MARCO'S POV Maraming beses ko nang tinatawagan si Azrel pero ring lamang nang ring ang phone nito. Kaya paulit ulit ko itong tinawagan at sa wakas sa huling pagkakataon ay sinagot na rin nito ang tawag ko. "Hello, Dude nasaan ka ngayon?" Tanong ko. Habang hinihintay ang sagot sa kabilang linya ay nililinga ko ang paligid. Para akong daga na palaging nakaabang kung may lalabas na pusa sa lungga. "Sorry Dude, kanina ka pa ba tumatawag? Inihatid ko kasi si Faith sa hospital, Nandito pa ako sa labas, bakit?" Tugon naman nito. "Ah, wala naman Dude. Mag-iingat kayo d'yan ni Faith ha. Alagaan mo s'ya nang mabuti, at h'wag na h'wag kayong basta magtitiwala sa mga tao sa paligid n'yo." Ito na lamang ang huli kong nasabi kay Azrel. Ang mahalaga ay napaalalahanan ko ito. Kilala namin ang isa't

