Chapter 15

1308 Words
Simula kagabi noong una niya akong mahalikan ay wala ng tigil si Fabian. Kung kailan niya magustuhan ay basta na lamang niya ako hahalikan. Kahit saan kami naroon, kahit pa alam niyang may mga taong makakakita ay wala siyang paawat. Ganito ba sila ni Ava? Maaaring oo at pwede ring hindi. Ngunit ang sabi niya ay never pa niyang nahalikan si Ava dahil higit sa lahat ay hindi naman niya raw ito gusto. Maniniwala ba ako? Gustung-gusto kong maniwala. Naroon lang sa utak ko iyong katotohanan na pagpapanggap lamang itong ginagawa ni Fabian, na ang kailangan ko lang gawin ay makisakay sa palabas na ito. Marahas akong bumuntong. Saglit kong inalala ang kaninang sinabi niya. Kulang na lang ay sabihin niya na ako ang tipo niyang babae. Alam ko sa sarili ko na ako ang tinutukoy nito sa kwento niya. Lubos na nagsasaya ang puso ko, pinipigilan ko lang at ayokong paniwalaan. Kasi sino ba naman ang magkakagusto sa akin? Sino ang magtatangkang magkagusto sa isang kagaya ko? Alin sa katangian ko ang nagustuhan niya? Ang pagiging inosente ko? Sa unang tingin ay kaagad siyang nahulog sa akin. Nahihibang ba siya? Paano? Paano niya ako nagustuhan, gayong nasa harapan na niya si Ava Constanse? Si Ava na nasa kaniya na lahat, yaman at ganda. Ang komplikado at hindi ko mawari ang sagot. Sa ngayon ay nag-iingat lang din ako sa mga posibleng mangyari. Hindi pwede na mahulog kaagad ako sa patibong. Sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko na nasundan kung paano ako nakauwi sa bahay. Oo at hinatid ako ni Fabian, pero hindi ko na matandaan ang mga huling nangyari. Nandito na ako ngayon sa kwarto ni Ava. Pinag-aaralan ko ang kaniyang biography at ilang interview na nakasaad sa mga magazines. Kilala ng buong bansa sina Mommy at Daddy. Kilala rin na unica hija siya ng mag-asawang Valentino. Umimpis ang aking labi bago inilipat sa sumunod na pahina. Kalakip ng bawat detalye sa buhay ni Ava ay ang maganda niyang litrato. Todo ang ngiti niya, may iba na seryoso at fierce ang datingan niya. “Back when I was in grade school, I envy people who are smarter than me. I don't want to be like that, so I persevere in life. I did everything I could just to make Mommy and Daddy proud of me. Although I know that they already love me, I just want to prove that I deserve their love.” Alam ko, ano mang gawin ni Ava noon, mali man o tama, lahat iyon ay sasang-ayunan nina Mommy at Daddy. Kahit siguro hanggang ngayon. Para sa kanila, ang ipanganak si Ava ay tama na sa kanila. Sa labis nilang kasiyahan, nagmamalaki nilang ipinakilala si Ava sa mundo. Abala sila sa pagpupugay kay Ava, sa pagbibigay kalinga at atensyon dahilan para maiwanan ako sa dilim. Halos makalimutan na ako. Kung nauna nga lang siguro na ipinanganak si Ava, hindi na sila magtatangka pang sundan siya. Wala sigurong Ada Clementine Valentino na nabubuhay ngayon sa mundo. Lumanghap ako ng hangin. Paninikip ng dibdib ang naging sukli sa akin sa pagbabasa kong ito, kaya ay itinigil ko na. Ibinalik ko sa ayos ang mga hinalungkat ko. Hindi ko napansing mabilis lang ang paglipas ng oras. Alas onse na ng tanghali. Minabuti ko na lumabas na ng kwarto. Natapos na rin naman na akong maligo at nakapagpalit na ng damit. Suot ko lamang ay dress kagaya ng palagi ko ring isinusuot. Mas magara at maganda nga lang itong mga damit ni Ava. Nang makababa sa dining ay saktong palabas na rin sina Mommy at Daddy, mukhang natapos nang kumain ng tanghalian. Sinulyapan ako ni Daddy, kapagkuwan ay dere-deretso na siyang naglakad. "Nandito ka na pala?" nang-uuyam na palatak ni Mommy at mapang-uyam din akong pinasadahan ng tingin pamula ulo hanggang paa. "Kanina pa po. Hindi po ba nasabi sa inyo ni Aling Rosa?" magalang ko pa ring sambit. Pagak siyang natawa. "Alam mo naman, Ada, na wala akong pakialam basta patungkol sa 'yo. Nabanggit niya, pero 'yun lang, hindi ka naman importanteng tao para hanapin ko. Nagtataka nga ako at umuwi ka pa rito." Napakurap-kurap ako sa sinabing iyon ni Mommy. Tila pa may malakas na humataw sa puso ko at naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko. Nangatal ang labi ko sa kagustuhan kong magsalita, bandang huli ay itinikom ko na lamang ang bibig. "Good afternoon, Tito Theo. Si Ada po?" Boses mula sa sala, rason para sabay kaming mapalingon doon ni Mommy. Nasilayan ko si Fabian na kapapasok lang sa bahay. Nakangiti ito at puno ng respeto ang mukha niyang nakaharap kay Daddy kung saan ay nagulat dahil sa presensya ni Fabian. Dinig ko naman ang malakas na pagbuntong hininga ni Mommy sa harap ko. Wala ng sali-salita nang umalis si Mommy. Nauna na itong pumanhik sa taas. Samantala, kahit papaano ay nagkausap pa sandali sina Daddy at Fabian. Ilang minuto pa nang mapanood ko ang paglalakad ni Fabian palapit sa kung nasaan ako. "Ba—bakit ka nandito?" utal kong panimula, nakakagulat naman talaga na nandito siya gayong magkasama naman kami kanina. "Kumain ka na ba?" Imbes na sagutin ako ay iyon pa ang lumabas sa bibig niya. Ngayon ko lang din napansin na may dala itong plastic bag, pagkain marahil ang laman. At mukhang hindi na rin niya kailangan ang sagot ko dahil nalaman na niya iyon nang biglang kumalam ang tiyan ko. "Nagdala ako ng luto ni Mama," ani Fabian at saka pa ako hinila paupo sa isang upuan. Saglit niyang inayos ang hapag para sa aming dalawa, na kahit may katulong naman na nakatunghay ay siya na mismo ang kumuha ng plato at mga kubyertos. Sinalinan niya ng tubig ang baso ko, ganoon din ang kaniya. Bawat galaw niya ay sinusundan ko. Nagawa ko pang panoorin kung paano niya itupi hanggang siko nito ang long sleeve ng kaniyang white button down polo shirt. Mayamaya nang maupo siya sa tabi ko. Hinainan niya rin ako ng maraming kanin, animo'y dalawang tao ang kakain. Kasunod ng lutong ulam. Nang hindi gumalaw ay kinuha niya ang kutsara ko. Ngayon ko lang na-realize iyong sinabi ni Fabian sa akin. “Simula ngayong araw, sabay na tayong kakain. Sabay nating ipagdiriwang lahat ng mahahalagang araw para sa 'yo.” Walang may gustong sumabay sa akin, kahit ang magulang ko ay ayaw na kasama ako sa hapag. Ngunit si Fabian, nandito siya at sinadya pang magpunta rito para lang may kasama akong kumain. Bumuka ang labi ko upang tanggapin ang pagkaing nakaabang sa harap ng bibig ko. Matamis na ngumiti si Fabian habang pinagmamasdan ang pagnguya ko. Kalaunan nang bawiin ko sa kaniya ang kutsara ko. "Ako na," simpleng saad ko upang pagtakpan ang nagwawala kong puso. "All right." Tumango si Fabian bago siya nagsimula sa kaniyang pagkain. Sumilay ang maliit na ngiti sa akin. Hindi ko na napigilan ang mumunting saya na nadarama ng pagkatao ko. Nang dahil lang ito kay Fabian. Lahat ng nangyayari sa akin magmula nang makasama ko siya, pakiramdam ko ay mahirap na makalimutan. O sadyang masarap lang din paulit-ulit na alalahanin na mayroong isang Fabian Ambrose Iverson ang nagkagusto sa akin. Kahit pagpapanggap lang ay okay na sa akin. Kahit papaano naman ay masaya na ako sa katotohanang may napipilitan na makisama sa akin. Kaya totoo man o hindi itong ipinapakita sa akin ni Fabian, hindi ko kailangang magpakita ng interes. "Kumain ka pa," ani Fabian, saka siya nagsandok ng kanin kahit hindi pa naman ubos ang nauna niyang inilagay. "Kapag kasama mo ako ay wala kang magiging limitasyon. Just eat whenever you want and just do whatever you want to do. Got it?" Ngumiti ulit ako. "Yes po." Humalakhak siya, kapagkuwan ay inayos nito ang ilang tikwas ng buhok ko at dinala iyon sa likod ng tainga ko. Muli, hindi ako mahuhulog sa kaniya. Kapit ka lang, Ada Clementine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD