Nag-aayos ng gamit si Marco sa table niya nang dumating si Faith sa hospital, walang kamuwang-muwang muwang ang dalaga sa biglaang pagdating ni Marco sa bansa. Matagal na silang walang balita rito dahil bihira na ito kung tumawag. Ang buong akala ni Faith ay nasa America pa ito kaya kapag nakita niya si Marco, ay tiyak na magugulat ito.Katatapos lamang mag park ni Faith ng kaniyang sasakyan sa parking lot ng hospital, papasok na sana ito nang batiin siya ni Mang Buboy. “Good morning, Doc Ganda! Para po sa inyo, ipinabibigay po ni Boss Idol,” nakangiting wika ni Mang Buboy. “B-Boss Idol? Sino po si Boss Idol, Mang Buboy? Parang ngayon ko lamang po iyan narinig” Pautal na tanong ni Faith. “Ah, oo nga pala. Hindi n’yo nga po pala alam, Boss Idol po kasi ang tawag ko kay Sir Yeoj para hindi

