Gwen
Nagmamadali na naman siyang tumungo sa first subject niyang Filipino at ang professor niya rito ang ayaw niyang sisira sa araw niya. And thanks, God! Sakto lang ang dating niya dahil wala pa ito. Hindi niya kasama si Thea dahil masama ang pakiramdam nito at nagpatingin muna sa clinic.
She’s about to open her book since it’s too early. Hindi naman siya ang tipo ng estudyanteng tamang tambay lang sa labas o kaya ay makipagtsismisan. May iba naman na nagpapatugtog ng gitara at kumakanta pero siya ay walang pakialam sa mga ito.
Hindi niya alam pero tila ba may nagtulak sa kaniyang mag-angat ng tingin sa kanang bahagi niya. Nakita niya ang kaliwang kamay nito na may bendahe hanggang ang tingin niya ay nasa kabuuan na nito.
He was reading a criminal justice and code book. He’s focused on it, and she’s there to take a glimpse in the meantime. Subalit kagyat niyang naalala na ang binatang ito ay ang laman ng isipan niya ilang araw na. Lalo na nang bigla itong sumulyap sa kaniyang direksiyon at nagtama ang kanilang paningin.
Tila ba tumigil ang mundo ni Gwen sa tagpong ito at pakiwari niya ay gusto na niyang magpalamon sa lupa. It was Alexander Aritana-Rios III. Ni sa panaginip ay hindi niya inaasahan na magkaklase pala sila sa isang subject. Ni hindi rin niya ito napuna noong pasok nila ni Thea.
She’s about to start a conversation about what happened, but he turns his glimpse again to his book. She felt like she didn’t exist or ignore her. After that, Mrs. Una Swang entered the room, and they started their class.
Awkward.
Hindi siya makapag-concentrate sa itinuturo ng kanilang prof dahil lumilipad lang ang isipan niya sa katabi niyang si Xander. Yet Xander is quite active to Mrs. Una Swang’s discussion. Halos lahat ng mga tanong nito sa blackboard ay nasagot nito.
Well, kung ganitong tatakbong SSG Vice President naman ang iboboto ng karamihan, he needs to be smart. But then again, hindi niya alam kung paano ito e-approach sa tuwing may chance siya.
“Gwen Alexha Sevilleno,” tawag ni Mrs. Una Swang sa pangalan niya.
“Po?” Bahagya pa siyang nagulat sa pagtawag ng prof niya sa kaniya.
“Ano ang morpolohiya sa wika?”
“Hindi ko po alam…I mean…”
Bigla siyang tinawanan ng kaniyang mga kaklase niya.
“Quiet!” sigaw naman ni Mrs. Una Swang. Natahimik naman agad ang mga kaklase niya. “Nakikinig ka ba talaga ng mga discussion natin, Ms. Sevilleno? O lumilipad iyang isip mo sa kung kanino?” pagsusungit ng prof niya at tila nahalatang paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa katabi niya.
“It’s a morphology that deals with the structure of a word to determine and understand,” bulong ni Xander sa kaniya.
Bigla siyang nagkaroon ng ideya sa ibinulong nito pero hindi niya alam kung ano ang rason nitong tulungan siya. Tumayo naman siya upang sagutin ang tanong ng prof. niya. “Ang Morpolohiya ay ang pag-aaral ng morfema. Ito ay tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Mayroong tatlong uri ng morfema, ito ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.”
“Very good. Ang akala ko ay kay Mr. Rios ka na nakatitig buong klase ko.”
Muli na naman nagtawanan ang mga kaklase niya at siya naman na namumula sa sobrang kahihiyan. Gwen naman, mag-focus ka kung hindi ay wala ka na talagang mukhang ihaharap. At talaga bang nakatitig ako kay Xander? H-Hindi naman, ah.
Nagpatuloy na lang din ng pagtuturo ang naturang guro hanggang sa natapos ito. Kaniya-kaniyang nagsialisan ang mga kaklase niya kabilang na si Xander. Balak niyang kausapin ito pagkatapos ng subject na ito. Naunang tumayo ang binata at nagmamadali rin lumabas ng classroom at siya naman itong nagmamadaling habulin ito.
“Xander!” tawag niya.
Naabutan na niya ito malapit sa hagdanan ng hallway at mabuti na lang na agad din itong hinarap siya. Kaya lang ay katulad kanina na walang emosyon ang mukha nito at seryoso.
“Yes?”
Lumapit pa siya rito. “X-Xander, still remember me?” Kabado pa rin siya at the same time, nahihiya pa rin siya sa ginawa niya rito.
“How would I forget a woman who would hit me with a wood rifle for how many times? Small world, hmm? If you ask me if I am okay? Yeah, I am just fine. Now, if you have nothing to say, I must go. My second class will start in ten minutes,” dire-diretso nitong English sa kaniya na may American accent pa.
“Teka teka sandali lang. Ang bilis mo naman magsalita at dumudugo na itong ilong ko. Gusto ko lang naman mag-sorry sa nangyari sa ating dalawa sa camp. Pramis, hindi ko sinasadya. Kung bakit mo kasi ako gustong hampasin that time. S-Sorry talaga.”
Malalim siya nitong tinititigan. “Let’s talk about it later, Ms. Sevilleno. Uhm, I don’t have a class by 4 pm. See you at the mini park.” Bigla na lang din itong tumalikod dahil nagmamadali na talaga ito sa next subject nito.
“Ha? May pasok ako hanggang 4:30 ng hapon,” sigaw niya rito.
Muli itong huminto sa paglalakad saka bumaling sa kaniya. “I’ll wait for you until you’re free.” Matapos din itong sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan na itong tumakbo papalayo.
Halos lahat ng mga estudyante sa pasilyo ay nakatingin sa kanilang dalawa na tila ba iniisip ang salitang binitawan ni Xander sa kaniya. Kaya naman ay nagmamadali na lang din siyang nilisan ang naturang building.
Nasa Biology Lab siya habang may pinag-aaralan na insekto sa loob ng isang cylinder. May suot silang laboratory gown na puti, gloves at kung ano pa para sa laboratory class nila. Kasama niya ang kaniyang kaibigang si Thea na pumasok din naman after magpa-clinic kanina.
“Naka-chat ko pala si Cheska kanina tungkol sa nangyari sa first subject natin. Funny raw ang pagtawag ng prof natin sa iyo at kamuntik ka ng hindi makasagot sa tanong niya. Panay raw kasi ang tingin mo doon kay Fafa Xander na tatakbong SSG Vice President. Oy! Crush mo, ‘teh?”
“Tse! Hindi, noh. Paano ako hindi titingin sa kaniya eh panay ang sagot niya sa mga tanong ng professor? Wala na nga siyang binabasang libro at ang hawak niya ay ang law book. Naisip ko pa nga na swerte naman ng lalaking ito at no need na tumambay ng library. Para na nga siyang walking encyclopedia.”
“Asus! Ang sabihin mo ay naguguwapuhan ka sa kaniya. But okay lang iyon, beshy. Marami talaga ang mga pinagpala sa gold tier students. Gwapo rin ng isang iyon at kilala rin sa buong campus.”
“Hindi ko siya type, okay?” pagsusungit niya rito para matapos na ang pang-aasar nito sa kaniya. Kilala rin siya, bakit hindi ko alam?
“Ay, 4:30 na pala. Let’s go to our mumunting lungga. Hay. Ano kaya ang kama ng mga gold tier? Maganda kaya at malambot?”
“Syempre, pang-prinsesa at prinsipe. Ano pa ba?”
“Gwen, may naghihintay sa iyo sa labas,” wika ng kaklase niyang isa.
Nagkatinginan sila ni Thea saka napakunot ang noo. Wala naman maghihintay sa kanila dahil nauna na sa dorm si Tala.
