Chapter 1.

1036 Words
Ciana's POV Tatlong oras na kaming nagbabyahe patungo sa aming distenasyon ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din mahagilap ang karatulang nagpapahayag na nakapasok na kami sa border ng lungsod ng Cardend. "Matagal pa ba tayo pa? Naiihi na talaga ako." maiyak iyak na sabi ng pinsang kong si Zein sa kanyang ama na ngayon ay syang nagmamaneho nang sasakyan. "Sandali na lang anak at tayo'y papara muna dyan sa kalapit na tindahan ng sa ganun ay makapagbanyo kayong dalawa ni Ciana." mahinahong naman na tugon ng kanyang ama. Gaya nga ng sinabi ni tito,pumara kami sa kalapit na tindahan na nadaan namin. Isa itong antique store na meron ding tindang mga pagkain at inumin, dali dali namang bumaba si Zein at nagtanong sa tinderang mukhang hindi nakapagsuklay ng ilang taon,agad naman nalaman ni Zein kung saan ang banyo kaya't sya ay pumunta na doon. Bumaba na din ako upang tignan ang mga gamit at pagkain na itinitinda. Habang naglalakad ako sa pasilyo na pinagigitnaan ng mga antigong gamit ay nahagip ng aking mga mata ang isang bagay na hindi ko inaasahang makita,agad ko itong nilapitan at sinuri ang bawat parte nito. "Hindi ko inaasahan na ikaw pa pala ang pipiliin na maging bagong may ari ng sumbrero na ito." saad ng tindera na ikinagulat ko. Paglingon ko ay agad nya akong binigyan ng nakakakilabot na ngiti. "Anong ibig mong sabihin?" parang walang galang na tanong ko. "Matuto kang gumamit ng po at opo kapag ang iyong kinakausap ay mas matanda pa sa iyo iha." saad naman na nya ikanaikot ng mga mata ko. "Pasensya kana PO,hindi PO kase ako sanay." sadya kong idiniin ang bawat pagbigkas ko ng po at opo na ikinasinghal naman ng aling nasa harap ko. "Ang sumbrerong ito ay espesyal dahil sya mismo ang pipili ng kanyang paglilingkuran. Ilang taon na rin ang nagdaan simula nung namatay ang huling nag may ari nito,kaya talagang hindi ko inaasahan na isang estudyante pa pala ang pipilian nya." sabi nya na ipinagtaka ko,hindi pa man ako nakakasagot ay muli syang nagsalita. "Marahil ika'y nagtataka kung paano ko nalaman na ikaw nga ang pinila nya. Ang diamanteng nakadikit sa gitna ng sumbrero na ito ay biglang kuminang,at ayon sa mga nagdala nyan dito,walang sino man ang makakahawak dyan maliban sa susunod na mag mamay ari nito." saad nya na lubos kong ikanamangha. "Ibig sabihin ay akin na 'to?" tanong ko na ikanataas ng kilay nya. "Kailangan mo pa din nyang bayaran dahil hindi madali ang pag'alaga ko sa sumbrerong iyan. Ibebenta ko sa iyo yan ng sampung libo." sagot nya na ikaikot ng mata ko,agad naman ako kumuha ng sampung libo sa pitaka ko at inabot ito sakanya habang hawak hawak ko pa din ang sumbrero. "Salamat at madali ka palang kausap,pero bago ka umalis ay ibibigay ko ng libre sa'yo ang walis na ito na nanggaling pa mismo sa huling nag may ari ng sumbrerong iyan." saad nya habang naglalakad patungo sa isang bodega. Pagbalik nya ay dala dala nya na nga ang tinutukoy niyang walis. Ang walis na ito ay mayroong puting laso na nagpaganda lalo ng kulay ubeng hawakan neto. Agad naman akong napangiti ng iabot nya na ng tuluyan ito sa akin. "Ingatan mo ang lahat ng iyan,dahil sa oras na magkasira ang isa sa mga gamit na yan ay may kaakibat na parusa na sadyang hindi mo aasahan." bilin nya na ikatayo ng balahibo ko. "Salamat sa iyo,pangakong iingatan ko ito." nakangiting sabi ko bago ako bumalik sa kotse at lisanin ang antique shop na iyon. Pagkabalik ko ng kotse ay nasalubong ko ang mukhang alalang alang mukha ng pinsang kong si Zein. "Ciana!!! Ano ba? Kanina ka pa namin hinihintay,maggagabi na rin at kailangan na nating makapunta sa Canded dahil alam mo namang delikado ang daan papunta doon." bungad nya bago pa man ako makaupo sa upoan ko. "May binili kasi ako dyan sa antique store na yan." sagot ko na ikanatahimik naman nya,agad ko namang nilagay ang walis at sumbrero sa likod ng kotse dahil wala ng espasyo sa pwesto ko. Isinugurado ko namang magiging ligtas ang pwestong iyon para sa mga gamit ko. Umandar naman kaagad ang kotse ng nasigurado na ni tito na komportable na ako sa pwesto ko,dalawang oras din ang muli naming binyahe bago kami nakapasok ng tuluyan sa border ng Canded. Sa unang tingan pa lang ay talagang malalaman mo na na hindi ordinaryo ang mga naninirahan dito dahil halos wala ng tao sa daan kahit alas 3 pa lang ng hapon. Marami kaming nadaanang mga tindahan ng damit,pagkain at iba pa. Nang malagpasan na namin ang mga tindahan na iyong ay biglang napasigaw si Zein ng makita ang dadaanan namin papasok sa tutuluyan naming eskwelahan. Isa iyong malaking tarangkahan na may sirang karatulang na mayroong nakasulat na... "Highgate Academy? Parang ang sosyal naman ata ng pangalan nito Pa,sigurado ka bang ito yung papasukan namin?" tanong ng pinsan ko habang gulat na gulat. "Oo 'nak,kumalma ka nga dyan." mahinahong sagot naman sakanya ni tito at agad pinaandar ang makina ng kotse,ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok ay may isang mangangasong humarang sa dadaanan namin. "May problema ba?" tanong ni tito sa estrangherong nasa harapan namin ngayon ngunit binigyan lamang sya nito ng nakakakilabot na ngiti at agad umalis. Hindi na lang ito pinansin ni Tito at agad dumiretso,makalipas ang tatlong minuto ay narating na namin ang isang magandang eskwelahan,marami ding mga taong nasa paligid namin ngayon. Agad namang bumaba si tito at zein upang kunin ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan,sumunod naman kaagad ako sa kanila ngunit pagkababa ko ay lubos kung ipanagtaka kung bakit lahat sila ay nakatanaw sa 'kin,nang tingnan ko sila isa isa ay agad naman nilang binawi ang tingin nila at pinagpatuloy ang kani-kanilang ginagawa. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at agad pinuntahan ang mga kasamahan ko na nasa likod ng sasakyan. "Bakit ansama ng tingin nila sa 'yo Ciana?" tanong ng pinsan ko,hindi ko na lang ito sinagot at nagkibit balikat na lamang. Sabay ng pagbaba namin ng aming mga gamit ay ang pagtunog ng kampana na hudyat na kailangan na naming pumasok. Napabuntong hininga na lamang ako sabay sabing.. "Sana kayanin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD