THEY GOT married on the evening of January one. Iyon ang gustong petsa ni Jonas hindi dahil sa napilitan lang itong magparaan pa ng taon upang huwag masabing sukob sa taon ang kasal nila at kasal ni Shelby. Maganda raw ang petsang iyon. Bagong taon, bagong buhay din para sa kanila bilang mag-asawa lalo na at sa nakaraang mga buwan ay talagang pinaghirapan nilang dalawa na maka-recover ito sa mabilis na panahon.Jonas is now a brand-new man. Maliban sa peklat ng operasyon at iba pang naging sugat nito, hindi mababakas sa tindig nito ang tinamong aksidente. Matikas na matikas. Guwapong-guwapo gaya noon. Kaya naman ang mga wedding girls, kahit inuulan sila ng kantiyaw ay alam niyang naiintindihan ng mga ito kung bakit ganoon na lang sila ka-pursige na magpakasal. Si Lorelle na personal na na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


