Kabanata 13

2009 Words
    Inilibot ko ang paningin ko sa isang kwarto. Tatayo na sana ako ng biglang kumirot ang tagiliran, kamay, braso at balikat ko. Tinignan ko ang mga yun.   Akala ko panaginip lang yun.          Napapikit ako ng mas sumakit ang mga sugat ko. Hindi ko akalain na magagawa ni Dwight yun. Napakalakas niya pala.         Tinignan kong maigi ang kabuuan ng kwartong ito.   Kadiliman        Yan lang ang tanging imahe na nakikita ko ng libutin ko ang paningin ko. Nandito na naman pala ako. Patuloy lang akong pumikit ng maramdaman ko na naman ang hapdi ng mga sugat ko.        Matapos akong matamaan ni Dwight sa kamay at tagiliran, wala na akong ibang maalala doon. Kahit ang mga sinabi ni Dwight sa huli hindi ko na din naintindihan.   Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko.        Akala ko dati, kayang kaya kong protektahan ang sarili ko. Nabuhay ako na walang tumutulong o gumagabay sa akin. May tatay nga ako, pero kahit kailan, hindi ko naramdaman ang pag gabay niya sa akin.        Masyado kong pinaniwala ang sarili ko na hinding hindi ko kailanman kakailanganin ang tuloy ng kahit na sino. Ngunit sa lagay kong ito, mukhang kailangan ko siya.    Kailangan ko si Dwight.         Sinabi niyang tutulungan niya ako na maging malakas upang maging handa ako sa mga bagay na tutuligsa sa akin sa hinaharap.         Kailangan ko si Dwight. Kapag natulungan niya na ako, dapat na siyang maghanda para sa kamatayan niya. Nasasaktan ako ngayon kaya kailangan niya ring maranasan iyon.         Bumukas ang pintuan kaya nagkaroon ng kaunting liwanag. Hindi ako makatayo kaya hinayaan ko nalang na lumapit sa akin ang kung sino mang nagbukas ng pinto.         Binuksan niya ang ilaw kaya't lumiwanag ang buong paligid. Ngayon ko lang din napansin na napakataas pala ng bubong ng kwartong ito, hindi katulad ng sa karaniwang bahay sa earth. Pabilog din ang kwarto at halos 50 metro ang taas.   "Ion." Mahinang sabi ko ng makita ko ang mukha niya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.   "Athena," Sabi niya ng tuluyan siyang makalapit sa akin. Hinawi niya ang hibla ng buhok sa mukha ko. Tumingin ako sa mga mata niya, kitang kita dito ang pag aalala. Nag aalala ba sa akin ang nilalang na to?   "Ayos ka na ba?" Napairap nalang ako sa tinanong niya. Wala talaga siyang pinagkaiba sa mga tao.  Nakikita naman nilang dumaranas ng matinding kalungkutan ang isang tao tapos magtatanong sila kung okay lang ba ito.   "Ano sa tingin mo?" Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng mapait.   "Ilang oras na akong nandito?" Tanong ko sa kaniya.   "Dalawang araw na, Athena." Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko ito masyadong pinahalata.           Dalawang araw? Nakapagtataka naman na hindi ko man lang napanaginipan si Thyra o kahit yung lalaki man lang. Ni hindi nga ako nanaginip.           Ilang araw ko na ding hindi napapanaginipan si Thyra. Ano na kayang nangyari sa babaeng iyon? Mukhang napapalapit na ako sa kaniya.   "Bakit ako nandito?" Tanong ko. Pwede naman nila akong dalhin sa mga ospital. Bakit dito pa sa Mreine?   "Sa tingin mo maipapaliwanang ng mga doktor sa earth kung bakit puno ng bubog na gawa sa yelo ang katawan mo?" Sagot niya.          Bubog na yelo? Bakit hindi man lang natunaw iyon?   "Saan niyo ako nakita?" Pagtatanong kong muli. Marami akong gustong malaman at tingin ko, alam ni Ion ang mga bagay na yun.   "Pagkagising ko nung umaga, syempre kinusot ko muna yung mata ko. Tapos nagpunta ako sa Cr para maghilamos at mag toothbrush. Nainitan ako kaya napagdesisyunan kong magshower kasi mag pasok nga, balak ko kasi talaga before breakfast pa mag sho---"   "Ion." Puno ng pagbabanta na sabi ko sa kaniya. Wala talaga siyang kasense sense kausap.   "Joke lang naman, serious na, pagkatapos kong maligo nagpunta ako sa kwarto mo para gisingin ko. Pagbukas ko ng pinto, nakabulagta ka sa kama mo at punong puno ng dugo. Baka din ang mga dugo mula sa kama mo hanggang sa terrace ng kwarto mo. What exactly happened, Athena?" Sabi niya.         Mukhang naawa pa sa akin si Dwight kaya dinala niya ako sa kama ko. Kung tutuusin, mabait pa siya kahit na hindi man lang niya ako ginamot at kahit na maraming dugo ang nawala sa akin. Hindi niya ako pinatay kaya may utang na loob pa ako sa yelong yun.   "Wala akong maalala." Sagot ko nalang. Hindi ko pinagkakatiwalaan si Ion kaya't wala akong balak sabihin sa kaniya. Kay Thyra ko lang balak sabihin ang nangyari sa akin.   "Sinungaling." Sabi niya sabay tingin ng masama sa akin.   "Ano yun, nakatulog ka lang nasaksak ka na bigla ng yelo?  Wow." Sabi niya. Tumingin ako sa kaniya ng matalim. Paano niya nalamang yelo ang sumaksak sa akin?   "Pwede din." Sagot ko nalang. Mukhang may tinatago ka din, Ion.   "Ano nga kasi?!" Medyo pasigaw niyang tanong. Para siyang bata.   "Umalis ka na." Utos ko sa kaniya. Sumasama na kasi ang pakiramdam ko at kalkyula ko, mas lalong sasama ang pakiramdam ko kung wala namang kwenta ang makakausap ko. Kailangan kong matulog ulit, gusto kong makausap si Thyra.   "Sungit mo. Sige bye!" Sabi niya sabay kaway sa akin. Hindi ako makailing kaya mata ko nalang ang pinaikot ko (Inirapan ko nalang si Ion). Sa wakas, makakatulog na din akong muli.       ***   "Ty?" Tawag ko sa kaniya. Masyadong mahaba ang Thyra kaya Ty (Tay) nalang ang itatawag ko sa babaeng yun.   "Huwaaaa! Athena!" Sigaw niya. Nahahawa na siya kay manok at daldalita. Umiingay na din siya.         Agad niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Nilayo ko naman siya kaagad. Nakakairita.   "Bakit ngayon ka lang nanaginip?!" Nagmamaktol na tanong niya.   "Makokontrol ko ba?" Nakataas na kilay na tanong ko. Psh, hindi na naman siya nag iisip.   "Ay oo nga. Ang tagal na nating di nagkita huh. Hahaha. Ayiiie, namiss mo ko no?" Kumikindat na tanong niya. Disgusting. Ano bang ginagawa ng babaeng ito?   "Hindi." Sinabi ko lang naman ang totoo sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya namimiss. May mga bagay lang talaga akong kailangang i kwento sa kaniya.   "Nung nakaraang mga araw, nakaramdam ako ng kasiyahan." Pag sisimula ko ng kwento. Buti nalang at hindi si Zephyr ang kausap ko ngayon. Mapapasabak na naman ako sa inglesan kung siya man ang kausap ko.   "Oh?! Wow!" Sabi niya. Tila ba manghang mangha siya sa naramdaman kong iyon. Sabagay kahit naman ako ay lubhang naninibago sa naramdaman kong iyon.   "Si Zephyr, sinabi niyang gusto niyang maglaro. Tinanong ko siya kung kaano ano niya si Ion, sinabi niyang dati niya daw itong bestfriend. May nabubuong konklusyon sa utak ko ngunit hindi ako sigurado kung tama iyon." Sabi ko. Tumango tango naman si Ty.   "Matapos iyon, hi-hinalikan niya ako sa no-noo." Hindi ko alam kung bakit nagkautal utal ako. Hindi na nga niya ako pinatulog, pinag utal utal niya pa ang mga salita ko.   "Ayiiie, bakit naman niya ginawa iyon?" Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko naman kasi alam ang sagot.   "Baka may crush sayo!" Kumunot ang noo ko. Base sa sinabi ni Ion, ang ibig sabihin ng crush ay paghanga. Pero sa kalagayan daw ng mga kabataan ngayon, ang ibig sabihin ng crush ay isang 'malagkit' na pagtingin sa isang tao, sabi yun ni Ion.   "Hindi ako makatulog nung isang araw dahil sa ginawa niyang yun. Masyado kasing bumabagabag sa isip ko ang ginawa niya. Biglang kumalabog sa labas kaya't tinignan ko kung ano yun. Nakita ko si Dwight doon. Alam ko naman hindi niya ako binibisita. Alam kong balak niya akong kunin habang natutulog ako. Mabuti nalang at gising ako ng mga panahong iyon." Pagkwekwento ko pa. Alam ko namang ako talaga ang sinadya ni Dwight nung gabing iyon, pero hindi para bisitahin ako. Kundi para kuhanin ako. Gusto niyang malaman ang nakaraan ko. Gusto niyang malaman kung sino ako.          Natatandaan kong sinabi niya sa akin na nabasa na daw niya ang libro kung saan nakalahad ang mangyayari sa buhay ako. Tanging hinaharap ko lang ang alam ni Dwight. Alam kong hindi siya makuntento sa nalalaman niya kaya pati ang nakaraan ko ay nais niyang malaman. Napaka sakim niya.        