Chapter 6

1785 Words
“Hoy, unggoy! Huwag mo na nga iyang inaasar si Xander sa nangyari sa kaniya. Ikaw talaga itong malas nang dahil sa kakahula mo,” sita agad ni Zoren sa kapatid. “Brader, why don’t you trust my premonition, ha? See? I am giving you guys a warning, but you ignore me.” Bumaling ito sa kaniya. “I already told you that time na mahahampas ka ng rifle at hindi ka nakinig sa akin. Hulaan ko, taga-University ang may gawa niyan,” kampante pa nitong sabi sa kaniya. “Hay, naku. Heto na naman tayo.” Napapailing na lang si Zoren sa kapatid nito. “Tumigil ka na nga sa hula-hula mong iyan, Ziven. So, how are you?” tanong ni Xian. “By the way, nasabi ko kay Mama Xean ang nangyari at heto siya na nagpadala ng mga prutas.” “Thank you. Hindi talaga ako nakakalimutan ni Mama Xean. I’m fine. Nagpapagaling na lang para makapasok na ako next week,” tugon niya. “I thought that you’re the only one who would visit me here.” Iniurong ni Xian ang upuan saka umupo. “Nagpumilit silang sumama sa akin dahil alam mo namang mahigpit ang school rules. Kung hindi lang emergency ay hindi ko isasama ang dalawang magulong kambal na ito.” “Si Ziven lang iyon,” depensa ni Zoren. Iniurong na rin nito ang upuan saka umupo. Gumaya na rin ang kambal nito. “Who did this to you?” Hindi agad siya nakasagot kay Zoren. Balak sana niyang ilihim muna pero sa pagkakataong ito ay mukha hindi na. Umayos siya ng pagkakaupo at handa na siyang ibunyag ang pangalan ng babaeng ito. Tamang nakikinig lang ang tatlo sa kaniya at naghihintay na rin sa kaniyang sasabihin. “Her name is Gwen Alexha Sevilleno. She’s a third-year biology student in Montecillo University,” pag-amin niya sa mga ito. “Yun! Tumpak na naman ako sa hula ko,” ngiting sambit ni Ziven sa kaniya. “Yeah, you’re right. But keep your mouth shut, bro. Masyado ka pa namang madaldal.” “Gwen Alexha, hmm… Never heard her name before. I think hindi siya kilala sa school or even a gold tier student. Let me check my records and see what we can do to her,” ani ni Xian sa kaniya. “No, that’s fine.” Pinigilan niya ito dahil isa rin itong sa tingin niya na ipaglalaban kung ano ang nararapat. “Inako ko na ang kasalanan na ito dahil kung hindi ako naroon ay hindi sana ito mangyayari.” “Yeah. Nandoon na tayo pero kailangan niyong magharap at pag-usapan ito just in case na maulit pa. And you’re in the same school.” “Tama si Pres Xian,” sabat ni Ziven. “I am running as SSG Vice President, and I don’t want some kind of humor because of this,” depensa naman niya. “Tama si Xander,” muling sabat ni Ziven. “Saan ka ba talaga papanig?!” korong wika nina Zoren at Xian kay Ziven. He smirked. “Ngayon pa lang ay tanggal na ang kumikirot na bahagi sa braso ko,” wika niya sa mga ito. “Anyway, if you need help, I am here to help you. Oh, isama mo na itong dalawang bodyguard ko.” “Mga gwapong bodyguard mo, pres. Safe ka sa amin,” dagdag na biro pa ni Ziven. “Oh, siya.” Tumayo na si Xian. “We need to go. Babalik pa kami sa university, and get well soon. Marami pa tayong dapat pag-usapan lalo na at palapit na rin ang election ng SSG.” Tumayo na rin sina Ziven at Zoren upang magpaalam sa kaniya. “Magpagaling ka dahil marami pa kaming boboto sa iyo. Ako na ang bahala sa mga fans club ko at sigurado akong ikaw ang mananalo.” “Asus. Nagmayabang na naman itong kambal ko. Tara na nga,” yaya na ni Zoren dito. “Sige.” Muli siyang napangiti. Kahit kailan talaga ay puro kalokohan itong si Ziven. Inihatid niya ang mga ito hanggang sa mga kaniya-kaniya nitong sasakyang nakaparada sa labas ng kanilang malaking bahay. Muli rin siyang napapaisip sa mga sinasabi ni Ziven sa kaniya at sa mga hula nitong tumutugma naman sa kaniyang kapalaran. Damn this destiny of mine to her. Gwen One week later, she never heard about Xander. Normal lang naman ang araw na nangyayari sa school at kahit ang mga kaibigan niya ay ganoon pa rin. She was waiting for the call from the Camp Capinpin but no one would call her. Wala rin siyang naging ideya kung saan niya matatagpuan ang lalaking ito upang humingi ng tawad. Hindi rin niya alam kung saan nakatira ang pamilya nito at nanlulumo pa rin siya sa nangyayari. Wala rin alam ang kaniyang nanay at baka mas lalo lang itong mag-alala sa kaniya. Rios, Aritana, parang pamilyar sa akin ang mga apilyedo nila pero hindi ko matandaan. “Gwen!!” “Huh?!” Bigla siyang natauhan sa pag-untag sa kaniya ni Thea. “M-May sinasabi ka ba?” Sabay tingin niya rito habang nakasampa ito sa kama niya at kumakain ng chips. “Lutang ka, ghorl? Kanina pa ako nagsasalita rito para sa reporting natin kung okay na ba pero ikaw itong wala sa sarili. Ayos ka lang ba?” “A-Ayos lang naman. M-May iniisip lang ako na isasagot ko sa ibang subject ko. S-Sorry. Saan na nga ba tayo?” “Hay, naku. Kilala kita. Alam mo bang napansin namin ni Tala iyang pagiging tahimik mo mula noong dumating ka galing training. Saka may bendahe iyang braso mo noon pero sabi mo namaga lang sa puspusan agad na training.” Itinabi muna nito ang report nila at kinuha ang mangkok ng chips habang naghihintay sa sagot niya. Bahagya niya itong inirapan. “Wala nga, ang kulit mo. Totoo naman talagang namaga ang braso ko dahil sa puspusang training.” “Mamatey?” Bumuntong hininga siya. “Bahala ka nga. Halika na at tapusin na natin iyang report at baka maubos na lang iyang kinakain mo ay wala man lang tayong nagawa.” “Eh, masarap kumain habang gumagawa ng report,” tugon pa nito habang puno pa ang bibig. “Whatever,” wika na lang niya. Katatapos lang nilang gawin ni Thea ang reporting nila sa isang subject nang maisipan niyang bumili ng frappe coffee sa Cafeteria. Pagkakuha niya ng kaniyang order ay agad siyang lumabas ngunit bago pa man siya makalabas nang tuluyan ay napuna niya ang grupo ng mga kababaihan na nakaupo at nagkumpulan sa round table sa labas ng Cafeteria. May mga hawak itong flyer ng mga tatakbo sa darating na SSG Election. Biglang nagtahip ang kaba sa dibdib niya nang makita ang larawan ng lalaking nahampas niya ng rifle. Hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya dahil hanggang ngayon ay kabisado pa rin niya ang hugis ng mukha at kulay bughaw nitong mga mata. Malalaki ang hakbang niyang naglakad patungo sa grupo na ito at biglang hinablot ang hawak ng isang estudyante na walang pasabi. “Hey! What are you doing? Bakit mo naman biglang kinuha ang flyer ko?” maarte nitong tanong sa kaniya sabay tumayo. Hindi niya pinansin ang inakto nito dahil focus siya sa nakikita niya ngayon. Alexander Aritana-Rios III, running as SSG Vice President? D-Dito s-siya nag-aaral? Mahigpit na ang pagkakahawak niya sa frappe coffe niya habang binabasa pa ang ilang detalye ng flyer. He’s a law student? Nanlaki ang mga mata niya nang malaman niyang iisang school lang ang kanilang pinapasukan. “Hoy! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!” sigaw sa kaniya ng estudyanteng may-ari ng flyer. “Beshy, hindi ka yata narinig at mukhang hindi ka kilala,” sabat naman ng isa. Humarap siya sa mga ito. “P-Pwede bang akin na lang ang flyer na ito?” “Manigas ka!” Sabay hinablot nitong muli ang flyer mula sa kamay niya. “Don’t tell me, crush mo rin si Xander namin? Kumuha ka ng sa iyo at hindi iyong nangingialam ka na lang basta-basta!” Sabay inirapan siya nito. “S-Sorry,” tugon na lang niya. “Hmp! Kala mo naman maganda!” Nagtawanan na ang mga estudyanteng ito sa kaniya at kung makatingin din sa kaniya ay halos tagos-tagusan. Nakikilala niya ang grupong ito na halos laman ng mga ingay at tili sa pasilyo ng school dahil sa mga tinatawag nilang matinik idol. “Gwen girl…” She turned her glimpse to an angelic voice who called her. Nakita niya agad ang nakatayo sa labas ng pinto ng Cafeteria ang famous girl ng buong campus. It was her Captain Patty. May hawak itong milk tea na binili sa loob. Agad din naman siyang lumapit dito at iniwan ang mga intrimitidang mga estudyante. “What are you doing there?” she asked. Bago niya sagutin si Patty, agaw-atensiyon na naman ito sa lahat ng mga naroon pati ang mga nagkumpulan kaninang nilapitan niya. “I saw you there and grabbed this one.” Sabay pinakita niya ang flyer na hawak niya at mukha ni Xander ang naroon. “Madaming mga flyers ang nagkalat sa buong campus at nakikiagaw ka pa sa mga slapsoil na mga iyan. Do you want it? I can give it to you for free.” “Ha?” Napatingin siya sa hawak nitong flyer. Ayaw niyang isipin na isa siya sa mga nakikigulo sa mga ito. “Uhm, a-ayos lang, captain. Tama ka. Maraming mahingan ng flyers.” “Kunin mo na at nangangalay na ako,” pamimilit nito. “S-Sige.” Kinuha na lang niya ito kaysa magalit pa ito. Well, mabait naman si Patty pero depende iyon sa kausap nito. “Thank you.” “Hindi mo man lang sinabi na crush mo si Xander. I know him very well. I can ask him a favor to meet you.” “Ha? M-Mali ang iniisip mo, captain. H-Hindi ko siya crush! I mean…m-maganda lang iyong campaign slogan niya kaya…kaya siya ang iboboto ko!” Sana makalusot! “Well…” She flipped her hair. “Ganyan naman ang sinasabi ng lahat, but in the end, nagka-crush sa kaniya. I’m get going. Huwag kang mawawala sa practice, ha.” “S-Sure, captain.” Naglakad na ito palayo sa kaniya habang naririnig pa niya ang tunog ng takong ng suot nitong shoes. Si Patty lang naman ang isa sa mga gold tier at captain ng cheering squad na may lakas ng loob na umakto ng ganoon. Marami ang nagtataas ng kilay dito dahil nga sa agaw-atensiyon nitong karisma ngunit marami rin namang humahanga dito. Napatitig na lang siya sa hawak niyang flyer. It’s a small world…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD