kabanata 5

2044 Words
Patuloy ang pag agos ng mainit kong luha. Habang pinipilit kong hawakan ang mga kamay niyang patuloy ang pag kalas sa akin. Riguel's cold eyes stared at me. Habang ako'y walang tigil sa pag mamakaawa sa kanya. Hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. Ngunit malinaw sa akin na nais niyang kumawala sa aking mga kamay. His eyes were bloodshot and his eyes were too dark and dilated. Nang mabawi nito ang kanyang kamay. Kita ko ang unti-unti niyang pag alis. "Athena!" His baritone voice filled the place. Ang pamilyar na boses niya ang nakapag padilat sa pagod na talukap ng aking mga mata. Puno ng pag aalala ang kanyang mga mata. Habang nakatitig sa akin. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking kanang kamay. Mag kasiklop iyon. At ang kaliwang kamay niya ay pinunasan ang aking luha. "You are dreaming…" Paos niyang sabi. Tinitigan ko siya habang ginagawa ang bagay na iyon. Hanggang sa panagip ay takot na takot akong iwan niya. Ilang buwan na siyang nasa Isla berde, at ilang buwan narin ang pagsisinungaling ko sa kanya. "I'm sorry…" Pag hingi ko sa kanya ng tawad. "Ako dapat ang humihingi ng tawad sayo… I'm sorry if this situation was so difficult for you." Puno ng kabiguan na paghingi niya ng tawad sa akin. Lalong sumakit ang dibdib ko ng humingi na naman siya ng tawad. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa tuwing nakikita ko siyang pinipilit alalahanin ang lahat. Nang ipatingin ko siya sa kabilang bayan. Nalaman ko na nagkaroon siya ng amnesia. Hindi iyon gaanong maalala. Pero isang malaking himala raw ang pag kakaalala niya sa kanyang pangalan. The doctor said his memory is slowly coming back. Hindi iyon mabilis ngunit unti-unti itong makakaala tungkol sa nakaraan hanggang sa maging kasalukuyan iyon. "Sabado ngayon, puwede tayong mag tungo sa bayan upang mamili ng gamit rito sa bahay." Aniya. At tinulungan akong bumangon sa pagkakahiga. "Hindi ka sumama kina Ambo, na mag tungo sa Centro para mangisda?" Tanong ko nang makaupo sa maliit naming kama. Umalis ito sa aking harapan. At inayos ang pinggan na sa lamesa. Napangiti ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko inaasahan na may ganun pala siyang side sa pagkatao niya. "Sabado ngayon. Didn't I tell you we were going on a date this Saturday?" Aniya. Kita ko ang pagtaas ng kilay nito at pag awang ng labi. Napakagat ako ng labi. Nang mapagtanto ko na nakalimutan ko iyon! Nang mag angat ako ng tingin sa kanya, kita ko ang pag nguso ng mapula nitong labi. "You forgot? Ayos lang…" aniya. At ipinagpatuloy ang paghahanda ng makakain sa lamesa. Kaagad akong tumayo sa pagkakaupo sa lamesa. Ngunit patuloy pa rin ito sa pag aayos ng umagahan naming dalawa. Nang makain ko ang distansya naming dalawa. Unti-unting kong niyakap ang kanyang beywang. Naramdaman ko ang pag hinto niya sa paglalagay ng kutsara sa plato. Nakasuot ito ng puting puti na damit at naka boardwalk na short. Ibinaon ko sa malapad niyang likuran ang aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang pag kabog ng dibdib ko dahil sa naging posisyon naming dalawa. "Is this your way to get rid of my sulking before?" Buntong hiningang tanong nito sa akin. Hindi ako umimik at mas lalo kong idiniin ang sarili ko sa kanya. Ngunit kaagad niyang kinuha ang aking dalawang braso na nakayakap sa kayang. Halos kapusin ako ng hininga ng humarap ito sa akin. Nasakop niya ang bulto ko. Kita ko ang pag kunot ng kilay niya, habang ang mga mata ay walang siglan ang titig sa akin. "That's not the way to get rid of my annoyance, Athena." He said in a low, pleading voice. Napababa ako ng tingin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko magawang tumitig sa mga mata niya. Natatakot akong biglang maalala niya ang lahat. Ngunit hindi nag tagal ng segundo, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baba. He held my chin and tilted my head up. "I'll teach you how, babe." He said. Bumaba ang tingin ng sa aking labi. Oo, alam kong duon siya nakatingin. Dahan-dahan niyang nilapit ang ulo niya hanggang isang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko. He kissed me softly. His fingers felt soft on the side of my face, gently holding it to his own. I was so scared. Iyon ang unang halik naming dalawa. Hindi pilit at walang anumang sakit. Ito rin ang una naming halik buhat ng mawalan siya ng alaala. Pinatong ko ang aking kamay sa kanyang batok. Mas lalo akong tumingkayad upang mas maabot niya ako ng maayos. He touched my waist. I gasped when he pulled me up on his waist. His breathing began to get heavy as I trace my hand to his shoulder down to his hard chest. Matapos ang malalim na halik na iyon. Tila ba natauhan ako bigla. Itinulak ko siya at kaagad akong umalis sa kanyang harapan. Ngunit kaagad niya rin nakuha ang pulso ko at pinaharap sa kanya muli. Nakakunot ang noo nito tila nagtataka. Habang ang labi ay nakaangat parin. "I-i don't want to do it…. A-ayokong gawin ng hindi ka pa nakakaalala sa mga nakaraan mo." Nauutal na sabi ko. "Hindi ko alam kung bakit sobrang importante ng nakaraang iyon sayo." Si Riguel. Nahanap niya ang aking mga mata, at tumitig sa akin na puno ng katanungan. "Did I cheat on you in the past?" Marahan ngunit puno ng pait na tanong niya. Umiling ako. Kaagad uminit ang sulok ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay inililihim ko sa kanya ang buo niyang pagkatao. Ngunit ayokong sabihin sa kanyang ang buong kuwento sa aming dalawa. Ang sabi ng doctor ay nakakasama sa kanya kung pipilitin niyang makaaalala. Nang matapos kaming kumain. Kaagad itong dumiretso sa bathroom upang maligo. Wala kaming naging imikan nanatiling tahimik ang buong bahay. Matapos kong ihanda ang susuotin niya ay naramdaman ko ang pag bukas ng sinilyador sa pinto. Kaagad akong hinagkan ng kaba ng iniluwa siya ng pinto. A single towel was wrapped around his waist, barely covering his impressive package. napalunok ako ng marahas at mag iniwas ng tingin. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas ng pinto kung saan siya nakatayo. Amoy na amoy ko ang body wash at shaving cream na humahalimuyak sa kanya. "I have a gift for you.. nais kong isuot mo sa date natin mamaya." Anito. Bago ko siya malagpasan sa hamba ng pinto. Nag lakad ito patungo sa aparador na galayan namin ng damit. At may kinuha sa ilalim. Sa ilalim niya iyon tinago kaya di ko iyon nakita. Nang lumuhod ito para kunin. Kita ko ang puting box ruon na kinuha niya. Bumalik ito kung saan ako nakatayo. Hawak niya ang dalawang box. Ang maliit na kahon ay nakapatong sa itaas at ang malaki naman ay nasa ilalim. "W-wala naman selebrasyon… sana ay hindi kana nag abala pa Riguel." Nahihiya ko sabi. Umawang ang labi nito sa sinabi ko. At napalitan iyon ng maliit na ngiti. "Do you need a celebration first? Before I give a gift to my beautiful wife?" Bahagya itong natawa sa sarili niyang tanong. Umiling ako at ngumuso sa kanya. He pinched my nose. "I'm going to keep telling you, so listen good every day." Nang binitawan nito ang ilong ko. Kaagad nitong nilapit ang labi niya sa aking tenga. "I love the way you say my name” His voice was a husky whispered. "I want to hear it over and over again, Athena.." Halos maramdaman ko ang init sa aking tiyan pataas ng aking pisngi at dalawang tenga. Hindi mo alam ang magiging tugon ko sa kanya. Kaya't halos tinakbo ko ang palabas ng hamba hawak ang dalawang box niya na ibinigay sa akin. Ibinaba ko ang box at kinapa ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay huminto ang pag t***k nun dahil sa kanina. Napapikit ako ng mariin at pilit na pinapakalma ang puso kong nais ng kumawala sa akin dibdib. Matapos akong maligo ay binuksan ko ang box na may lamang dress na binili niya. Tumambad sa akin ang isang magandang white floral off shoulder fairy dress. At dalawang parehas ng maganda doll shoes. Tingin ko ay nabili niya ito sa tiangge. Nuong nakaraan kase ay namamili kami ruon. Ngunit dahil kapos ang kinita ko ay hindi ko nabili ang dress na ito. Pero nakakagulat lang na binili pala niya ako. Pinag masdan ko ang sarili ko sa aming malaking sa lamin na nakadikit sa aparador. Sukat na sukat iyon sa akin. Tila ba nakaalan talaga ang damit at sapatos na binili niya. "Ang ganda mo…" Paos na sabi nito. Habang nakahilig ito sa hamba at nakahalukipkip. "T-talaga ba?" Nauutal na tanong ko. Habang nakatitig parin sa salamin. Kita ko ang pag silay ng ngiti niya. Habang papalapit sa akin. "Yes, you look like an angel.." "An innocent angel, Athena." Bulong niya sa aking likuran. Habang ang malaking palad niya ay sinakop ang aking beywang. His words pierced through my heart. Kung kaya may naalala siya ay masasabi niya ang mga bagay na iyon? Masasabi niya kaya na ako lang ang maganda at mukhang anghel sa kanyang mga mata? I just wonder what happened after I left his life, five years ago. Naramdaman ko ang pag baon ng mukha niya sa aking leeg. Naramdaman na ramdam ko ang mainit niyang pag hinga ruon. "I missed you…. after five years.. Athena.." Puno ng pangungulilang sabi niya. Halos lamigin ang aking sikmura sa takot. Bumaba ang mga mata ko sa kamay niyang nasa gitna ng aking tiyan. Mas lalo iyong dumiin sa akin. Nanlalabo kong itinaas ang paningin sa kanya. "M-may naaalala kana?" Tanong ko. Ito ang unang beses sa loob ng limang buwan. Ito ang kauna-unahang magtatanong ako sa kanya tungkol sa mga alaala niyang nawala. "Just a little but not clear… we're married yun lang ang naalala ko." Aniya. Bumaba ang kamay niya sa aking kanang kamay. Kita ko ang pagbaba ng mga mahaba niyang daliri roon. Hinaplos na naman niya ang singsing sa parteng iyon. Sabay kaming lumabas ng bahay ng makapag bihis ako, ay kaagad siyang nag tungo sa labasan. Upang makahanap ng tricycle na aming sasakyan patungo ng bayan na Armadillo, para makapamili ng gamit at makakain narin ng masasarap na mga pagkain ruon. "Careful." Aniya. At maingat akong inalalayan matapos akong makasakay sa loob. "Dito na lang ako sasakay sa motor." Aniya. At umalis sa aking harapan. Masyado siyang matangkad at malaking tao kaya't tingin ko ay di kami kakasya sa loob. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Ilang minuto ang naging biyahe namin patungo sa bayan. Nang makarating kami ay bungad kaagad sa amin ang mga bilihan ng mga damit at kung ano anong mga kagamitan. "Eto Hija, mas malaki ito!" Ang matandang nagtitinda ng banig. Matagal ko ng gustong bumili ng banig kaya lang ay hindi ko iyon maisingit, dahil bihira kaming mag tungo rito. "Ayos na po itong na una Manang." Ako. Dahil sobrang laki ng nais niyang ibenta sa akin. "Naku, sa gwapo at laking tao ng asawa mong iyan. Tiyak na kukulangin ang tela na iyan para sa inyo." Mapilit na sabi niya. Nag taas ako ng tingin kay Riguel. Wala itong naging imik at patuloy lang niya akong tinitigan. Wala rin itong naging pakialam sa paligid niya, kahit pa halos mabali ang leeg ng mga kababaihan na nag dadaan nakatingin lang sakanya. "Just take it. Tama siya mas malaki ang isang yan." Aniya. At siya mismo ang kumuha at nag bayad. Matapos ang matagal na pamimili ay nag pasya kaming kumain sa isa sa mga dinarayo rito sa Armadillo na kainan. Ang Maria Kusenera. Maraming pagpipilian na pagkain sa lugar na iyon. "Ano ang gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Riguel ng maupo kami sa lamesa. "Just grilled pork… hindi pa naman ako gaanong gutom." Ako. "Alright, What do you want to drink?" Tanong niya bago tumayo. "Orange juice please.." ako. Pero tulad ng inaasahan ko ay hindi ito nakinig sa akin. Nang dumating siya ay napuno ang tray na hawak niya ng iba't ibang putahe ng luto. "Tingin ko ay masarap ang mga pagkain dito. Kaya't inorder ko na lahat." Nag aalangan na sabi niya at inilapag ang maraming pagkain sa mesa namin. Na halos mapuno dahil sa dami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD