Kaagad akong ipinasok ni Daddy sa isa sa mga suite ng hotel. Marahas niya ako ruon ipinasok. Halos madapa ako dahil sa wala ang isang parehas ng aking sapatos na suot.
"Ah!" Impit ko. Kaagad kong naramdaman ang mabigat na palad ni Daddy sa aking mukha.
Ngunit hindi pa man ako nababawi ay kaagad ni Tita Amarie na kimuha ang aking buhok at pinaharap sa kanya, upang segundahan akong muli ng sampal.
"See, Andress! She's trying to ruined everything! At talagang sa harap kapa ng maraming tao gumawa ng eksena?!" Histeryang sigaw nito sa akin.
Matalim ko itong tinitigan. Eto ang unang pagkakataong gagawin ko iyon kay Tita. Na kahit kailan ay hindi ko nagawa. Ni kahit isang salita nuon ay wala akong naging imik nuon sa tuwing pisikal niya akong sinasaktan.
"What?! Huwag mo akong titigan ng ganyan! Wala ka talagang modo!" Sigaw nito.
"Why didn't you teach Ate Amara to stay away from my husband?!" Segunda ko.
Lumapit itong muli sa akin. Ngunit na pigil na iyon ni Daddy. Kaya't ng susundan niya muli ako ng sampal ay hindi iyon na tuloy.
"You are just a mistake of your Father! Isa ka lang malaking basura! Kung may kabit man rito ay ang katulad mo iyon!"
"Manang mana ka talaga sa Ina mo. I bet kaya siya namatay ay isang malaking karma iyon sa kanya." Natawang sabi nito. Ngunit ang galit ay bumaba latay pa rin sa kanya.
"Don't ever drag my mother's name here!" Umiiyak na sigaw ko. Tamang nagkamali si Mama. Tamang pagkakamali lang ako sa pamilyang ito. Ngunit hindi ko matatanggap na harap harapan niyang bastusin ang aking Ina sa aking harap.
That's too much.
"Why? Do you get hurt when the truth slaps you so hard? Hindi mo ba matanggap na katulad ng Ina mo. Isa ka lang rin kabit?" Natatawa na sabi ni Ate Amara. Nang makapasok ito sa suite.
Hinanap ko si Riguel ruon. Ngunit hindi nakita ang bulto niya. Pumikit ako ng mariin at nanatiling walang salitang lumabas sa aking labi. Masyado ng masakit ang mga paratang na iyon. Hindi ko na alam kung saan ako kakapa ng salitang idedepensa sa lahat ng sinabi nila.
"Mag si-tigil na kayo!" Si Daddy ay hinila muli ako.
Patuloy ang pag agos ng luha ko. Habang si Daddy ay pilit akong hinila palabas ng suite.
"At ikaw, umuwi ka na! Hindi pa ba sapat ang kahihiyang ginawa mo?!" Halos malatid ang litid nito na sigaw sa pag mumuka ko.
Binawi ko ang kamay ko kay Daddy. Malakas ko iyong binawi na siyang sanhi ng pagkawala ng balanse ko. Kaya't napasalampak ako sa sahig.
Kita ko ang pag iling ni Daddy. Tila ba sagad na sagad na ang inis niya sa akin. Kinuha nito ng cellphone sa kanyang suot na tuxedo. Tingin ko ay inutos na niya sa guard na i-escort ako palabas ng hotel.
Pinilit kong tumayo sa aking kinasasalampakan. Hindi na niya kailangan gawin ang bagay na iyon. Ako ang kusang aalis, kung kahihiyan ako sa kanila. Ako ang kusang iiwas sa kanila. Nuon pa ay hindi na nila ako itinuturing na parang pamilya. Kahit si Daddy ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na Ama. Ang tanging naramdaman ko lang sa kanyang ay ang pagsisi na nagkamali siya at pinagsisisihan niyang naging anak niya ang katulad ko.
Mas lalo ako napaluha ng pumitik ang sakit sa aking isang paa. Kaya't nanatiling nakasalampak ako sa lapag. Habang silang tatlo ay diring diri na nakatingin sa akin.
"Pupunta dito ang mga guard, upang i escort ka pauwi Athena." Malamig na sabi ni Daddy.
Tumalikod si Daddy kasabay nun ang pag amba rin ni Tita Amarie at Ate Amara. Ngunit natigilan sila lang lahat ng iluwa si Riguel ng pinto. Kung nasaan kaming apat.
Suot pa rin niya ang itim na business suit niya. Ngunit ang ekspresyon at nanatiling blanko at walang emosyon.
"Hijo! K-kinausap lang namin si Athena saglit." Si Tita Amarie.
"Are you done talking to the guests? Mag tutungo na tayo kina Eros?" Tanong ni Ate Amara kay Riguel. Lumapit ito sa asawa ko at kinuha ang kamay upang pag siklopin iyon.
Hindi nag salita si Riguel. Habang ang mata ay nakatingin sa aking direksyon.
Nag iwas ako ng tingin. Pinusan ko ang luha ko at sinubukang itayo ang aking paa. Ngunit hindi ko magawa. Kaya't humawak ako ng mariin sa kama malapit sa akin. Upang itaas ang pang upo ko at maka upo ng tuluyan.
Patuloy ang pag landas ng luha ko. Hindi ako nag tapon ng tingin sa kanilang lahat. Pinagmasdan ko ang aking isang paa na walang sapatos. Napansin ko ang pamumula nun.
"Riguel!" Sigaw ni Ate Amara, sa patungo na si Riguel sa akin direksyon.
Hawak nito ang isang pares ng sapatos na naiwan ko kanina. Salubong ang makapal niyang mga kilay. Habang ang namumulang labi ay matuwid.
"I need to talk my wife." Anito. At hindi humarap sa kanilang tatlo. Kita ko ang pag bilog ng mata ni Ate Amara sa sinabing iyon ni Riguel. Si Tita Amarie naman at puno ng inis ang itinapon sa akin. Bago hinila ni Daddy si Ate at sumama sa dalawang mag asawa.
Lumuhod siya sa aking harapan. At kinuha ang aking isang paa at marahang isinuot ang aking sapatos.
"Y-you did all this on purpose, didn't you?" My voice cracked. Lumunok ako upang pahupain ang panginginig.
"Why would I do that?" He said.
"Dahil galit ka sa akin! Dahil kinamumuhian mo ang isang katulad ko! Dahil gustong gusto mo akong madurog ng sobra. Halos mamalat ang boses ko. Dahil sa pag iyak.
"For god sake! Ganun ba kasama ang tingin mo sa akin?!" Anya. At umeko ang malalim niyang boses sa malaking suite.
"Yes, Riguel yes!" Sigaw ko. Tumayo ito ang hinilot ang sintido.
Kahit hirap ako ay tumayo rin ako sa aking kinauupuan.
"Nasa kanya ang buong atensyon mo! At ako? I took off my clothes for you! Dahil sa bagay na iyon dun ko lang nararamdaman na akin ka!"
"You control me and my whole life is yours!"
"At pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa tuwing hindi kita makikita! Ganun kita kamahal—"
"Goddamnit! You control and I belong to you Athena!" He shouted at me.
"You were never be mine! Kahit segundo ay hindi ka naging akin. Pinagsasaluhan natin ang mga gabing nangungulila ka sa isang tao. At kahit kailan ay hindi naging akin ang puso mo!" Mapait kong sabi.
Tinitigan ko siyang mabuti. Kabisado ko ang lahat sa kanya. Paghinga kahit ang simpleng pag tiim bagang at pag kilos niya. Ngunit kahit na kabisaduhin ko ng lubos ang lahat ng iyon. Isinasampal pa rin sa akin ang katotohanan na kailanman ay hindi magiging akin ang lalaking nasa harap ko.
Na hanap niya ang aking lumuluhang mga mata. Kita ko ang pag iiba ng ekspresyon niya. Ang kaninang galit at tila naglaho. Napalitan iyon ng tila isang pangamba.
"I belong to you.. from the day we got married Athena!"
Umiling ito at tila hindi makapaniwala.
"I lost my goddamn control of everything! Ang taong mahal ko ay hindi ko makuha!"
"You owned me Athena! Every goddamn inch of me! I am under your control and this goddamn marriage is killing me alive!" Puno ng pait na sabi niya. Tila ba sobrang pagod na pagod na siya sa lahat ng ito.
Nanghihina ako umiling. Hindi ko matanggap. O talaga patuloy lang ang hindi ko pagtanggap sa mga bagay na hindi talaga para sa akin?
The person I've dedicated my whole life to was standing in front of me. Puno ng pag ayaw at pagsisi. I've been unlucky in love. At ilang beses na rin akong nadurog ng dahil sa pag ayaw niya at pagkamuhi sa akin.
Bigay ako ng bigay sa kanya. Ngunit lahat ng iyon ay nasasayang dahil nga hindi naman talaga niya ako mahal. He's a victim here too. He's doesn't even know me. Isang araw ay bigla na lang siyang ikinasal sa isang tulad ko. Hindi ko siya masisi.
Hindi ko masisi kung bakit labis niya akong inaayawan.
Kinain ko ang distansya naming dalawa. Tumayo ako sa harapan niya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit. Na kahit ako ay hindi ko matagalan. Mahal na mahal ko ang taong ito. Ngunit kahit anong pilit ko ay hinding hindi ako ang taong makakapag bigay sa kanya ng saya.
Tiniis ko ang tatlong taon. Na baka sakali. Baka sakaling mahalin niya rin ako. Ngunit tingin ko ay hindi na talaga iyon mangyayari.
Hinalops ko ang kanyang mukha. Pababa iyon sa kanyang leeg hanggang sa mapunta sa kanyang katigas na dibdib. Pinagmasdan niya lang ako habang ginagawa ko iyon.
Walang tigil ang pag agos ng luha sa akin pisngi. Ngumiti ako sa kanya ng mag tama ang mga mata naming dalawa. Huminga ito ng malalim. Alam kong nagtitimpi siya sa mga ginagawa ko.
Unti-unti kong iniyakap ang nanghihina kong mga braso sa kanyang beywang. Humikbi ako sa mga dibdib niya na parang isang bata. Wala akong naging pakialam kung kamuhian niya ako sa ginagawa ko ngayon.
"Please Athena.." maharahang bulong nito. Sa pagitan ng paghikbi ko. Ngunit mas lalong nakakapag palakas ng aking hikbi ng banggitin niya ang pangalan ko.
"Why are you doing this to me?" Puno ng panghihinang tanong nito. Habang mahigpit akong nakayakap sa kanya.
"I-i'm letting you go now. Not because I don't love you anymore… because I want you to be free.. sinabi mong pag aari kita… ngayo'y pinahihintulutan na kita pumili at mahalin ang taong minamahal mo."
"I'm really sorry…. N-now I'm setting you free." Kumalas ako sa yakap niya. At tumango sa kanya.
Sa huling pagkakataon. Siniil ko siya ng isang halik. Mabilis lang iyon, ito na ang huling mararamdaman ko ang mga labi niya sa aking labi.
Wala itong naging emosyon sa ginawa ko. Matapos iyon ay kaagad ko siyang tinalikuran. Kasabay ng pag talikod at pag sarado ko ng pinto. Ang pagpapalaya sa kanyang puso.
Pinahiran ko ang aking luha at taas noo na umalis sa buhay niya. Kahit hindi ko tanggap ay unti-unting kong pipilitin iyon.
Sinasabi nila na ang isang perpektong kuwento ng pag-ibig ay umiiral lamang sa mga libro. Tingin ko ay totoo ang bagay na iyon. I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen.
"Taxi!" Pag tawag ko ng makalabas ako sa hotel.
Kaagad ako umuwi ng bachelors village, para kunin ang mga gamit ko. Nanlalabo ang aking paningin habang hinahabay ng sasakyan ang daan pauwi.
Patuloy ang pagbagsak ng luha. Patuloy ang punas ko ruon. Kita ko ang titig sa akin ng driver sa front seat. Ngunit hindi ko iyon pinansin.
Nang makauwi ako sa bahay. Kaagad akong mag tungo sa kwarto namin. Kinuha ko lahat ng gamit ruon. At inilagay sa aking bag. Kung pag alis ko ang kalayaan niya. Gagawin ko iyon maging masaya lang siya.
Napahinto ako sa coffee table. Kita ko ruon ang annulment paper. Tama nga si Ate Amara, pagkatapos ng opening na iyon, expired narin ang aking pagiging asawa kay Riguel.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ko ang ballpen. Pumatak ang luha ko sa papel habang pinipirmahan ko iyon.
Matapos iyon at kinuha ko ang isa sa mga kotse sa garahe. Pinaharurot ko iyon ng mabilis. Nanlalabo ang aking mga mata habang nakatitig sa kalsada. Sobrang sakit ng puso ko. Pakiramdam ko ay kahit ilang taon ang mag daan, mananatili iyong isang sariwang sugat.
Iniwan ko ang kotse sa isang liblib na lugar. Pag baba ko sa loob at natanaw ko ang isang daungan ng barko. Kaagad akong sumakay ruon at nagtungo sa Isla verde. Yun ang hometown ng aking Ina. Tingin ko ay dun ko rin makukuha ang katahimikan na nais kong makuha.
Pinagmasdan ko ang walang katapusang lalim ng dagat. Habang nasa itaas ako ng barko. Humahampas sa akin ang pang gabing hangin. Tila nilalamon ng lamig ng hangin ang nanlalamig ko rin na puso.
Ibinigay ko na ang kalayaan gusto niya. Na nuon pa niya hinihingi sa akin. Masyado akong naging makasarili. Ngunit masyado rin akong nasaktan.