“E, kasi.. Doc Ganda, pumunta na po kayo roon sa room 205,” sabi ni Mariz habang nagkakamot sa ulo. “Galing manghula ha, pupunta na nga ako roon,”sabi ni Rachel na hindi gaanong makuha ang point ni Mariz. “Dra. pakibilisan mo lang po. Para maabutan mo pa,” dagdag pa ni Mariz. “Huh? Anong maabutan? Mariz ano bang mayroon doon na hindi ko alam?” this time, nakakunot na ang noo ni Rachel. “Si Sir Yeoj at Doc Yummy po kasi nag-aaway roon,” nag-aalangang sabi ni Mariz. “Ano?? Bakit hindi mo kaagad sinabi?” sabi ni Rachel bago tumakbo papalayo kay Mariz. Pagdating ni Rachel sa kinaroroonan ng dalawa ay natigilan ito sa kaniyang nakita. Nakita niya na magkayakap si Diane at Yeoj habang nakatayo, pagkatapos ay pinunasan pa ni Diane ang dugo sa labi ni Yeoj upang maalis ang dugo roon. Napati

