Chapter 3

2472 Words
Xander And the vacation is over! Iyon agad ang tumatak sa isipan ni Xander habang lulan siya ng all black range rover kung saan kasabay niya ang kaniyang ama at ang kaniyang lolo. Hindi na niya napigilang sumama ang mga ito sa kaniya sa pagpasok niya sa ikatlong taon niya sa kolehiyo. His overprotective family wants him to be independent but as what they did right now, nothings change. Hinayaan na lamang niya ang mga itong gawin ang gusto lalo na ang ama niyang mukhang excited pa sa pagpasok niya sa university. “Here we are,” anang daddy niya. “As I expected, many cars are going inside. We need you to drop here instead of waiting for them.” “Huh?” Sumilip ang kaniyang lolo sa unahang bahagi. “No. Kailangang maibaba natin si Xander sa tapat mismo ng university,” seryosong wika nito at mukhang dismayado. “Dad, grandpa, maybe I should walk. I’m fine,” he insists. “Xander, nasa mataas na lipunan ang angkan na pinanggalingan mo at hindi ako makakapayag na basta ka na lang bababa rito at maglakad papasok. Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa iyo at sa angkan natin? No, we will drop you at the entrance of the university,” matigas na sabi ng kaniyang lolo. Nahalata niyang ayaw patalo ng kaniyang lolo. “I will be late in my first class and I don’t want you both ruin my day,” panindigan niya. Paminsan-minsan ay sinasalubong niya ang mga opinyon ng kaniyang lolo. “Na.. Just let him walk, dad. Raul, itabi mo na rito,” anang daddy niya kay Mang Raul, ang driver ng lolo. Itinabi naman ni Mang Raul ang sasakyan ngunit bago pa man siya bumaba ay marami na namang hinabilin ang kaniyang lolo. “Xander, ang mga habilin ko sa iyo, hijo. Study hard and make us proud of you. No girls inside the room, tandaan mo iyan.” Nagsalubong pa ang mga kilay nito kasabay ng bahagyang pagkunot ng noo. Sabay silang napangiti ng kaniyang ama. “Yeah, I know that.” “He would never do that, dad. Takot lang iyang anak ko sa anak ni Hitler,” biro ng ama niya saka ito lumingon sa kanilang nasa likuran. “Good luck, son. Just let me know if you need anything.” “Thanks, dad.” Saka niya ini-angat ang kaniyang kamao upang makipag-fist bump sa ama na ginawa rin naman nito. Alam niyang ang tinutukoy niyang anak ni Hitler ay ang mommy niya. “I have to go.” Binuksan na niya agad ang pinto ng SUV saka bumaba. Pagkababa naman niya ay saktong ibinaba naman ang bintana ng sasakyan upang masilayan siya ng mga ito. Ang ginawa niya ay tumayo lang ng matuwid saka sumaludo. Hindi naman siya nabigong gumanti ng saludo ang mga ito sabay ngumiti na rin. Maganda ang pagpapalaki ng mga ito sa kaniya at kasundo naman niya ang dalawa. After that, he continued walking along the university’s sidewalk until the entrance. Nang makapasok na siya sa loob ng university, bigla na lang na may sumabay sa kaniyang paglalakad. When he turned his glimpse to his left side, someone smiled at him and it was Zevin. “Bro!” Sabay inakbayan na siya nito at tuwang-tuwang makita siya. “Z-Ziven?! You’re here?!” Bahagya naman siyang nagulat dahil madalas hindi niya ito nakikitang pumapasok sa unang araw ng klase. “What the hell are you doing here?” He laughed. “Ang sama mo talaga sa akin, bro. Don’t you want to be here on the first day of school?” “As if that you’re here for your school,” anang nasa kabilang bahagi niya. Bumaling siya at si Zoren ang