Inilagay ni Xander ang mga librong hiniram niya sa library sa study table niya. Kararating lang niya at napuna niya agad na wala na naman sa ayos ang ballpen niya. Ini-ayos naman niya agad ito dahil ayaw niya ng makalat. OC siya sa pagdating sa mga bagay-bagay sa kaniyang kwarto. His phone rings after he puts his things in a proper place.
He picked up his phone and answered his mom’s call. “Mom?”
“Mom, lang? No hi or hello?” Halata sa boses nitong maiinis na naman.
“I’m sorry, mom. I just arrived here from the library and borrowed some books. Hi, Mom. What’s your up to?” tanong niya rito. Tinungo niya ang couch upang umupo habang kausap ang kaniyang ina.
“Uhm, random check lang. I also want to hear your voice, too, of course. Kumain ka na?”
“Not yet. I need to take a shower first before having my dinner. How about you and grandpa?” tanong din naman niya. Alam niyang bumalik na ang kaniyang daddy kasama ng mga kapatid niya sa Amerika dahil pasukan na rin.
“Heto. Busy na rin sa ibang bagay at sa real estates. Ang lolo mo naman ay nalilibang na rin sa golf niya kasama ang ibang retired generals. By next week, susunod na rin ako sa daddy at mga kapatid mo. I’ll be back here by the end of this month. Kaya magpakabait ka, Alexander Rios III.”
He chuckles. Alam na agad niyang may kasamang pagbabanta ang pagkakasabi nito sa buo niyang pangalan. Lagi siya nitong pinapaalalahanan na huwag mo ng isipin ang pagnonobya at pag-aaral muna. At wala rin naman siyang balak magkaroon ng nobya at baka gyera ang aabutin niya rito.
“You don’t trust me, mom?”
“I do trust you, baby.”
“I’m not a baby anymore,” mabilis niyang tugon.
“You’re still my baby. Kahit ano pa ang sabihin mo, anak. Oh, siya ibaba ko na itong tawag at baka tatawag ang daddy mo. Don’t forget to call your grandpa. Alam mo naman iyon matampuhin iyon kapag hindi mo nakakausap lalo na sa training mo.”
“All right, mom. I’ll call him after this.”
“I love you, anak. See you! Let me know if you have anything you want, huh.”
“I love you too. Yeah, I will.”
“Bye.”
“Bye.”
Ibinaba niya na ang tawag mula rito saka siya nag-dial. Kinausap muna niya ng ilang minuto ang kaniyang abuelo upang hindi magtampo. Marami rin itong mga katanungan tungkol sa kaniyang pag-aaral lalo na ang kaniyang nalalapit na training. Sa susunod na linggo na iyon kaya kailangan niyang maghanda.
After calling his grandfather, he put his phone on the center table and stood up. Maliligo muna siya bago niya initin ang pagkaing iniluto ng kaniyang ina. Hindi naman siya nagkakaproblema sa mga pagkain niya sa dorm dahil kumpleto naman.
He is a Gold Tier Student, and all of this privilege he had it. Malaki ang ibinayad ng kaniyang mga magulang sa napakagandang university na ito kaya nararapat lamang na maayos ang kaniyang tirahan at pag-aaral.
He’s on the 8th floor with his friends, Zevin and Zoren. He also has a closest friend named Xian Marceau Mendoza, the SSG President and Dorm Leader. At ito nga ang iniluwa ng kaniyang pinto matapos niyang pagbuksan ito. Katatapos lang din niyang ayusin ang sarili at kumain na rin.
“Xian,” wika niya rito. Hindi lang niya close ito kung hindi kinakapatid din niya ito.
“Attendance check,” simpleng wika nito sa kaniya kasabay ng ipinakita nitong wooden clip art board. “And random inspection.”
“Go ahead, Mr. Dorm Leader,” sabi niya rito. Niluwangan pa niya ang pagkakabukas ng pinto upang malaya itong makapag-inspeksiyon.
Inilibot nito agad ang tingin sa buong paligid ng kwarto niya. Isa rin ito sa gawain ng isang Dorm Leader upang masigurong sumusunod sa rules ang mga estudyante rito, and Xian is tough to do the job.
Napuna niya agad sa mukha nitong nasa maayos ang lahat kaya lumapit ito sa study table niya at hinila ang upuan. Napuna niya rin ang bitbit nitong paper bag mula pa pagpasok at curious siyang tinanong ito.
“Saan ka nag-grocery? I didn’t know Chanel sells water and stuff.” Nasilip din niya ang laman nito.
“Ah, these? Galing sa ibang estudyante. They started giving me stuff,” he explained.
Marami pa itong mga bagay na sinabi sa kaniya lalo na ang pagtakbo niya bilang SSG Vice-President. Isa rin iyon sa magiging responsibilities niya kung sakaling mananalo siya. And of course, ang paghahanap ng Dorm Leader sa female dorm.
“How about, Patty?” suhestiyon niya.
“Are you serious?” gulat niyang reaksiyon. “No, no, no. Knowing her, baka laitin lang niya ang interior design ng ibang rooms.”
He thought Patty would be the best fit, but he laughed at him. Nakabisado na rin niya ang ugali ng isang iyon lalo pa at kinakapatid din niya. Naisip lang din naman niya iyon para naman maranasan ni Patty ang makihalubilo sa mga nasa ibaba.
May kinuha ito sa paper bag at ini-abot sa kaniya. Isang banana cake na paborito niya sa lahat. “Tapos mo na bang ma-fill out ang forms sa SSG?”
“Of course. Thanks for this,” tugon niya.
“I’ll ask Ariston’s uhm…pet?” Mukhang napaisip ito sa sinabi at tila mali ang nais nitong tukuyin. “I mean⸻his soon-to-be girlfriend to run as secretary.”
“Sino?” His forehead wrinkled while confused.
“Bagong estudyante,” tugon ni Xian sa kaniya.
“Ah, I see.” Sabay tango rito.
Hindi na rin naman nagtagal si Xian sa kaniyang kwarto at bumalik na rin sa room nito. Napapaisip pa rin siya sa sinabi nitong magiging girlfriend ni Ariston ang tatakbong secretary. Sounds new. Alam niya kung gaano kasungit at seryoso si Ariston sa buhay nito.
Araw ng sabado, ito na ang pinakahihintay niyang sandali ng kaniyang training. Nakapagpaalam naman siya sa head ng school at iba na dapat malaman ang tungkol rito. Kasama na pati ang kinakapatid niyang si Xian. Ang dalawang kambal na sina Zoren at Ziven ay may alam na rin.
“Oh, Xander. Ikaw pala. Where are you going?”
Narinig niya ang boses ng kaibigang si Zoren habang inilalagay niya ang mga gamit niya sa likod. Nasa parking area na rin sila ng school at since Saturday ngayon ay magkakasabay-sabay silang magsisi-uwian.
Ang ibang estudyante ay pumipirmi sa dorm at ang iba naman ay nagpapaalam para man lang makalabas ng school o makauwi ng kani-kanilang bahay. Isa iyon sa patakaran ng unibersidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.
“Ikaw pala, Zoren.” Napuna rin niya ang kakambal nito sa kabilang parking na ngumiti lang sa kaniya at nang matapos itong ilagay ang gamit ay lumapit din. “I’m going to Camp Capinpin for my training.”
“Is it now?” tanong ni Ziven na napaisip pa.
“Yeah.”
“Ah…” Sabay lumawak ang pagkakangiti nito sa kaniya. “Ngayon mo pala mararanasan ang hula ko sa iyo. Good luck, bro. Kapag pinalo ka ng rifle ng magiging mean-to-be mo, panalo ako, ha.”
“Loko. Talagang gusto mo pa akong mahampas ng rifle while on the training. Malabong mangyari iyon, bro. I never believe in palm’s fate and you know it.”
Natawa si Ziven sabay nakipagbiruan na naman. “Nakikita ko na ang mukha mo sa bolang kristal ko, makikilala mo na ang itinadhana sa iyo.” May kasama pa na galaw ng kamay nito.
“Baliw. Huwag kang magpapaniwala riyan sa maloko kong kapatid,” wika ni Zoren sa kaniya. “Take care, bro. Kailan ang balik mo?”
“Mamayang hapon din. I won’t stay there, and it’s one day of training per week. Thanks, bro.” Bumaling siya sa kay Ziven. “Kapag ako hinampas ng rifle mamaya, sagot mo ang hospital bill ko.”
Muli itong tumawa. “Kahit ang pagbabantay pa sa iyo sa hospital ay gagawin ko.”
“Damn you,” sabi niya sabay tapik sa balikat ni Ziven. “I have to go.” Tinungo na niya ang unahang bahagi ng sasakyan upang sumampa na.
Dalawang oras ang biyahe niya mula Maynila patungong Cam Capinpin sa Tanay kung saan gaganapin ang training. Wala naman naging aberya sa daan hanggang sa nakarating at makapasok siya. Malugod pa siyang tinanggap ng Commander in Chief doon at ibang mga may matataas na rango. Marahil ay hindi rin basta-basta ang pamilyang pinanggalingan niya kaya asikasong-asikaso siya.
But he’s only an aspiring cadet, so he needs to follow their rules and orders. Pantay-pantay lamang ang turing sa kanila ng mga naroroon kaya kahit galing siya sa kilalang pamilya na may mataas na katungkulan ay kailangan pa rin niyang ilagay sa tama ang sarili.
Nakita na niya ang mga nagkumpulang mga trainees na katulad rin niya. May mga babae rin na kasama at sa lahat ng mga ito ay siya lamang ang bukod tanging may dugong ibang lahi. Wala pa siyang gaanong kilala sa mga ito kaya tahimik muna siya at nakikiramdam.
“Humanay!” sigaw ng isang opisyal sa gitna ng malaking training ground.
Kaniya-kaniya naman silang nagsitakbuhan upang humanay at dahil may alam na rin siya sa mga drill commands, hindi na bago sa kaniya ito.
“Humanda!” muli nitong wika sa kanila.
Lumapit naman ang Major General na nakasalamuha niya kanina at ninong din niyang si Major General Derick Pagaran. Kasabay nito ang dalawang tauhan na sundalo rin upang magbigay ng mensahe sa kanilang lahat.
“Good morning, everyone!” wika nito sa kanila.
“Sir, good morning, Sir!” sabay-sabay nilang tugon.
“Hmm. Mukhang maganda ang energy natin ngayon sa kakaumpisa pa lang ng training. That’s a good sign. Anyway, I want you to know that this special training is very important to us. Kapag naipasa niyo ang training na ito, isang mataas na posisyon ang naghihintay sa inyo kapag nakatapos na kayo ng inyong pag-aaral. Maswerte kayo at kayo ang napiling gawaran nito. Sa batas ko, wala akong sinisino. Kahit anak ka pa ng pinakamataas na opisyal sa buong mundo, pantay-pantay tayo rito! Kung ngayon pa lang na dinadaga na iyang mga puso niyo, pwede na kayong umuwi. Do you understand?”
“Sir, yes, Sir!”
“Good. Continue,” utos nito sa opisyal na nagmamando sa kanila ngayon.
Alam niyang siya ang tinutukoy ng ninong niya at alam niyang mataas din ang expectation nito sa resulta ng kanilang training.
Umalis na rin ang ninong niya at nagpatuloy na lamang sila sa unang araw ng kanilang pag-e-ensayo.
Mahirap, nakakapagod at mainit ang nararanasan ng mga nasa ganitong sistema. Hindi pocho-pocho ang training at halos buong katawan nila ay gumagalaw. Nasanay din naman siya sa ganito dahil sa mga magulang niya at kaniyang lolo. Naalala pa nga niya ang sinabi ng mga itong make us proud of you. Alam niyang malaking hamon sa buhay niya ang salitang iyon.
Nagpapahinga na sila sa lilim ng puno matapos kumain. Kinuha niya ang kaniyang cell phone para kumuha ng iilang mga photos sa paligid. Hindi lamang training ang maganda sa Tanay kung hindi ang tanawin na rin nito.
He breathes the fresh air and the overlooking view. Bitbit ang rifle niya, naisipan pa niyang kumuha ng larawan hanggang sa napunta siya sa mapuno at matataas na talahib. Iinggitin ko lang ang mga kapatid ko. The Philippines is better than US in terms of natural resources. Well, maganda rin naman ang US, no doubts about that. But it’s really different⸻
Napatigil siya sa kaniyang iniisip at pagkuha sa mga larawan sa paligid nang biglang may pagkagalaw ang talahiban. May kaunting kaluskos din siyang naririnig kaya naman dahan-dahan niyang ibinalik sa bulsa ang cell phone niya at hinawakang mahigpit ang rifle. Is it snake? A wild boar? But⸻c’mon! Hindi kita uurungan. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa rifle.
Balak niyang kapag lumabas na ito sa talahiban ay hahampasin niya ito ng hawak niya. Dalawa lang naman ang nasa isip niya, ang masaktan siya o siya ang mananakit.
Tinantiya niya ang sandali oras na lumabas na ito at nang lumabas nga ito, huli na. Kumilos na ang kamay niya upang hampasin ito subalit mabilis din ang sandaling binawi niya ang puwersa niya. Hindi man masyadong malakas ang pagkakahampas niya sa rifle pero isang sigaw naman ang narinig niya.
“A-Aray!!”
Tao? Nanlaki na lamang ang mga mata niya sa nasaksihan niya.