Gusto sanang makisakay ni Faith sa van kung saan nakasakay sina Mariz. Nahihiya at hindi alam ni Faith kung paano haharapin si Marco dahil sa naging pag uusap nila kanina. Ngunit puno na ang van, kaya wala siyang magawa kun'di makisakay sa kotse ni Marco. "Kasya pa ba guys? Makikisakay sa atin si Doc Ganda."malakas na wika ni Mariz. "Paki usad ng kaunti para magkasya tayo at makasakay si Doc Ganda."dagdag naman ni Andrew. Ngunit kahit umusad pa sila ay hindi na talaga kakasya pa si Faith, "Doc, bakit po pala biglang dito kayo sasakay? May LQ po ba?"natatawang biro ni Mariz. "Psst... Mariz napaka pasmado talaga ng bunganga mo! Doc, kung gusto n'yo po sumakay na kayo rito, at ako na lang ang sasakay sa kotse ni Doc Marco."seryosong sabi ni Andrew. "Nah! Nakakahiya. Thank you guys, si

