Yes, you can definitely keep fighting and trying over and over again to be together. But, if you are both causing each other more pain than happiness, maybe it is time to let them go.
If it’s real love, then let them breathe. Let them be free as a person, and if they come back to you, then that’s how you know it’s always been real.
Mga bagay na natutunan ko makalipas ang limang taon. Mga bagay na minsan ay dapat na natin pakawalan.
May mga oras na naalala ko siya. Ngunit tama lang at hindi na gaanong masakit. Sa limang taon, wala akong naging balita sa kanya. Ang huling naging balita ko ay hindi natuloy ang kasal nito.
Tinanaw ko ang puting dalampasigan ng Isla verde. Matapos kong kumuha ng mga seashells. Kaagad ako sumilong sa puno ng buko. May maliit akong kubo ruon at dun ko ginagawa ang mga pendant necklace na ibebenta ko sa bayan.
"Hindi kaba mag tutungo sa bayan, mamayang gabi?" Tanong sa akin ni Arabell. Nang ibaba ko ang basket ng puno ng shell sa lamesa.
Umiling ako at naupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Kaagad ako kumuha ang isang piraso ng shell, upang butasan iyon at lagyan ng bead at twine. Maingat kong binutas ang shell gamit ang maliit na gunting.
"Hindi ako mahilig sa mga ganun bagay Ara. Hindi rin ako magaling mag sayaw." Ako. At inabala ang sarili ko.
"Sayang naman, maraming mga binata ang dadalo ruon! Malay mo di ba makatagpo kana ng magiging asawa mo dun!" Natatawang sabi nito.
Napailing lang akong muli. Si Arabella ang kaisa-isa kong kaibigan sa islang ito. Siya ang tumulong sa aking makahanap ng titirahan rito. At dun ko natagpuan ko ang binebentang bahay ng kanyang hipag na si Tita Avery.
"Wala pa sa isip ko ang mag asawa Ara, hindi pa ako handa." Magaang sabi ko. Wala akong na kuwento sa kanya tungkol sa amin ni Riguel. Basta ang alam niya ay sa mura kong edad nuon.
Hiwalay ako sa asawa.
"Naku! Aba'y dapat ay sumubok kanang muli hindi pabalik ang araw… bahala ka mahirap na." Anito.
"Paanong mahirap?" Naguguluhan tanong ko.
"Mahirap na, alam mo yun.. yung mga moves natin nagagawa habang bata pa at magilas pa ang balakang natin. hindi na natin iyon magagawa kapag medyo umedad na tayo."
"Mangangalay tayo kaagad at manghihina!" Aniya. At napangisi sa akin. Habang taas baba ang dalawang kilay nito.
Napailing ako sa kanya. Maraming beses na nangyari sa amin ni Riguel nuon. Pero ngayon, tila ba nakalimutan ko na pakiramdam na gawin pa iyon. Pakiramdam ko nga ay wala na sa katawan ko ang gawin pa ang bagay na sinasabi ni Ara.
"Limang taon na ng huli kong ginawa ang bagay na iyan, tingin ko ay wala na akong ganang gawin pa ulit." Tila pinal na sabi ko. At nilagay sa gilid ng basket ang natapos ko nang pendant necklace.
Humagalpak ito ng tawa at sinapak ang aking pabalit. Tila may nakakatawa sa sinabi kong iyon.
"Alam mo! Di pa huli ang lahat.. nakakakilala kapa ng mas magaling sa kanya." Natatawang sabi nito.
"Siguro'y magaling kaya hindi malimutan ni Athena." Si Ashley na kakatadating lang hawak ang mga bracelet na ginawa niya.
Kaagad na mula ang pisngi. Kaya't mabilis ko binutas ang shell na hawak ko. Ngunit dahil siguro sa pagmamadali at kawalan ng focus. Nasira iyon ng tuluyan.
"Naku! Nasira mo Athena, sayang iyan." Si Ashley na natatawa parin.
"K-kukuha na lang ulit ako sa dalampasigan pag bumababa ang tubig." Halos mautal na sabi ko.
tawang tawa si Ashley na tumingin sa akin. Kaya't nag iwas kaagad ako ng tingin.
"Hayaan mo Athena, irereto talaga kita kay Brayden. Alam ko may pagtingin iyon sayo." Tila siguradong sabi ni Ashley.
"I don't think he likes me… ganun rin ang tingin ko sa kanya." Ako. At napatingin ang dalawa sa akin. Tila may nasabi akong mali.
"Alam mo Thena. Tingin ko talaga galing ka sa mayamang pamilya." Sa Tonong mapanuring sabi ni Ara sa akin. Habang naka pamewang ito.
Ngumuso ako at napatingin rin sa kanya. Pinagmasdan niya akong mabuti. Ngunit kalaunan ay nabaling rin iyong sa mga shell na ginagawa naming dalawa.
Malayo sa kabihasnan ang lugar ng Isla verde. Walang ilaw at hindi uso ang mga cell phone, at kung ano anong bagay na pwedeng makasagap ng balita sa syudad.
Tanging pinagkakaabalahan lang ng tao dito ay pag gawa ng mga souvenir na pwedeng bilhin ng ibang turista. Na nais masilayan ang ganda ng Isla, ngunit bihira lang iyon. Dahil bukod sa walang kuryente. Wala rin resort na pwedeng gamitin ang mga nais pumasyal.
Kaya't minsan inaangkat pa ang gawa namin. Upang mabili sa ibang lugar.
Nang makauwi ako sa bahay. Kaagad akong nag luto ng sinaing sa kahoy. Masyadong naging matagal ang kwentuhan namin ni Ashley at Ara. Kaya't halos tanghaliin ako sa pagluluto.
Naupo ako sa mesa at pinagmasdan ang pag ningas ng apoy sa maliit kong kalan na kahoy. Habang pinakikinggan ko ang magandang kanta sa rechargeable kong radyo.
Pero na putol ang kanta ng mag breaking news.
"Kalalabas lang na balita. Isang mayaman na negosyante ang pinaghahanap ngayong umaga. Dahil sa aksidenteng nangyari sa isang yate."
"Bandang alas-7 ng umaga, tinawag ang mga opisyal sa pinangyarihan."
"Pagdating sa pinangyarihan, nakatanggap ng impormasyon ang Philippines Fire rescue na tinamaan ng humigit-kumulang 30 talampakan ang haba sa isang Fisher Perry ang Yate kung saan nakasakay ang CEO ng isang tanyag na Hotel na si—." Naputol ang balita na iyon ng malowbat ang aking radyo.
Kaagad ko iyong kinuha at inilagay sa gilid upang hindi ko nakalimutan ipa-charge kapag nag tungo ako ng bayan.
Naubos ang buong maghapon ko sa paggawa ng necklace. Nang nakaramdam ako ng ngalay ay nag tungo ako sa dalampasigan. Nag muni-muni. Habang tinitingnan ang bawat kislap ng tubig, dala ng mga bituin sa langit.
Ngunit na bato ako sa aking kinatatayuan ng hindi sa kalayuan, ay natanaw ko ang isang taong walang malay.
Kaagad akong nag tungo sa direksyong iyon. Wala ng tao sa dalampasigan ng ganitong oras, dahil sa kawalan ng mga ilaw. Ngunit nag liliwanag ang paligid dahil sa dami ng bituin sa langit.
Unti-unting kong nakain ang direksyon kung saan walang malay ang malaking bulto ng lalaki. Nakatingin sa kaliwang direksyon ang ulo nito. Kaya't hindi mo makilala or makikita ang mukha niya.
Kabado akong lumuhod nang makarating ako sa kanyang harapan. Gusto kong mag tawag ng mga tao. Ngunit masyado ng gabi at tingin ko ay matatagalan pa bago ako makabalik kung aalis ako.
Nakasuot ito ng white sleeve polo shirt at black slacks. Tingin ko ay hindi siya basta bastang tao lang. Binuksan ko ang dalawang bottones ng kanyang suot. Nang makita kong maharas ang pa taas baba ng dibdib nito. At mukhang hirap huminga.
Halos mataranta ako dahil sa kaba. Buhay siya ngunit kung patuloy kong hahayaan na kinakapos siya ng hininga. Tingin ko ay yun ang magiging katapusan niya.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kailangan niya ng hangin. Kaya't wala akong choice kundi ang i-CPR siya.
I tilted his face upang makaharap sa akin. Ngunit napasalampak ako sa aking kinaluluhuran ng makita ko ang itsura nito.
His face still the same. Bumungad sa akin ang nakapikit niyang mga mata na may makapal na kilay at may kanipisan na pulang labi. He's constantly clean-shaven. Halos kapusin akong hangin ng makilala ko ang lalaking nasa harapan.
It was Riguel Cameron Fuentes.
Pinulot ko ang aking sarili nang makita ko ang pag hihirap niyang makakuha ng hangin. Gusto ko man iwan na lang siya. Pakiramdam ko ay hindi ko iyon magagawa. Dahil hanggang ngayon nasa sistema ko parin ang taong ito.
Lumuhod akong muli sa harapan niya. I pinch his nose shut, take a normal breath, and make a complete seal over his mouth with my mouth.
