Chapter 13: Team Building NAGPASALAMAT si Karissa na naka-enroll nga siya sa school na sinasabi ni Bruce. Hindi niya kailangan na um-attend sa klase dahil kailangan niya lang basahin sa online o sa computer ang lahat ng lesson na ibibigay sa kanya. May mga exam na kailangan sagutan. Mas convenient kay Karissa ang ganoong set-up. Pwede niyang gawin ang aralin tuwing weekend o kung kailan niya gustuhin. Nabigla pa siya na binayaran ni Bruce ang kalahati sa tuition niya. Sinabi nito na sagot iyon ng kumpanya bilang isa sa mga benefits niya. Kahit duda ay nagpasalamat na lang siya rito. ….. DALAWANG linggo pa muli ang lumipas bago sumapit ang team building. Sa Calatagan, Batanggas, naisipan ng team ni Bruce na mag-swimming. Regalo ito sa mga empleyado para sa pagtatrabaho at pagiging

