Episodes 4

1756 Words
Episode 4 Aroz De Belen NAGISING na lang ako sa napaka-weird na panaginip ko na iyon. Is that a damn wet dream? Sa lalaking iyon? I can't believe and I can't accept either! Hindi ako makapaniwala na hinahalikan ko ang lalaki na iyon sa panaginip ko? Like hello! Hindi ko pinangarap na magkaroon ng isang wet dream para sa isang lalaki na tulad niya. At dahil nga pala sa ingay ng bibig ni Berly kaya ako naman ay nagising. Ngayon lang nagkaroon ng pakinabang ang pagkabungangera niya. "Good morning! Sanaol fresh," sabi niya sa akin habang nakangiti pa. Bored ba itong babae na ito? "And what's with the noise?" tanong ko sa kanya. "Guess what? Na-move pala ang enrolment! Punta na tayo ng school ngayon," sabi ni Berly sa akin na para bang may nakaka-excite sa page-enrol. Tiningnan ko naman ang wrist watch ko. "Seven pa lang ng umaga, you are too excited for nothing." "Huy, hindi nothing ito. Hindi ka pa ba nagkaka-crush? Ang tagal ko kayang hindi nakita si Andy, gosh!" Kinikilig na sabi niya. "Miss ko na siya." Napaismid na lang ako habang pumipili ng damit ko. Maybe around 9 in the morning na rin siguro ako magagayak. "Okay, enrol na tayo. Pero wala 'yung van namin," sabi ko sa kanya. At sa lawak ng lugar na ito, I do not have to think just to know na malayo ang school mula rito. "May tricycle driver diyan sa kanto, singkwenta lang pamasahe! Kilaka ko rin 'yung namamasada na isa roon, magiging kaklse ko iyon, pinsan ko na si Onyok." "Tricycle? Hindi ba at delikado roon?" tanong ko naman. Tumawa naman si Berly, wala naman akong idea kung bakit siya biglang natawa na lang. "Safe na safe naman tayo roon. At saka hindi naman kaskasero na driver ang pinsan ko! Maligo ka na madam at saka na tayo aalis. Mahirap makipagsiksikan sa pila," sabi niya. Hindi na siguro ako kailangan na manghula para malaman na wala silang online registration. Kailangan ko talang mahirapan sa mga mano-mano na bagay rito sa probinsya. Lumabas na muna ako para makapag-tea. I just want to sip a cup of it while thinking and reflecting why the ef I have a lustful dream with that guy. Like I met a tone of handsome guy before, but! As in hindi naman ako nagkaroon ng, considerably, a wet dream before for a guy. Napailing na lang ako at saka pumunta sa kusina. Nandoon si Mom at nag-aayos ata siya ng pagkain sa fridge namin. She looks haggard, alam ko na lahat kami ay naga-adjust. "Do you need help, Mom?" tanong ko sa kanya. She refused. "No, anak, kaya ko na ito. Oo nga pala, pupunta na mamaya rito 'yung nagkakabit ng WiFi, so worry not." Bigla naman akong napangiti sa narinig ko! Alam ko iyon, dati hindi ko naman pansin ang mga ganyang bagay. Like as if mapapasaya ako ng simpleng WiFi. But I now really that only if you have nothing, you can appreciate everything. "Thank you, Ma! Makakamusta ko na rin sa wakas si Kuya at Daddy," sabi ko na hindi naman halata na masyado akong excited ano? "Naka-prepare na ang breakfast mo diyan, sabi ni Berly ay ngayon na raw ang enrollment ninyo. Another adjustments, wala kasing private school dito e. But I swear that the school that you will attend is good. Doon nag-aral ang Dad mo." Ngumiti naman ako. "Okay lang, Mom. Alam ko naman na hindi naman tayo magtatagal dito." She has this weak smile. "I hope so too." Binaliwala ko naman ito, I need to be optimistic! I need to think that this scenario would not be my end game. I will not let myself stuck with this situation and life. Mababalik din namin 'yung status at buhay namin noon. I swear, lalo na 'yung mga tumapak sa amin. Humanda sila. After taking my daily dose of tea, agad naman akong naligo sa poso at saka na mabilis na nag-ayos. And the b***h of me choose to be very picky and what should I wear eight now. Ayaw ko naman na magmukha akong iba at mag-stand out ng sobra. I choose to wear white shirt and a jeans, nag-ponytail naman ako ng buhok, at saka na ako nagsapatos. This is my most simple get up. Paglabas ko ay naghihintay na pala sa akin si Berly. Suot naman niya ay ang pink na pink niya na blouse, and she is wearing a freaking skirt. "Girl, hindi ka sasama na ganyan ang suot mo," sabi ko sa kanya. Taka naman niya akong tiningnan. "Ha? Bakit?" Hinila ko siya sa kwarto at saka ko siya binihisan ng matino. Nang makita ko na ayos na ang damit na suot niya ay lumabas na kami. "Grabe, ang ganda ng mga damit mo! Branded, original at saka cotton pa." "Allergic ako sa ibang mga tela, kaya naman maselan talaga ako sa mga ganyan na damit. Hurry up at nasaan na ba ang pinsan mo?" tanong ko naman sa kanya. Ang init-init na kasi ngayon sa daan. "Ayon na siya, nasa kanto na pala ampota, hindi man lang sumasagot! Humanda talaga sa akin iyang Onyok Bulok na iyan," wika naman ni Berly na parang may susugurin na bandido. Tumakbo siya papalapit sa isang lalaking nasa motor. Maputi ang lalaki, he does not look bad at all, may pagka-chinito. Pero ang jejemon naman ng pormahan niya. It runs on their blood maybe? "Hoy, Onyok! Nakalimutan mo na kaming sunduin kanina! Ang init sa daan pinaglakad mo pa kami ni Senyorita!" himutok ni Berly. Nakakahiya dahil pinagtitinginan na lang kami ng ibang pasahero at driver na nandito. "Bakit chicks ka ba para sunduin? Sino ba iyang kasama mo? Oh s**t! Insan, bakit may dyosa ka na kasama?" ani ng lalaki na Onyok ang pangalan. Napangiwi naman ako. Dyosa? What the ef? "Magtigil ka, Onyok! Sinasabi ko sa iyo na off limits iyan. Sabagay, asa ka pa na papatulan ka ng mga babae, mukha kang labanos na tinubuab ng mukha." "Inamoka, sumakay ka na nga lang! Hi miss, ano pala pangalan mo?" tanong sa akin ni Onyok. "Ann Liza," wika ko na tipid na ring nakangiti. "Pangalan pa lang, heaven na. Geo pala pangalan ko, huwag na onyok." "Onyok, putcha! Ang init na! Lumarga na kaya tayo?" "Boss ba kita?" Ang ginawa ko ay sumakay na ako sa loob ng Tricycle na pinapasahe ni Onyok. Dahil nga open na open ang mga ganitong klaseng sasakyan, I have a nice view of this farm land. Makikita ang simpleng buhay sa probinsya. Trees everywhere, plants everywhere, house are scattered. We spend 15 minutes traveling before we reach a huge school. I did not expect that this is a school on a province, and most of all, a public school too. May mga gusali ang mga school, I think 5 buildings with at least 5 floor also? Malawak at kumpleto ang mga facilities. And you can say how much shock and jaw dropping it is. I think it will not be bad kung dito ako mag-aaral. "Ang ganda ng school natin ano?" sabi sa akin ni Berly na katabi ngayon ni Onyok na sobrang proud. Kung ako rin naman siya, magiging proud din ako. Imagine this school looks prestigious. "Ang ganda nga, but how?" "Hindi ba nakwento ko naman sa iyo? Maraming business owner ang nakatira rito? Pati mga Ferrer ay funded ang mga ganitong school. Lahat ng anak ng mga magsasaka rito ay iskolar, give back nila sa mga magsasaka natin." Para naman akong natuwa sa narinig ko. Imagine, ang mga magsasaka ang mga pinaka-less fortunate dahil lagi silang sinisiil ng gobyerno. Imagine na paano natin sikmurain na maliitin ang mga farmer, when our plate is full of crops and ingredients made from their blood and sweat. I am guilty as a rich girl before and that I did not appreciate them. Pero nakakatuwa naman pala 'yung ganito. "Ang galing naman pala." "Tara na at mahaba na ang pila niyan, mauna ka na Miss. Dyosa," sabi sa akin ni Onyok. It is truly cringey, I hope tigilan na niya kakatawag sa akin ng diyosa or whatsoever. Piningot naman siya ni Berly. "Tigilan mo ng ganyan si Ann ha? Sapakin kita, Onyok." "Aray! Napakasadista mo talagang babae ka! Kaya hindi ka magugustuhan ni Andy kahit kailan e. Mas lalaki ka pa sa akin," sabi ni Onyok habang napapahimas na lang ng tenga. "Bawiin mo iyan! Kami ni Andy ang end game! Sakalin ko ilong mo diyan e," gigil na sabi ni Berly. Ako anman ay aliw na aliw naman na nanonood sa kanila. "Ha? Hindi ka talaga magugustuhan non. 'Yung mga tipo na pareng Andy, mga magaganda kapag nakaharap, hindi kapag nakatalikod," sabi pa ni Onyok na halatang pino-provoke na nga itong si Berly. "Hayop ka!" Habang naglalakad na kami sa register office ay makikita na agad ang pila. I was wrong dahil computerized naman pala ang registration. Mahaba lang talaga ang pila sapagkat nakalimutan ko na halos wala namang selpon at internet na matino sa ganitong lugar. Only they have a proper access to this school ground. Habang naglalakad din kami ay maraming lalaki ang nakatingin sa amin, lalo na sa akin. Medyo naiilang na nga ako e. Habang ang ilang mga babae naman ay nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Like hello? May ginawa ba akong masama sa kanila? Are they gossiping about me for what? "Hayaan mo na sila Ann, ganyan talaga kapag mga inggitera!" TALAGANG NILAKASAN PA NGA NIYA. "Tayo na next sa pila." Matapos ang mabilis na registrations ay binigay na sa akin ang iilang mga important na guide book, section, schedule at iba pa. Pauwi na lang kami nang may makita akong hindi dapat makita. Para kaming ninja na nagtago ni Berly. "s**t, nakalimutan ko pala," sabi ni Berly sa akin. Nasa likod kami ng guard house. Tinakbuhan namin si Onyok na ngayon ay kausap ang isang highschool student na lalaki, at si Zero. "Bakit nandito iyan?" naiinis na tanong ko. "Pinsan kasi ni Andy si Zero. Naku naman, bawas points na ako para maging asawa ni Andy!" Iyan talaga ang problema niya? "Alam mo, mag-commute na lang tayo kaysa mahuli tayo rito. Ikaw na ang nagsabi, that Zero Ferrer is a dangerous guy." Nagkatinginan naman ni Berly at saka na tumango. Mabagal kaming naglakad paikot nang may humablot sa braso namin. Okay, para akong nasa horror na humarap. Knowing that it is him. My instincts telling me I am in danger. "Leaving again so soon? Baka gusto niyo muna kaming samahan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD