24

1449 Words

“YSA.” Magkahalo ang gulat at kontra sa tono at ekspresyon ni Marcus nang paglabas nito ng hospital room ay makita siya. Ilang sandali na siyang nakatayo doon. Hinihintay lang niya ang paglabas ng mga ito, gaya ng una nilang napag-usapan ni Shelby. Maagap na yumakap si Shelby sa braso ng asawa. “Come on, Marcus. Hayaan na natin silang mag-usap.” Sandaling nag-atubili si Marcos. Maya-maya ay tinanguan na lang siya nito. Hinintay niyang mawala sa pasilyong iyon ang mag-asawa. Isang paghinga ang ginawa niya bago siya nagdesisyong buksan ang pintuan. “Bumalik kayo. May nakalimutan ba kayo—” She froze. Pakiramdam niya ay mauupos siya sa sahig. Kumpara sa nakita niya sa litrato ay mukhang nabawasan na ang mga tubo na nakakabit kay Jonas. Pero pareho lang na para itong nakakulong sa kama a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD