YEOJ’S POV Nang makaalis si Marco patungong America ay bihira na itong tumawag sa akin. Siguro ay busy pa iyon kaya hindi tumatawag, kaya hinayaan ko na lang muna. Simula nang umalis ito ay lalong nahulog ang loob ko kay Faith. Kung noon ay paghanga lamang ang nararamdaman ko para rito, ngayon ay mahal ko na siya. Kaya hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at niligawan ko ito kaagad. Hindi naging madali ang naging sitwasyon namin alam ko na nahihirapan na rin siya kaya pansamantala muna kaming hindi nagkita. Halos mabaliw ako kakaisip kapag nakikita kong may ibang lalaki na umaaligid sa kaniya, kung bakit ko alam? Well, sinusundan ko siya kapag free time ko o kaya naman ay bago ako pumunta sa work. Nage-effort ako para sa kaniya ng hindi niya alam, ngayon ko lang din nalaman na ganito p

