2

1025 Words
“SINO IYANG minamanok mong maging hipag?” Sabay silang napalingon ni Shelby sa lalaking walang abog na pumasok sa prep room. Aasikan niya sana ito dahil aasistihan pa niya ang bride na magbihis ng wedding gown pero mabilis niyang napansin ang pag-irap ni Shelby. At bago pa siya nakapagsalita ay nauna na din si Shelby. “Talas, ah. Iba talaga talas ng pakiramdam mo pag babae ang usapan.” At noon lang napansin ni Ysa na hindi naman totoong irap ang ipinukol nito sa lalaki. Mas nang-aasar nga ang tono nito kesa sa nang-iinsulto. “Baka maniwala sa iyo niyan si Miss Pretty Make-up Artist.” Mula sa repleksyon ng salamin ay nakita niyang bumaling ito ng tingin sa kanya. Makarisma itong makatingin sa saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Wala siyang pinakitang ekspresyon kahit na parang gusto niya itong irapan sa astang presko nito. Siya ang naunang bumawi at itinuon ang pansin kay Shelby. “Tutulungan na kitang magbihis. May konting photo shoot pa bago ang ceremony,” paalala niya dito. And as if on cue, pumasok din sa kuwarto si Julianne kasama ang assistant nito. Kasamahan nilang wedding girls si Julianne. At dahil bridal couturier ito, lahat ng wedding girls na naunang ikinasal ay ito ang gumawa ng damit. At hindi na rin naiba si Shelby. Ang alam pa niya ay sponsor ni Julianne ang traje de bodang bride. Kungsabagay ay ganoon naman sila. Basta kasamahan nila ay libre na ang serbisyo o produkto nila. Kung ipilit mang magbayad ay tiyak na malaking diskwento ang binibigay nila. “Time to change!” sabi ni Julianne na may kasama pang palakpak. Binalingan nito ang lalaking nakatayo. “Excuse me, mister whoever you are, bawal muna dito ang lalaki. Hindi naman sa itinataboy kita pero oo, ganoon na nga iyon,” prangkang dugtong nito. “Shelby, tingnan mo itinataboy ako,” tila batang sumbong nito sa bride. “Eh, kasi nga, magbibihis ako. Lumabas ka na. Si Marcus na lang ang bantayan mo.” “Matanda na iyon. Alam na niya gagawin niya.” “Eh, hindi ka naman kasali dito. Sila na bahala sa akin.” “Gusto ko dito, eh. Gusto kitang makasama habang Miss Sta. Ana ka pa. Mamaya, Mrs. Sandoval ka na.” Ngumiwi si Shelby. “Grabe, Kuya! Ang OA mo. Nakasal na nga kami sa civil, di ba? Balak mo pa ba akong paiyakin ng lagay na iyan?” “Iiyak ka ba? Ako nga parang maiiyak na, eh.” “Kuya, patawa ka naman. Lumabas ka na kasi. Magbibihis na ako.” “Umiyak ka muna,” tila nang-aasar pang sabi nito na walang katinag-tinag sa pagkakatayo. “Kuya, ano ba. Ang kulit mo!” Parang noon lang nag-sink in kay Ysa ang narinig. Doon muling lumipad ang tingin niya sa lalaki. Kuya? So, ito pala iyong sinasabing kapatid ni Shelby? Kanina pa niya naririnig ang tungkol sa kuya nito. Nang una niyang ayusan kanina si Tita Shelley ay nabanggot na nito ang isang anak. Pero hindi niya iyon iniintindi. Mas naka-focus ang atensyo niya sa trabaho at parang hangin lang na nagdaan sa kanya ang anumang naririnig kanina. Mabilis na hinanap niya sa mukha nito ang similarity kay Shelby. Hindi agad na mapagkakamalang magkapatid ang dalawa. Kung ubod ng puti si Shelby, ito naman ay kayumanggi. Kape’t gatas halos ang kulay ng dalawa. Matangkad din ito, tantiya niya ay six-footer. Matikas ang tindig kaya lalo pang nagmukha itong matangkad. Kung natural na unat ang buhok ni Shelby, ito naman ay obvious na kulot ang buhok kahit maigsi ang gupit nito. Makinis ang mukha at isang tingin pa lang niya ay alam niyang ganoong uri ng balat ang may regular na skin care. His cheek and chin was perfectly shaved for the occasion. Natagpuan niya sa matangos na ilong at magandang hugis ng mga mata ang pagkakahawig nito at ni Shelby. Sa mabilis at short-cut na pagde-describe, guwapo ito. No doubt. “Kuya!” Narinig na lang niya na malakas na sabi ni Shelby. Itinaas nito ang mga kamay na kunwa ay OA sa pagsuko. “Eto na nga, lalabas na. But before that, I just want to hug my little sister while she’s still single.” Inilang hakbang lang nito ang pagitan at mabilis na niyakap si Shelby. “Congratulations and best wishes, bunso. Don’t ever forget na kuya mo ako. Makakatikim sa akin ang Marcus na iyan kapag sinaktan ka niya. Don’t hesitate to call me anytime, anywhere. Let me know kapag may problema lalo at alam mong may maitutulong ako.” “Kuya,” gibik ni Shelby. Nakita niyang kumislap ang luha sa mga mata nito. Nang magkatingin sila ni Julianne, na-realize niyang pati sila ay teary-eyed din. Mula sa pag-aasaran ay isang kisap-mata na nagbago ang hangin sa paligid. They felt the genuine love between siblings. Nang bumitaw ng yakap ang lalaki dito ay nakita niyang pasimple din nitong kinusot ang sulok ng mga mata. “Naiiyak talaga ako dito sa kasal mo, Shelby. Paano naman kasi, ako itong panganay, inunahan mo pa ako.” Magaang hinampas ni Shelby ang braso nito at umabot ng tissue para tuyuin ang mga mata. “Kung hihintayin kita, hindi na ako makakasal. Ako, isang tao lang ang sigurado akong gusto kong pakasalan. Ikaw, sa edad mong iyan, I’m sure, confused ka pa. Sa dami ba naman ng girlfriends mo, hindi mo malaman kung sino talaga nag gusto mong pakasalan. That is, kung may balak ka ngang magpakasal.” “Ouch. Baka maniwala sila dito na two-timer ako.” “Hindi ka naman two-timer. Maybe multi. Yeah, that’s more like it.” Umubo ito ng peke. “That’s foul. Mababasa naman masyado ang papel ko niyan sa gusto mong maging hipag. Baka maniwala siya na palikero ako.” Sumulyap sa kanya si Jonas. And they both understood that knowing look. Siya lang naman ang kasama doon ni Shelby kanina nang binanggit nito ang terminong hipag. At siya mismo ang sinabihan nito ng ganoon. Inirapan niya ito. Pero ewan ba niya kung bakit parang may kakaibang naging t***k ang puso niya. In an instant, she ignored it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD