wedding girls.” Napaubo siya ng peke. “Nagpapatawa ka ba? Kilitiin mo na lang kaya ako?” “Aba, we never know. Kita mo nga ako, nakakagulat din na bigla na lang nagpakasal. Alam mo kasi, pag dumating iyan, kahit anong iwas mo, mangyayari iyan.” “Sa iyo siguro sa iba. Pero hindi sa akin.” “Magbigay ka naman ng atensyon sa mga lalaki. Masama din naman iyong masyadong mapili. Sige ka, baka mamaya niyan matapat ka sa bungi.” “Hindi naman ako mapili. Nagkakataon lang na iyong mga nanliligaw sa akin, hindi ko type. Ano pa ang gagawin ko sa kanila, di dispatsahin? Alangan naman paasahin ko kung alam ko namang wala silang aasahan? Sayang lang ang oras namin sa isa’t isa pag ganoon,” paliwanag niya. “Alam mo ba na hunting ground daw ng single men and women ang mga kasalan bukod sa funeral at reunion? Baka dito may makilala ka na papasa sa panlasa mo.” “He-he! Twenty-five pa lang naman ako, Shelby. Mas matutuwa ako kung ang makakatagpo ko sa reception ay ang mga nagbabalak nang magpakasal. Iyong prospectiove clients para mas good news iyon for my business, sister.” “Hmm, puro na lang trabaho ang nasa isip mo. Mayaman ka na, Ysa.” “Anong mayaman? Wala pa ngang one M ang assets ko, ‘no? Siyempre,. gusto ko ding maging milyonarya.” “Hindi ba’t dalawa na ang beauty salon mo?” “Oo nga. Pero hindi naman akin lang iyon. Remember, may kasosyo akong bading. Siya ang mas malaki ang kapital doon.” “Ihahanap kita ng binata na mayaman. Mayroon akong kilala, arkitekto rin at…” “Tsk! Tumigil ka nga, Shelby.” Ngumiti lamang ang bride. “Malay mo, maging hipag pa kita…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook