Inis na inis si Caith kay Azrel lalo na kay Diane na parang linta kung makadikit. Nang makita niya ang dalawa ay kumukulo ang dugo nito sa galit sa binata. “Wala ka nang ginawa kun’di pagdusahin si besh, nakakainis ka na talaga.”wika nito sa sarili. Dumating si Direk Dom at niyakap si Caith, “What’s your problem baby?”tanong ni Direk Dom habang nakayakap sa likod ni Caith. “Look at them babe, I feel so guilty sa nakikita ko ngayon, pero hindi ko masabi-sabi kay besh dahil ayaw kong dumagdag na naman ito sa iniisip niya.”naka pout ang labing wika nito sa binata. “Hayaan mo na lang muna si Azrel, babe. Hayaan mo siyang makapag isip,”marahan nitong sabi kay Caith. Napaharap si Caith sa tinuran ng binata. “What? Gan’yan kayong mag isip mga lalaki? Kailangan may kayakap na iba, gano’n ba