nakita niyang kasabay na rin niya. “Hey! How are you, bro?” Tinapik niya sa balikat si Zoren. “I’m good,” tipid nitong tugon sa kaniya. “Hmm. Mukhang naghimala yata ang langit at magkasabay kayo ngayon.” Madalas na umiiwas si Zoren sa kakambal nitong si Ziven dahil sa kakulitan nito ngunit kapag may trouble naman ang kapatid ay to the rescue naman ito at syempre, naroon naman siya. Trouble lang naman sa mga babae ang madalas na problema ni Ziven dahil nga naman sa malakas ang karisma nitong taglay. At tinagurian na rin itong Zodiac Heartthrob dahil sa skills nitong marunong magbasa ng Chinese Zodiac Birth Chart. Magiging Feng Shui expert na rin ito balang araw. “Na-miss lang naman ako ng mga fans ko kaya ako sumabay sa kakambal ko. You know, I need to be grateful to them and of course, there’s a lot of new faces here,” masaya pa nitong wika sa kanila habang sumabay sa paglalakad niya. “Pustahan tayo, iyang grupo ng mga chiks na iyan, ako ang hinihintay ng mga iyan. Wait, kawayan ko.” Nakita na niya agad ang isang grupo ng mga kababaihan na nakatingin sa kanilang direksiyon. At nang kumaway naman si Ziven sa mga ito ay bigla silang nagtilian na animo’y nakakita ng totoong artista. Well, talo pa ang totoong artista sa pinaghalong Filipino-American nilang genes just like him. Napapailing na nga lang siya sa tuwing nagkakagulo ang mga ito sa kaibigan niya samantalang si Zoren ay kabaliktaran naman sa kakambal nito. Mailap ito sa mga babae at ni isa yata ay walang nakakalapit. “Nagsimula na ang karisma ng unggoy kong kakambal. Dito na ako at baka ma-late pa ako sa unang subject ko.” Lumihis ng dinaanan si Zoren. “See you later, bro.” “Hey, bro! Wait for me!” Patakbong sinundan ni Ziven ang kakambal. “Diyan ka na lang, unggoy ka!” asar nito. Ang dalawang ito talaga. Hindi pa rin nagbabago. He continued walking and started his day with a simple smile. “Hi, Xander!” korong bati naman ng mga ilang kababaihang nakakasalubong niya sa hallway. “Hi,” tugong bati na lang din niya. Kailangan niyang ipakita sa mga ito ang paggalang lalo na ngayong inimbitahan siya ng kaibigan niyang tumakbo bilang Vice-President ng SSG. Habang nag-iisip siya sa bagong pagsubok sa buhay niya ay kamuntik na nga siyang ma-late at halos nagkasabay pa sa pinto ng classroom ng magiging professor niya sa Filipino Subject na si Mrs. Cora Una Swang. “Good morning, Mrs. Una Swang,” bati niya sabay nakangiti rito. So weird talaga ng pangalan niya. Napatigil ito sa mismong tapat ng pintuan saka bahagyang ibinaba ang salamin. “Oh, ikaw pala, Mr. Alexander Rios. What are you doing here? Hindi ka papasok?” pagsusungit nito. “I’m going inside, but you ladies first, Ma’am.” “Thanks. Come inside. We will begin our class, and I don’t want all of you to be late during my class.” Napangiti na lang siya dahil mukha lang masungit si Mrs. Cora pero napakabait naman nito kapag nasa labas. She knows him and his family. Ayaw lang nitong may nale-late sa klase niya pero as usual, hindi maiiwasan iyon. Akala niya na siya ang kahuli-hulihang papasok ngunit may tatlo pa pala. Sermon naman ang inabot ng mga ito sa guro ngunit hindi na lamang niya pinansin kung sino ang mga huling dumating at nagbukas na lang ng kaniyang libro. Gwen “Kainis naman! Kung bakit first day sa klase ay na-late pa ako!” Inis na umupo si Gwen sa bench habang nayayamot sa sarili. “Kung hindi lang dahil sa mga MI ng school na ito, hindi sana ako late. At kung bakit pa kasi nila hinaharangan ang hallway, hindi tuloy makadaan ang mga estudyante!” “Hindi ka na nasanay sa mga iyon, besh. First day ng school ngayon kaya mukhang palengke ang school dahil sa kanila. Palibhasa kasi ay makikita na naman nila ang mga crush nilang mga Gold Tier Students.” Napaupo na rin sa bench ang kaibigan niyang si Tala na nakikisimpatya rin sa kaniya. “Mga besh! Natural lang iyon, ‘no! Punong-puno kaya ang school na ito ng mga matinik idol! Walang bago, haler! Kaloka kayo,” wika ng isa pa niyang kaibigan na si Thea at kakambal naman ni Tala. Magkaklase sila ni Thea samantalang si Tala ay Civil Engineer naman ang kinuha. Mula pa noong high school ay kaklase na niya ang kambal at hanggang sa nagkolehiyo sila ay matibay pa rin ang kanilang samahan. Kaya lang ay katulad sa tipikal na magkapatid ay may pagkakaiba ang dalawang ito. Napangiti siya sa tinuran ni Thea. Matinik Idol ang tawag nila sa mga naggugwapuhang estudyante ng naturang university at matinik sa mga babae. At isa na rin ito sa mga nahuhumaling sa kanila. “Kahit na, Thea. Hindi naman ito mall para magkagulo sila o kaya ay public place. Mabuti na lang at nagkalasan sila nang may dumating na mga professors. Anyway…” Napatingin si Tala sa pambisig nitong relo sabay sumulyap sa kanila ni Thea. “Mauuna na ako sa inyo dahil masungit din itong professor ng kasunod kong subject. Bye, girls!” Nagmamadaling tumayo si Tala at nagpaalam sa kanila. “Ingat ka, sis!” pahabol na lang ni Thea sa kakambal. Sinundan na lang nila ng tingin ang papalayong si Tala ngunit binawi rin niya agad ang tingin niya dahil naiinis pa rin siya. Marami pa naman siyang mga naging kaklase sa subject na iyon kahit pa tatlo silang na-late kanina. Nakakahiya talaga. “Okay lang na ma-late tayo kanina, besh. Pogi naman ang nasa gitna natin,” nakangiting kwento na naman ni Thea. “Thea…” Napahawak siya sa magkabilaang sentido niya. “Tigil-tigilan mo na nga ako sa MI mo! Sumasakit na ang ulo ko sa kanila. Nandito tayo para mag-aral at hindi para magpa-cute sa kanila.” “Grabe siya. Wala ka bang crush, ‘te?” Ito na rin ang pumalit sa puwesto ng kakambal nito na katabi niya kanina. “Ang gwapo kaya ng afam na iyon! I think ngayon ko lang siya nakita sa university na ito. Ghorl! Hindi lang basta afam, ha. May feslak talaga. Wala man lang ka-pores-pores ang fes. Ang tangos pati ng ilong at ang mga mata niya, blue eyes!” Tinanggal niya ang mga kamay sa sentido niya. “I don’t care.” Naisipan niyang buksan ang shoulder bag na dala at may kinuha. “Mahalaga pa itong resulta ng application ko para sa special training sa Air Force kaysa diyan sa afam mo.” Inilihis na rin niya ang topic at baka buong maghapon na naman siya dadaldalan ni Thea. “Ay, wee? Itinuloy mo talaga ang pangarap mo? Sige nga patingin na rin ng resulta.” Nakiusyuso na rin ito sa white envelope na hawak niya ngayon. Hinayaan na lang niyang maging aware si Thea sa result dahil noon pa man ay sinabi na niya ang balak niya bilang kabahagi ng naturang training. Ibinibigay lamang ang special training na ito sa mga kamag-anak ng mga may magagandang reputasyon sa serbisyong-militar. Kinakabahan siyang malaman ang resulta kung pasado ba siya o hindi pero haharapin niya ito kung anuman ang resulta. But when she saw the magical word, her hands