Ciana's POV
Nagising lamang ako ng biglang may malakas na katok na nanggaling mismo sa pintuan ng banyo.
"CIANA? BUHAY KAPA BA DYAN? BILISAN MO NA,NAIIHI NA 'KO." sigaw ni Zein sa kabilang pintuan,dali dali naman akong nagbanlaw at nagbihis,pagkalipas ng limang minuto ay nakatapos na din ako,hindi pa man ako nakakalabas ng tuluyan ay agad nang pumasok si Zein sa loob at tinulak ako palabas,agad naman akong natawa sa inasal nya. Dahil na din sa pagod at antok ay pagkahiga ko palang sa kama ay nakatulog na agad ako.
Bigla na lamang akong nagising ng may narinig akong yapak ng paa at dahang dahang pagbukas ng pintuan,pagdilat nang mga mata ko ay naaninag ko ang isang babaeng parang ansama ng tingin sa akin, hindi ko na din nagawang sumigaw dahil parang may namumuong kung ano sa lalamunan ko na nakakapagpigil sa akin na magsalita. Pero bago pa man ako tumakbo sa kinaroroonan ni Zein ay may biglang matulis na bagay ang tumarak sa lalamunan ko...
"CIANA! CIANA! GISING GISING." sigaw ni Zein habang niyuyogyug ang magkabilang balikat ko,agad naman ako nakahinga ng maluwag ng malamang isang bangungut lang iyon. Sa kabilang banda,nakita ko naman sila Jayne na nasa likod na ngayon ni Zein na mukhang alang-ala na.
"Ciana,okay ka lang ba?" tanong ni Javhey na mukhang paiyak na.
"Oo,okay lang ako,wag na kayong mag'alala, teka anong oras na ba?" tanong ko sa kanila bago napakunot ang noo ko nang mapamansin kong naka'uniporme na silang lahat maliban sa pinsan ko na hanggang ngayon ay nakapangtulog pa din.
"10 am na ng umaga Ciana, hindi ka na namin ginising kanina dahil mukhang sarap na sarap ang tulog mo, okay naman maging late ka ngayon dahil alas 3 pa naman ng hapon ang unang pasok ninyong dalawa ni Zein." paliwanag naman ni Eileen
"Pasensya talaga insan,umalis kasi ako kanina para kunin yung uniporme natin sa faculty,inalam kona din yung schedule nating dalawa,hindi ko naman alam na pagkabalik ko ay binabangungot kana pala." saad ni Zein habang nakayuko.
"Okay lang yun, hindi pa naman ako mamamatay noh." sagot ko na ikanatawa nilang lahat. Bago pa man ako bumangon ay nagsalita uli si Alya.
"Marahil ay may kumulam sa'yo Ate, dahil sa pagkakaalam ko,ikaw pa lang ang nabangungot na nakatulog sa kwartong ito,may proteksyon kasi yung bawat kama natin kaya mukhang anlabo na nagkataon lamang ang nangyare sa iyo,lalo na't bago ka pa lang dito at mainit pa sayo ang mga mata ng mga estudyante lalo na ng impaktang si Tifa." saad ni Alya na ikanagulat ko naman,agad akong napaisip,tama nga sya marahil ay nakulam ako, lahat kami dito ay mangkukulam kaya hindi malabong mangyare iyon.
"Pano mo naman nasabing may kinalaman si Tifa na sinasabi mo dito?" diretsong tanong ko sakanya at agad namang umiba ang reaksyon ng itsura nya,mabilis naman nya itong napalitan kaagad.
"Sya ang kilalang bully dito ate,at magaling din sya pagdating sa kulam,hindi na ako magtataka kung gawin ya iyon sayo,inggitera talaga yung babaeng yun, lalo na at kayong dalawa ni Zein ang pinag'uusapan sa buong campus ngayon, at balita ko nakita na nya kayo kahapon sa labas ng main building." sagot nya at sumang'ayon na lamang ako. Nanatili pa sila doon ng sampung minuto para makomperma kung okay lang ba talaga ako,umalis din naman sila pagkalipas ng sampung minuto dahil may kaniya-kaniya pa silang pasok. Kaya ayun, naiwan na ulit kami ni Zein.
Makalipas ang dalawang oras ay pananghalian na,kaya naman imbes na lumabas ay napagdesisyunan na lamang naming dalawa ni Zein na dito na lamang magluto, at dahil hindi ako marunong,si Zein na ang gumawa.
"Anong gusto mong kainin insan?" tanong ni Zein habang naghahanap ng pwede lutuin sa kabinet nya.
"Kahit ano nalang,basta lagyan mo lang yung plato ko ng fries." sagot ko sakanya at agad naman syang sumang'ayon at inumpisahan na ang pagluluto.
Habang nakahiga ako ay bigla kong naramdaman na parang may kulang,kinapa ko ang leeg ko at dun nakumpirma na nawawala ang kuwintas na ibinigay ni mama, agad ko naman tinanong si Zein kung nakita ba nya dahil sya yung kasunod ko kahapon na gumamit ng banyo. At sa kaswertehang palad ay nailagay nya iyon sa drawer ng kabinet ko. Dali'dali ko namang iyong kinuha at isinuot,hindi ko na talaga huhubarin 'to baka tuluyan nang mawala,sabay naman ng pagkasuot ko ng kuwintas ay ang pagtawag sa akin ni Zein upang kumain ng tanghalian. Nagluto sya ng Bacon,Ham, Fried Egg at syempre hindi mawawala ang Fries ko,dahil yun lang yung madaling lutuin ngayon,di pa din kami kasi nakakabili ng mga kailangan namin,siguro bukas na lang ng umaga o sa mga araw na may bakante kaming oras.
Sampung minuto din ang itinagal namin sa mesa bago namin napagdesisyunan na maligo na,dadaanan pa daw kase namin yung wand na nakadisteno pa sa pinakadulong parte ng campus.
Halos kalahating oras din kami nag'ayos,okay naman yung bagong uniporme ngunit masyado lang akong naiklian sa suot naming skirt na kulay abo,ang init ding suotin ng brazer namin na katerno ng kulay ng skirt,mayroon din itong logo ng paaralan namin. Itim na mayroong white stripes na kuwelyo naman ang panloob namin,nakaheels din ako at mahabang puting medyas na may black stripe sa pinakaibabaw.
Pagkatingin ko sa sarili ko sa salamin hindi ko mapagiling mapamura sa ganda ko,agad namang pumunta si Zein sa harapan ko at malakas na tumili.
"Ahhhhhh anganda ganda mo insan,teka teka may nakalimutan ka atang nilagay." sabi nya at kinuha sa drawer ang isang bow tie na kulay abo,sinuot nya ito sa akin habang parang kinikilig.
"Yannnn,anganda mo talaga insan bagay na bagay sa'yo yung uniporme natin." saad nya na ikinaikot naman ng mata ko,pinasadahan ko din ng tingin ang kabuoan nya, hindi ko mapigilang mapangiti ng napagtanto kong anganda ganda nya din sa uniporme namin ngayon.
"Bagay na bagay din sayo Zein." sagot ko at binigyan sya ng mapang'asar na ngiti agad naman nyang napaikot ang mata nya,natawa na lang ako sa naging reaksyon nya bago ko kunin ang bag ko na sakto din ang kulay sa uniporme ko. Umalis din naman kaagad kami ni Zein sa dorm at tinahak ang dulong bahagi ng campus. Hindi na kami dumaan sa main building dahil mas mapapalayo lang kami dun kaya dumaan na lang kami sa kaliwang bahagi ng campus na wala talagang tao. Nang makarating kami sa parang bodega ay agad bumungad samin ang isang matanda na nagpakilala bilang school librarian kasama nya ang anak nyang lalaki na hindi nalalayo ang edad samin. Nagulat pa ako nung pinalutang nya ang wand at pinapunta ito sa direksyon namin.
"Ay ano ba yan." reklamo ng pinsan ko habang pinipilit na iwasan ang wand. Tinignan ko naman ng masama ang lalaki at agad naman nyang inayos ang pagpapalutang sa mga wand namin. Naibigay din nya naman yung wand ng hindi kami na tatamaan.
"Ay pasensya na kayo,tiningnan ko lang kase kung alam ko pa ba yung spell na ginamit dito." sagot nya habang napakamot na lang sa ulo nyo dahil sa sama ng tingin ko sakanya. Hindi naman sumagot si Zein dahil alam kong naiirita na din sya.
"Uhh,ako nga pala si Kalez Jay Throndsen,Kalez na lang." saad nya na ikanataas naman ng kilay ko. Hindi ko alam kung bakit ang init na agad ng dugo ko sakanya kahit una palang namin tong pagkikita.
At hindi ko din alam na pwede din palang mag'aral ng mahika at pangkukulam ang mga lalaki sa eskwelahan na 'to.