Simula nang umalis ng bansa si Marco ay marami na ang naging pagbabago sa buhay na naiwan niya sa Pilipinas. Isa na rito ang relasyon ni Azrel at Faith. Lalong naging malapit sa isa’t-isa ang dalawa. Ang dating narcissistic, gwapong-gwapo sa sarili at walang pakialam sa mundong si Yeoj, ay biglang nagbago at bumalik sa pagiging Azrel, nang makilala niya si Faith. Kaya lahat ng nasa paligid nito ay nagulat sa mga ikinikilos ng binata. Dahil sikat na artista si Azrel, ay hindi ito nakaiwas sa mga issues sa kaniya. Isa na rito ang napapabalitang pakikipag date niya kay Faith. Madalas na magkasama ang dalawa kaya hindi nakatakas sa mata ng mga fans at mga reporter ang dalawa. “What are we going to do now?“ Hindi nila tayo tigilan, ayokong maapektuhan ang trabaho ko Azrel," matigas na wika ni

