“G-Good morning po,” mahina kong bati. Tiningnan niya lang ako at pinaupo. Kaagad na sumunod naman ako. Napalunok ako nang makita ang mainit-init na sabaw ng sinigang. “Kumain kayo, siguradong parehas kayong may hang-over. Kamuntik niyo ng halikan ang daan kagabi sa sobrang kalasingan,” aniya. Kaagad na nakaramdam naman ako ng hiya at pasimpleng kinurot ang tagiliran ni Landon. Tiningnan niya ako at nginisihan. “Kain na,” wika niya. Napalunok ako at hindi ko alam kung susubo ba ako o hindi. “Nahihiya ka ba sa ‘kin, Menchie? Huwag kang mahiya. Hindi uso sa bahay na ‘to ang hiya-hiya. Hindi ‘yan puwede sa ‘kin,” saad niya. Alanganing ngumisi naman ako. Lalo akong natakam sa pagkain kaya mabilis na nilantakan ko iyon. Hindi bale na. T’saka na ako magsisisi kapag nabusog na. Sobrang sara

