Pagbalik nga ng trabaho ay napansin kong parang palaging wala sa mood si Landon. Gusto ko nga sanang tanungin kaso kapag gagawin ko naman eh umiiwas siya. Naayos na rin namin ni Aidan ang problema namin. Kahit papaano ay sinusubukan ko naman. Baka parte lang talaga ng relasiyon ang mga balakid. “Hindi ka pa ba uuwi? Pagabi na,” saad ko. Umiling lamang siya at tutok sa kaniyang laptop. “May board meeting next week. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko. Mauna ka na,” sagot niya. Huminga ako nang malalim at hindi ko naman kayang hayaan siyang magtrabaho mag-isa rito lalo pa at gumagabi na. Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas. Wala na ngang tao. Napatingin ako sa floor kung nasaan ang opisina niya nang makalabas ako at nakokonsensiya ako. May nakita akong kainan sa unahan kaya nag-tak

