"Dahan dahan lang." Paalala ni Ion habang pumapasok ako sa bahay. I'm not a kid.
"I know." Sagot ko. Nakabenda ang kamay ko, may tahi ang balikat, braso at tagiliran ko. Mukha akong hinang hina dahil sa itsura ko ngayon.
Dire diretso akong pumasok sa loob dahil may kailangan pa akong puntahan. Sabado naman ngayon kaya wala akong klase.
Pumasok ako sa kwarto ko para isuot ang contact lense ko. Agad din akong lumabas ng maisuot ko na ito. Hindi ko alam kung saan ang bahay ng Dwight na iyon pero alam ko kung saan ang gubat na pinaglabanan namin.
"Oh? Saan ka pupunta? Magpahinga ka, Athena." Seryosong sabi ni Ion sa akin. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na lumabas sa bahay.
Pamilyar sa akin ang gubat pero hindi ko alam kung papaano iyon pupuntahan. Kaya't ng may makasalubong akong tao, agad ko itong nilapitan kahit na naiinis ako sa mga tao.
"Saan may gubat dito?" Sabi ko. Kumunot naman ang noo niya. Mukha nga pala akong takas sa ospital. I hate myself.
"Ah eh, sa tabi ng Caltex, ang alam ko may gubat dun. Kayalang malayo yung Caltex pero dire diretso lang naman yung daan papunta doon. Kailangan mo nga lang mag jeep." Sabi niya. Bakit ba ang hahaba magsalita ng mga nilalang sa mundong ito?
Nilagpasan ko nalang siya dahil wala naman akong dapat pang sabihin sa kanya. Napagdesisyunan ko nalang na mag lakad dahil wala naman akong dalang pera pambayad.
Kalahating oras na akong naglalakad ng matanaw ko ang isang malaking bagay na may nakasulat na 'CALTEX'. Tumakbo na ako papunta doon. Hindi pa naman kasi ako napapagod.
Nang makarating ako sa gasolinahan na iyon, luminga linga ako sa paligid. Sa harap nito ay ng kalsada. Sa kaliwa naman ay mini stop. Sa kanan ay may nagbebenta ng mga halaman. Tumingin ako sa likod at nakita ang kumpol ng mga puno. Ito na siguro ang gubat na sinasabi ng lalaking nakausap ko kanina.
Dire diretso akong nagtungo papasok sa gubat. I think this is the right time. I badly need his help and I want it as soon as possible.
Lumiko ako dahil gusto ko lang. Ewan ko ba, bahala na kung saan ako mapadpad.
I am aware na lahat ng gubat ay nakakatakot, but this forest, it is very creepy. Hindi sa natatakot ako but I find this forest weird. And it's a little bit familiar. I think I've already saw this.
Tumingin ako sa kalangitan the clouds are dark. Uulan siguro.
Sa hindi kalayuan, nakakita ako ng isang bahay. A black house actually. It is really familiar. Saan ko ba nakita to?
Nevermind, mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang paghahanap sa Dwight na yun.
Napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa lugar kung saan ko nakuha ang mga sugat na ito. Tumingin ako sa puno sa likod ko. May mga bakas parin ng dugo dito kahit na ilang araw na ang nakakalipas. Kapansin pansin din ang mga butas sa puno. Natunaw na siguro ang mga yelo ni Dwight.
"What are you doing here, weakling?" I heard a very familiar cold voice behind me. Tama ako, dito ko nga siya matatagpuan.
"I need you." Sabi ko sa kaniya. I sound so helpless but I really need him. I need his help so that I could kill him.
"Woah." Tanging nasabi niya sabay baba sa itaas ng puno.
"I didn't know that you'll be needing me this soon, weakling." Inirapan ko nalang siya dahil wala naman akong dapat pang sabihin sa kaniya.
"You're really fortitude but you're physically weak." Sabi pa niya. Yes I am mentally and emotionally strong but I admit that after our fight, I am really a nobody.
"Cut off." Sabi ko. Masyado na siyang maraming sinasabi.
Lumapit siya sa akin.
"Right now?" Ika niya.
"No" Sagot ko. Hinugot ko ang isang baril sa bulsa ko at tinutok sa kaniya.
"Right now." Kasabay nito ang pagkalabit ko sa gatilyo ng baril.
"Are you nuts?" Bored na sabi niya sa akin. Just like what I've expected, hindi nga siya tatablan nito.
"No, nagtry lang." Sabi ko sabay tapon ko sa baril na nakuha ko sa ilalim ng kama ko. I didn't know kung bakit may ganun sa ilalim nito and I don't effin' care.
"I'll tell you 5 things." Sabi tapos umikot siya sa akin.
Nang nasa harapan ko na siya, lumapit siya sa akin. Hindi naman ako gumalaw dahil wala akong ideya sa gagawin niya. Pero ng mapansin ko na magkadikit na ang ilong namin, umatras na ako. Lumapit pa rin siya ng lumapit sa akin.
Napahinto ako ng maramdaman ang puno sa likuran ko. I'm stuck.
Nilapit niya ang mukha niya. What the hell is he doing?!
Pumikit ako dahil nalulula ako.
"Acckk" Daing ko ng bigla niya akong suntukin sa sikmura. Napahawak ako dito.
"First, focus." Sabi niya at bahagyang lumayo sa akin.
"Focus on your fight, always remember what is happening. Do not set your mind on the thing that has nothing to do with the battle." Sabi niya. The heck with him. Right, he diverted my mind.
He's really good.
"Second, look around you." Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun, may dumaplis sa kamay ko na isang yelo. s**t!
"Don't focus your mind on your opponent itself. Focus on the fight. Meaning, everything around you might kill you." Sabi niya. I really need him.
Narinig ko ang paglagitgit ng sangga ng mga puno. Kaya agad akong umalis sa pwesto ko.
Biglang bumagsak ang isang puno sa kinaroroonan ko kanina.
"Good. Third, know all the presence around you." Sabi niya. Mas lalo akong naging mapagmatyag dahil sa mga ginawa niya kanina.
"But don't forget your opponent. You should do a multi-tasking." Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya.
"Fourth, know your opponent's weakness through his or her eyes. That's my technique." Sabi niya. Now he's telling me his own techniques. Isn't he aware of my plan?
"Now look at me. Look at my eyes." Sinunod ko siya dahil wala naman akong magagawa kundi gawin yun.
He looks so bored.
"Now, what is my weakness?" Tanong niya. Paano ko naman malalaman kung anong kahinaan niya. Is he insane?
"How?" Tanong ko. I think it is important, very important, to know your opponent's weakness through their eyes.
"It's for you to find out." Sabi niya. Okay. I should learn that later after this.
"Last, remember your goal. Think only about yourself and the reason of the fight." Sabi niya. Ofcourse I'll do that.
"I know that you are confused. I know that you'll use this against me. I just don't deserve having a weak opponent so I'm helping you." Pang aasar niya. Ang yabang niya talaga.
"Wait for your death." Sabi ko. He's getting on my freakin' nerves!
"I'll wait for yours before mine." Nakangisi niyang sabi sa akin.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"The rain is on my side, poor Athena." Sabi niya. Hindi ko iyon nakuha agad pero. s**t! Kayang kaya niyang gawing yelo ang ulan at sigurado ako na kapag hindi ko siya napigilan, madadagdagan na naman ang mga sugat ko!
"Should I end this now? This early?" Pang aasar niya pa. Ano bang kaya kong gawin para matalo ang yelo na to?
"I just want to kill you." Sabi ko sa kaniya. Ngumisi siya.
"You want, but you can't and you'll never." Mayabang niyang sabi sa akin. I swear, I'll kill him.
Pinalutang ko ang isang tipak ng malaking bato. I'll use this as my shield.
Pinalutang ko iyon sa itaas ko gamit ang kanang kamay ko. Ginamit ko naman ang kaliwang kamay ko para kumuha ng isang matulis na yelo na gawa ni Dwight.
"Do you really think that my own creation can hurt me? Are you still using your brain?" Seryosong tanong niya. f**k! How can I fight him?!
Binitawan ko kaagad ang matulis na yelo na hawak ko at pinalutang ang dalawang contact lense na nasa mata ko.
"When will you discover the real you?" Umiiling na sabi niya. The 'real me'? Anong ibig niyang sabihin?
"You're too powerful based on the book but look at you, weakling." Sabi niya. Tumingin ako sa isang puno para palutangin iyon pero may biglang bloke ng yelo ang bumagsak sa paa ko.
"s**t!" Daing ko habang tinatanggal ang paa ko.
"I told you, focus on your opponent. Kaya mong palutangin yan kahit hindi mo tinitignan." Sabi niya sa akin. Yeah, right.
How can I do a freakin' multi-tasking when I am facing my death?! Paano ko naman gagawin yun?!
"Will you just help me discover things up?! Why are we fighting?!" Galit kong sigaw habang hawak ang paa ko.
"Why? Are we gonna play detective on your battle day? I am training you to be a better soldier not to be a detective to discover things." Sabi niya. We still have a lot of time to fight. I need to know myself first. How can I know my opponent's weakness if I don't even know mine?
"And besides, it is your responsibility to know yourself. I just want to know your past." Sabi niya. Psh.
"Cut it off, let us continue it." Sabi ko sabay hagis sa kaniya ng isang puno.
Bago pa man tumama iyon sa kaniya, naiwasan niya na agad ito. Paano niya naiwasan ang ganun kabilis na atake?!
"Ack," mahinang sabi ko ng may tumusok sa paa ko. Tinignan ko ito at may nakita akong matutulis at maliliit na yelo.
"Look around you, but leave an eye on your opponent." Paalala niya kaya tinignan niya ako. Ginagawa ba niya akong banlag?
Pumikit ako at sa pagmulat ko, lumabas ang liwanag sa mata ko.
"Be sensitive." Nanlaki ang mata ko ng hindi ko siya makita sa harapan ko at nagulat ako ng bumulong siya sa akin mula sa likuran ko. Why did he do that?
Pumunta na ulit siya sa harapan ko at nakipagtitigan sa akin.
"What do you think is my weakness?" Tanong niya sa akin. Ano nga ba? s**t! Wala naman akong makitang kahit na ano sa mata niya kung hindi wala.
"Think, Athena, think." Sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin.
After 20 seconds, wala pa din akong sinasabi, mas lalo na ding lumakas ang ulan.
"Fire." Biglang sabi niya. Kumunot ang noo ko.
"That is my weakness." Nagulat akong muli. Bakit sinasabi niya sa akin ito?
"Why are you telling this to me?" Nagtatakhang tanong ko sa kaniya. He is not reasonable. Dapat matuwa ako na alam ko na ang kahinaan niya pero mas nangingibabaw sa akin ang pagtatakha. Bakit pati kahinaan niya sinasabi niya pa sa akin?
"I've already told you. I want a strong enemy." Tumingin nalang ako sa ibang direksyon. Alam kong hindi iyon ang totoong dahilan niya.
Pinagkiskis ko ang dalawang bato, napanuod ko noong nanunuod si Ion, na noong unang panahon, naimbento ang apoy dahil sa dalawang bato.
But how can I make a fire when it is raining?! He is right, nasa panig niya nga ang ulan ngayon. Bukod sa pwede niya itong gawing yelo, hindi rin ako makakagawa ng apoy kung basa ang mga bato. At kung makakagawa man ako, mamamatay din ito kaagad dahil sa tubig.
"Use your eyes to create it." Sabi niya. He is now giving me an advice to create his weakness. He's unbelievable!
How can I use my eyes to create a fire? Nag isip ako.
Damn! He is f*cking right!
Agad kong tinignan ang mga dahon sa puno na ngayon ay basang basa na.
Pumikit ako at dumilat muli kasabay ang paglabas ng liwanag sa mata ko, inisip ko na sana ay maging apoy ang liwanag na iyon.
Nang dumilat ako napangiti ako ng makitang umaapoy na ang isang puno.
Pinalutang ko ang puno at inihagis ito kay Dwight. Mausok kaya hindi ko siya agad makita.
"I forgot, I am not afraid of an ordinary fire. My weakness is his fire." Pagkasabi niya nun. Umalis na siya. Pero bago siya mawala sa paningin ko, narinig kong sinabi niya.
"Stop giving me strange feelings, weakling."