My hands centred on his chest after the mouth to mouth cpr. Ilang minuto paulit ulit kong ginawa sa kanya ang pag CPR. Hanggang sa lumabas sa bibig nito ang maraming tubig.
Kita ko ang pag bukas ng kanyang mga mata. but it also closed immediately hanggang mawalan na ito ng malay tuluyan.
Hindi ko alam kung paano ko naidala ang malaking katawan niya sa aking bahay. Nang mapasok ko siya ruon ay kaagad kong kinuha ang emergency kit ko. Upang takpan ang medyo malaking sugat niya sa sintido.
Kahit pa nanginginig ang kamay ko. Pero pinilit kong gamutin ang walang malay na si Riguel.
Tanging ilaw lang ng lampara ang nagbibigay liwanag sa aming dalawa. Pero sa kabila ng nagdidilim na paligid, tanaw na tanaw ko parin ang kakisigan na minsan ng makapag panginig ng aking mga binti. At nakapag pakapos ng aking paghinga.
Magdamag ko siyang binantayan sa pag kakatulog niya ng mahimbing. Hanggang sa nag umaga. Mahimbing pa rin ang naging tulog niya. Hindi ako nag tungo sa kubo para gumawa ng mga necklace.
Bagkus nag tungo ako sa bayan, upang bumili ng mga pagkain. Gusto ko siyang ipagluto. Kahit pa alam kong kakamuhian o iiwasan lang niya ako sa oras na magising siya.
"Yung pinaka sariwang karne po sana." Ako habang hinihintay maiplastic ang baka na nabili ko.
"Eto Hija, buti nakaabot kapa paubos na rin yan." Anito at inabot sa akin ang plastic.
Matapos ako mamili ay nagtungo ako sa tolda upang humuha ng masasakyan na motor. At umuwi na ng bahay.
Naabutan kong tulog pa ito hanggang ngayon. Lumapit ako sa natutulog na si Riguel. Bahagyang naka bukas ang labi nito. Habang ang mga mata ay mariin nakapikit.
Itinaas ko ang aking kamay upang haplusin ang kanyang mukha. Ang tagal na panahon na ngunit katulad ng una ko siyang makita. Ganun pa rin at hindi nag babago ang pagtingin ko sa kanya.
Ngunit katulad parin ng dati. Tiyak na sa oras na magising ito sa mahabang pag kakatulog. Lilisan rin ito sa akin.
"Who are you?" A low, husky and raspy voice muttered against between us. Nahawakan niya ang aking kamay, ng tangkain ko iyon bawiin sa pag kakahaplos sa kanyang mukha.
Nanlaki ang mata ko. Hindi kaagad ako naka buwelo sa tanong niya, dahil hindi ko inaasahan na hindi niya ako makikilala. Buong atensyon niya ang nakatuon sa akin. His eyes were full of confusion staring at me.
"Goddamnit!" His loud cursed filled our small house. Hinilot niya ang sintido niya. Tingin ko ay sumasakit iyon ng todo. Kaya't mas lumapit ako sa kanya.
Kinuha ko ang dalawang kamay na nakalagay sa kanyang sintido. Kaagad kong sinakop ng palad ko ang kanyang pisngi.
Kita ko ang pag kalma niya sa ginawa ko. Malamlam ang mga mata niyang nag angat ng nakatitig sa akin. Tila ba kinikilala niya ang taong nasa harap niya.
"What's going on?"
"Who are you?"
"Hindi ko alam ang lahat ng nangyari." Halos puno ng sakit na sambit niya sa akin.
Nawala ba ang alaala niya dahil sa aksidente? Nag ka amnesia ba siya? Yun ang sunod sunod na tanong ko. Habang ang mga titig ko sa kanya ay hindi ko inaalis. Kung ganun ay nakalimutan na niya ang mapait na aalala naming dalawa.
"A-ako si Athena." I stammered.
Tinanggal ko ang pagkakasakop ko sa kanyang pisngi. Kita ko ang pagbaba ng tingin nito sa aking kanang kamay.
Suot ko pa ang wedding ring na ipinasok niya sa aking kalidiri. Patunay na hanggang ngayon ay nakatali parin ako sa alaalang iniwan niya.
"I don't remember you.. I'm sorry."
"All I remembered was my name." Tila nagsisisi ito na hindi niya ako maalala.
Umiling ako habang nagigilid ang aking luha. Dahil sa totoo lang gusto kong hindi na niya ako maalala. Gusto kong hindi niya maalala ang masakit na nakaraan naming dalawa.
"Are you my wife?" Tanong nito. Nang kunin ang libre kong kamay at hinaplos ang daliri ko kung saan naroon ang singsing na binigay niya sa akin.
"Y-yes, ako ang asawa mo Riguel." Sagot ko.