Alam ko din na hindi lang ako ang makikinabang sa pagtuturong gagawin sa akin ni Dwight kung sakaling pumayag man ako. Siguradong kapag naging malapit kami sa isa't isa, gagawin niya iyong daan upang makita kung sino nga ba talaga ako. Mukhang mahihirapan siya dahil kahit nga ako, walang kaalam alam kung ano at sino ako.   "Tapos?"   "Matapos iyon, sinabi niya na gusto niya akong tulungan, upang makapaghanda ako sa mga bagay na makapagbabagsak sa akin sa hinaharap. Alam kong totoo ang sinasabi niya dahil nakita na niya ang hinaharap ko. Sinabi ko na hindi ko siya kailangan kaya't nagalit siya. Sinabi pa nga niyang ako daw ang pinakamahina." Sabi ko. Naalala ko na naman tuloy kung paano ko napatunayan sa kaniya na tama siya. Tama siya, mahina nga ako.   "Dinala niya ako sa isang gubat. Dahil mahina nga ako, ito ang nangyari sa akin." Tumingin ako sa katawan ko, hindi masakit ang sugat ko ngunit makikita mo parin ang bakas ng mga dugo at ang mga sugat. Panaginip ito kaya malamang, hindi ko mararamdaman ang mga sugat ko.   "Ano bang ginamit ni Dwight sayo?" Sa pagkakatanong ni Thyra, para bang matagal na niyang kilala si Dwight.   "Matutulis na yelo." Sagot ko. Napa "Oww" naman siya.   "Kung tutuusin, Athena, ginagamit lang ni Dwight ang ice dexterity niya kapag mahina ang kalaban niya. Hindi ko inakala na hindi mo iyon nagawang labanan. Akala ko pa naman malakas ka na." Mahina ang huling pangungusap na binanggit niya ngunit narinig ko ito.    Akala ko din malakas ako.   "Ice dexterity?" Tanong ko. Ibig sabihin hindi lang matutulis na yelo ang kayang gawin ng Dwight na yun? Kung ganun, mahihirapan nga ako sa kaniya.   "Isa iyon sa mga kaya ni Dwight. Ibig sabihin, maraming kayang gawin iyon. Sa totoo lang, buong akala ko ang pinakamalakas niyang kapangyarihan ang ginamit niya sayo." Sabi niya, bakas na bakas naman ang panghihinayang sa boses niya. Disappointed siya sa akin.       "Sa paraan kasi ng pananalita mo, parang alam mo na ang lahat." Sabi niya. Napayuko ako. Nakita ko naman ang kwintas kaya't tumunghay ulit ako.   "Ty, bakit kasama ang kwintas na ito kahit sa pag gising ko?" Tanong ko sa kaniya. Alam kong imposibleng magmaterialize ang mga bagay na nasa panaginip.   "Syempre, nilagay ko naman talaga yan sa leeg mo nung natutulog ka." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.   "Papaano?"   "Bakit si Dwight lang ba ang may karapatang tumalon sa terrace mo? Syempre hindi. Ganito yan, secret lang huh. Bukod sa panghihimasok sa panaginip, kaya ko ding maging invisible. Hihi. Bale, nagsleep walk ako nun, para mailagay sa iyo yung kwintas habang nasa byahe ka. Hihi." Paliwanag niya sa akin. Paano niya naman nagawa ang bagay na yun? Nakakahanga din talaga paminsan minsan ang babaeng ito.   "Para saan naman to?" Tanong ko habang hawak ang pendant ng kwintas. Pwede namang itim nalang yung dyamante. Bakit kailangang pink pa?   "Agimat?" Patanong na sagot niya. Anong agimat? Ano naman yun?        Sinarili ko nalang ang tanong ko. Hindi na ako muling nagsalita dahil nawawalan na ng sense ang pag uusap naming dalawa.   "Oo nga pala, yung bubog sa katawan mo, kailangan mo na iyang ipaalis." Paalala niya.   "Kaya hindi ka makagalaw ng maayos ngayon ay dahil yun dun. Kaya kung ako sayo, ipatanggal mo na yan para makatayo ka man lang." Sabi niya sabay tayo. Pinagpagan niya ang damit niya at naglakad papalayo.       ***         Dinilat ko na ang mga mata ko. Matapos maglakad papalayo ni Thyra, kasabay din nun ang pag gising ng diwa ko. Masyadong maraming nasabing kakaiba si Thyra ngayong araw na to. Parang unti unting nagiging misteryoso ang pagkatao ni Thyra. May kakayahan pala siyang maging invisible.          Natatandaan ko nung tinanong ko siya kung nakita ko na ba siya, sinabi niyang oo. Siguro ginamit niya ang dexterity niya ng mga panahong iyon. Pero bakit niya nasabing nakita ko siya?        Isa pang nakapagtataka, masyado siyang jolly kung magsalita ngayon. Hindi naman siya ganito kasiyahin dati. Alam kong maliit na bagay lang iyon sa inyo pero para sa akin, napaka laking misteryo ng bagay na iyon.         Pero ang pinaka nakapagpapagulo talaga ng isip ko ngayon ay,           Bakit parang kilalang kilala niya si Dwight?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD