“Matagal nang walang kayo, Yeoj! Baka nakakalimutan mo na ilang beses mo na siyang ipinagtabuyan noon, tapos ngayon ikaw pa ang may ganang magalit? Huwag kang ganyan, baka makalimutan kong may pinagsamahan tayo!” “Hindi ko kayang mawala si Rachel, dude,”malungkot na sabi ni Yeoj. “Oh, ‘yon naman pala e! I warned you so many times, pero ginawa mo pa rin. Ngayon na wala na kayo, at once na mapasa akin si Rachel hinding-hindi ko na siya ibibigay pang muli sa’yo!” mariin na sabi ni Marco, sabay tulak kay Yeoj bago siya umalis. Nakita sila ng mga tao roon sa hospital na nagkukumpulan, ang iba ay may hawak na camera kaya tiyak na lalabas na naman ito sa social media. Naiwan si Yeoj na nakasandal sa may sirang pinto. Dumating ang guard at kinausap si Yeoj, upang pag-usapan ang nagyari. Naghara

