Kinabukasan nga ay nagpapasalamat akong sobrang busy namin. Ayaw ko siyang kausapin at sa tuwing susubok siya eh kaagad na umiiwas ako. Buti na nga lang at marami ang mga empleyado niyang pabalik-balik dito. Nakahinga ako nang maluwag. “Mench,” tawag niya sa ‘kin. “Bakit?” sagot ko habang nakatingin sa monitor. Ayaw ko siyang tingnan. Naiilang ako. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Nothing,” aniya. Natigilan naman ako at hinayaan na lang din siya. Ayaw ko rin talaga siyang kausapin. “I ordered coffee and cake for you. It’s in the pantry, kumain ka muna,” wika niya. “Thanks,” tipid kong wika. Lumabas siya kaya natigil ako sa pagtitipa at mabilis na pumunta ng pantry. Kanina ko pa gustong kumain lensiyak. Hindi ko nga alam kung bakit iniiwasan ko siya eh puwede ko naman siya