Nauna na siyang magtanggal ng lab gown at curios siya sa kung sino itong naghihintay sa labas. Si Thea naman na iniligpit muna ang kanilang mga ginamit at susunod na lang sa kaniya sa labas ng laboratory room.
She was walking towards the door and opened it. She saw a guy in front and reading a book again while waiting for someone. And to her surprise, it was him again!
Xander
“Xander?!”
Nag-angat agad siya ng tingin nang tawagin ang kaniyang pangalan. He was waiting for Gwen outside of the laboratory room when he knew that she was there. Papunta rin naman siya sa mini park katapat ng library at balak niyang daanan na lang ito.
Mukhang nagulat pa ito sa paghihintay niya sa labas. Honestly, he wanted to talked to her. Ayaw niyang mas lalong mag-alala pa ang parents niya sa nangyari sa kanila at magkaroon pa ng hindi magandang pagkakakilala sa isa’t isa. Alam din naman niyang may kasalanan din siya sa nangyari. Now, he wants to clears something that he wouldn’t regret in the future.
“Hi,” bati niya rito. “Napadaan lang ako rito at saktong nandito ka pa.” Napatingin siya sa pambisig niyang relo. “It’s already 4:30. Shall we go?”
“Uhm, s-sige. D-Dala ko rin naman ang mga gamit ko pero kasi kasama ko si⸻”
“Gwen, tara na at nagugutom na ako⸻” Napatigil din si Thea nang makita siya at nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanila ni Gwen. “Teka…i-ikaw si Xander, right? Anong⸻”
“Hi.” Inunahan na niya ito bago pa man ito makapagsalitang muli. Inilahad din niya ang kaniyang palad sa dalagang kasama ni Gwen. “I’m Alexander Rios. Xander for short.”
Tinanggap naman ito ni Thea. “H-Hello, Xander. Nice to meet you. Ang gwapo, bes. Ang lambot pa ng kamay,” sambit nito sa huli kaya naman siniko ni Gwen.
Napangiti siya dahil hindi naman iyon nakaligtas sa kaniyang pandinig. He heard it. Kaya lang ay nagpanggap na lang siyang walang narinig.
“Gwen and I need to talk about important things. Is it okay with you if she will come with me? Are you in the same building?” he asked.
“Nosebleed agad ako.”
Muli itong siniko ni Gwen. “Thea, umayos ka nga.”
“Ay, sorry naman. Yes! We are in the same building. Building ng mga slapsoil na magaganda naman,” biro na naman nito.
“Don’t say that. Pantay-pantay lang naman tayo sa school na ito. And that’s one of my campaign slogans that everyone will be treated equally.”
“I agree. Sana manalo ka. Sige at gomorabels na kayo ni Gwenay. Ingat kayo, bye!” Nauna na itong magpaalam sa kanila at umalis na din.
“Pasensiya ka na sa kaniya at medyo may pagkamadaldal ang isang iyon. Hindi niya napipigilan ang kaniyang bibig sa gusto niyang sabihin.”
“Same with someone I know. Let’s go,” yaya na niya.
Nagtungo muna sila ng cafeteria at bumili ng meryenda. Niyaya niyang umupo sila sa side kung saan kasama sa priviledge nila bilang gold tier students ang magkaroon ng VIP treatment. But Gwen insisted. Mas prefer na lang nitong sa mini park na lang sila uupo at tatambay.
“Thank you,” wika nito nang i-abot niya ang binili niyang frappe at muffins na nasa supot. “Nag-abala ka pa.”
“It’s okay. Pwede na siguro tayong maupo rito.” Ang tinutukoy niya ay ang bakanteng bench. “Hmm. Maganda pala rito sa hapon,” panimulang wika niya. Mukhang nahihiya pa si Gwen sa kaniya at tipid lamang ang salitang namumutawi sa labi nito.
“Hindi ka ba madalas dito?”
“I often stay in a library or dorm. I don’t have time to chill or relax. You know, I am a law student.”
“Hmm. Kaya pala ay sumailalim ka sa special training.”
Ilang sandaling katahimikan na naman ang namagitan sa kanila habang pinapanood niya ang mga estudyanteng nagdaraan. Ang iba pa nga ay napapalingon sa kanilang direksiyon. But he even doesn’t care.
“I’m sorry,” sabay pa nilang sabing dalawa.
“I mean, I take all the responsibility for what happened. How’s your arm?” tanong niya saka niya sinulyapan ito.
Noon niya malayang napagmasdan si Gwen. Isa siyang tipikal na Pilipina ngunit kakaiba sa lahat ng nakilala niya. Marami naman siyang naging kaibigan na babaeng Pilipina pero agaw-atensiyon din ito. May hawig itong artista sa holywood na hindi niya maalala ang pangalan.
Hanggang dibdib lang niya ito, simple lang sa lahat ng bagay pero kahit hindi ito mag-ayos ay lumilitaw pa rin ang kagandahan nito.
He never got into a romantic relationship because of his studies. Wala siyang naging nobya dahil focus muna siya sa pag-aaral. Ayaw niyang haluan ng kung ano ang pag-aaral niya sa ngayon.
“Maayos naman na. Ikaw? Hindi na ba namamaga? Sorry talaga, Xander,” muli nitong paghingi ng paumanhin.
“Kaunti na lang at gagaling na rin. Sa susunod ay sa tamang banyo ka na pumunta.” Napangiti siya na may halong kaunting kapilyuhan. “Anyway, makakabalik ka na rin ng training natin sa susunod na linggo.”
“Talaga?” Bakas sa mukha nito ang saya sa narinig.
“Yup. But in one condition.”
“What is it?”
“My parents want to meet you and your parents.”
“Ha?” Tila nag-alangan ito. “Seryoso? H-Hindi pa naman alam ng nanay ko ang tungkol sa nangyari. Kapag nalaman niya ay sigurado akong pagagalitan niya ako. At isa pa, baka pagalitan ako ng parents mo lalo na ang lolo mo.”
“Don’t worry. Mababait ang mom at dad ko. Also, for the peace of mind of everyone. Minsan kasi mas makakabuting aminin ang pagkakamali kaysa itago pa ito at sa huli na ang pagsisisi.”
“May point ka. Okay, if that’s your condition. I will do it.”
“Good. By the way, may gagawin pa ako tonight. Ihahatid na kita.”
“Ha? H-Hindi na. Nakalibre na nga ako ng frappe sa cafeteria at itong muffins na hindi ko pa kinain. Thank you rito, Xander. Huwag kang mag-alala at may isang boto ka na sa akin.”
Bahagya siyang natawa. “Sabi mo, eh.”
Ilang sandali pa ay naghiwalay na sila ng landas ni Gwen. Kaya lang ay bago pa man siya pumasok sa elevator ay inabangan na siya ni Ziven.
“Bro, who is she?” bungad agad nitong tanong.
“Who?” pagkukunwari niya. “Kung sino-sino na naman ang nakikita mo.
“Ikaw, ha. Hindi mo man lang sinabi na nakikipag-date ka na. Hulaan ko, is that her? The woman who hit you many times with that wood rifle thing?”
He pressed the up button. “Yeah,” tugon na lang niya para matigil si Ziven sa kakahula nito. “You know, hindi na ako magtataka na isang araw, you might be Madam Auring boy version.”
“Well, that’s fate. Kung manghuhula na lang talaga ang career ko, I’ll accept it. Kung napapalibutan naman ako ng magagandang nilalang, why not?”
“Damn you, Ziven.”
Pumalatak na lang ito ng tawa habang papasok sila sa loob ng elevator. Mabuti nga lang at sila lang dalawa dahil kung hindi, damay na naman siya sa pagiging makulit ni Ziven.