trembling. Sinabayan pa ng tili at pagyugyog ni Thea sa balikat niya. “Oh, my god! P-Pasado ka, Gwen!” May hampas pa na kasama ang pagiging maligalig nito. “A-Aray naman! Nakapasa nga ako sa application ko pero karjak naman ang aabutin ko sa iyo!” reklamo niya. Tumawa ito nang malakas. “Masaya lang ako for you, besh! Dream come true mo kaya iyan! At dahil diyan, sagot mo na ang dinner namin ni Tala mamaya, ha.” “Ha?” Nagulat siya. “Girl, hindi ako nanalo sa lotto. Bakit ako manlilibre? Tigil-tigilan mo ako sa libre mong iyan.” Muli niyang tiniklop ang resulta at ibinalik sa envelope saka niya ibinalik sa shoulder bag. “Tara na nga, Thea.” Saka siya tumayo. “Ayoko ng ma-late sa next subject nating dalawa.” “Hoy, libre mo, ha. Masaya na ako sa cup noodles with buns,” pangungulit nito sa kaniya sabay tumayo na rin ito. “Hay, ang takaw mo talaga. Kung hindi pogi, pagkain naman ang iniisip mo. Sige na nga!” Napilitan din siyang sagutin ang hinihingi nitong pagkain. Masaya namang sumabay sa kaniya si Thea. Sanay naman siya sa kakulitan nito kahit pa man noon. Ngayong nakapasa siya sa training niya, kailangan niyang ayusin ang schedule niya at ipaalam sa school. Katatapos lang ng last subject niya sa hapong ito at pagod na pagod siyang napaupo sa gilid ng kaniyang kama. Kasabay naman niya ang dalawang kambal na kakatapos lang din ng klase at hetong humirit na naman sa libre niyang cup noodles at buns. “Oh, nasaan na iyong libre mo? Dali na at nagugutom na aketch!” pamimilit na naman ni Thea. “Nasa drawer,” tugon niya sabay ininguso na lang niya kung nasaan. “May mga tinapay din diyan mula sa nanay ko. Kuha ka lang hanggat gusto mo at ipahinga ko lang itong utak ko.” Humiga na siya sa kama niya. “Ay, bongga! C’mon, sisteret. Let’s eat pansit!” Agad itong naghalungkat sa drawer niya. “Malala na talaga itong matakaw kong kakambal,” napapailing na wika na lang ni Tala. Habang nagkakagulo ang dalawa ay biglang tumunog ang message tone ng isa sa mga social media accounts niya. Kinapa niya ang cell phone na inilagay niya kanina sa uluhan niya at tiningnan ito. Binasa niya ang mensahe mula sa Team Leader nila sa Cheer dance na walang iba kung hindi si Patty. Nabasa niya ang announcement nitong may practice agad sila sa susunod na araw. Si Patty lang naman ang isa sa mga anak ng elites at isang Gold Tier Students. Mabango ang pangalan niya sa buong university at may pagkamaarte nga lang. Mahilig mang-okray sa mga bagay-bagay na bago sa paningin nito. Subalit may natatagong kabutihan naman sa tuwing may kailangan ang bawat isa sa kanilang member ng club. Okray nga lang ang mauuna. Napabuntong-hininga siya. “Oh, para saan naman iyang buntong-hininga mo?” puna ni Tala sa kaniya. Kumakain na rin ito ng tinapay kasama ng kakambal niya at alam na rin nito ang tungkol sa result ng application niya. Sinulyapan niya ito. “May practice kami ng mga kasama ko sa cheer dance. Nag-announce na ang captain.” “Si Patty? Ang aga namang practice niyo,” tugon naman ni Tala. “Oo. Resume na rin ng mga practice ng mga varsity sa school natin,” tugon niya rito. “Mabuti na lang at nakayanan mong makihalubilo sa mga Gold Tier Students tulad niya. Ang sosyal-sosyal kaya ng isang iyon,” sabat ni Thea. “Yeah. Mabait naman siya in a different way.” “Maarte nga lang!” korong wika ng dalawa. Napangiti na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD