Chapter 8

2484 Words
Gwen “Gwenay!” tili ni Thea ang bumungad sa kaniya nang pumasok siya ng kanilang room. “Thea, anong⸻ang ingay mo!” sita niya saka niya inilagay ang kaniyang gamit sa ibabaw ng kaniyang kama. Lumapit naman agad sa kaniya si Thea bitbit ang mangkok na naman na may pagkain. “Bakla, kumusta ang date niyo ni Fafa Xander?” “Date?” Kumunot ang noo niya. “We’re not dating, no! May pinag-usapan lang kami tungkol sa⸻” Natigilan naman siya. Bago sila naghiwalay ni Xander ay binulungan siya nitong huwag na lang ipagsabi ang tungkol sa nangyari sa camp. “Tungkol sa mahalagang bagay na hindi related sa romantic katulad ng inaasahan mo,” pagsisinungaling niya. “Ay, ang sungit naman ng pagkapaliwanag mo. Hindi ka na mabiro.” Umupo ito sa kama niya. “Pero alam mo, happy ako for you. Sa ikatlong taon natin dito sa Montecillo University ay ngayon ka lang nakipag-usap sa isang gold tier Students na lalaki, ha. Bagay kaya kayong dalawa.” “Tigilan mo ako sa bagay na iyan, Thea. I am here to study and not to make any nonsense things.” Inayos na niya ang mga libro niya sa study table. “Nonsense things? Hello! Kasama kaya sa paglaki ang magkaroon man lang ng romantic feeling sa opposite. Crush-crush lang naman ang gagawin mo at hindi todong magjo-jowa kaagad.” “Kesyo romantic o crush-crush lang, wala sa isip ko iyan. At saka doon ka nga sa kama mo at hihiga ako. Napagod ako sa araw na ito at kailangan ko ng pahinga.” Itinaboy niya si Thea na nakasalampak na sa kaniyang kama. “Ang damot naman nito,” pagmamaktol nito. Humaba pa ang nguso nito na parang bata. Napailing na lang siya saka sumampa sa kama. “Teka, nasaan pala si Tala?” tanong niya. “Hayun. May pinahiram na notes sa kaklase niya sa kabilang kwarto.” Maya-maya ay muli itong nagsalita nang pumasok na ang kakambal nito. “She’s here.” “Oh, bakit?” agad na tanong ni Tala sa kanila saka ito dumiretso sa kama nito. “Guess what? Ka-date lang naman ni Gwen si Fafa Xander kanina sa mini park,” kwento ni Thea. “Xander?” kunot-noong sa ni Tala. “Sino siya?” “Si Xander, sis. Iyong tatakbong Vice President ng SSG at ka-liberal party ng mahigpit na si Pres Xian,” paliwanag naman ni Thea. “Really?” Bumaling agad si Tala sa kaniya. “Totoo ba ang sinasabi nitong lukaret kong kakambal, Gwen?” “May pinag-usapan lang kami na personal at huwag mong isipin na date iyon. Iyang kapatid mo lang ang eksaherada.” Hay. Ilang beses ko bang ipapaliwanag na personal ang pinag-usapan at hindi date. “Maigi na rin na malinaw na hindi date ang ginawa niyo dahil baka sugurin ka ng silver tier students na si Kiana at ang grupo niya. Alam niyo namang patay na patay iyon kay Xander Rios. Narinig ko nga na may isang estudyanteng inagaw raw ang flyer niya na may mukha ni Xander sa cafeteria. Hayun, nagbunganga raw. Hindi rin naman nabanggit kung sino ang nakaaway at hindi raw kilalang estudyante rin.” “T-Talaga?” Namilog ang mga mata niya sa narinig mula sa kaibigan. “Oo.” Ako iyon. Si Kiana pala ang babaeng iyon at hindi ko na rin siya namukhaan sa cafeteria. Paanong hindi ko siya mamukhaan eh halos puno ang mukha sa make-up?! Natahimik siya. Noong una ay hindi niya agad natandaan ang pangalan at mukha ni Xander pero isa rin pala ito sa sikat sa kanilang campus. “Vote straight nga ako sa party list nila. Maganda naman ang pamamalakad ni Xian dito kahit na may pagkamahigpit siya. Takot nga ang ibang estudyante sa kaniya maliban na lang doon sa mga makakapal ang mukha. Kayo rin, dapat vote straight din kayo, ha.” “Sis, kailan ka pa naging campaign manager ng partido-liberal?” “Ngayon lang. Kaysa naman sa kabila ka boboto eh halos mayayabang ang mga iyon.” Hinayaan na lang niyang mag-usap ang magkakambal. Siya naman ay kinuha ang kaniyang cell phone para sana ay tawagan ang kaniyang ina. Kailangan niyang ipaalam dito ang tungkol sa nangyari sa camp. Nagpaalam muna siyang lalabas muna para tawagan ang kaniyang nanay. Kabado siya dahil alam niyang tatalakan na naman siya nito. “Hello, ‘Nay?” wika niya sa kabilang linya. “Oh, Gwen. Napatawag ka? May problema ba?” Hindi kaagad siya nakasagot. Tila ramdam na agad ng nanay niya na may problema siya. Sa tuwing tumatawag siya ay mga kailangan niya sa school at allowance lang ngunit kakatawag lang niya rito noong isang araw. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga saka niya sinabi rito ang kaniyang sadya. Noong una, tahimik lang ito habang nagpapaliwanag siya. Hindi naman nagalit ang kaniyang ina bagkus ay nag-aalala ito sa kalagayan niya. “Kumusta ka na? Wala na bang masakit sa iyo?” pag-aalala nito sa kabilang linya. “Maayos na ho ako. Huwag niyo na akong alalahanin.” “Mabuti naman. Eh, iyong anak ng dating general? Kumusta siya? H-Hindi ka ba sinugod diyan upang pagalitan?” “Hindi naman ho. Kaya nga ako tumawag dahil nais din kayong makausap.” “Ganoon ba. Sige at e-settle natin ito. Basta anuman ang mangyari, Gwen, mag-ingat ka. At huwag ka ng pumasok sa g**o para hindi ka mapahamak.” “Oho.” “Oh, siya. Kumain ka na riyan, ha. Mag-aral ng mabuti at huwag pabaya. I love you, anak.” “I love you rin ho, ‘Nay. Kayo rin po, mag-ingat.” Busy tone na lang ang narinig niya mula sa kabilang linya hudyat na pinutol na nito ang tawag. Matapos niyang makipag-usap sa ina ay muli na siyang bumalik sa kanilang kwarto. Naabutan pa niya ang nag-ramdom check sa kanila ngunit palabas na rin ito. Paglingon niya sa kama ni Thea ay tulog na ito habang nakatakip ang mukha ng aklat na marahil ay pinag-aaralan nito. Ang babaeng ito talaga. Ganoon naman talaga ang routine ni Thea kaya nakasanayan niya. Kung hindi mukha ang may takip na aklat, yakap-yakap naman niya ito. “As usual, nakatulugan na naman niya ang aklat niya. Wala na talagang bago diyan sa kakambal ko,” puna ni Tala sa kaniyang tila hindi nakaligtas sa paningin nitong nakatitig siya sa kakambal nito. “Ah. Nasanay na nga ako. By the way, kumusta pala ang mga naging kaklase mo sa engineering?” tanong niya rito nang ibahin niya ang usapan. “Hindi ka naman ba nahihirapan?” Madalang lang din magkwento si Tala sa mga naging kaklase nito o nangyayari sa buhay nito sa school. Kung hindi ito tatanungin ay wala rin itong balak magbahagi ng mga kung anong-ano. “Ayos lang naman at medyo mahirap ang mga subjects ngayon. Maliban na lang siguro sa isang tao na ayaw kong makita.” Tila may halong hindi pagkagusto ito sa huling sinabi. “Ha?” Na-curios naman siya. “What do you mean?” “Kilala mo si Ziven Karlos Lewis ng Marine Engineering?” “Hindi. I mean…pamilyar iyong name na Ziven pero hindi ko siya gaanong kilala. Who is he?” Umupo na siya sa gilid ng kaniyang kama habang hinihintay ang sasabihin ni Tala. Nagkwento na ito tungkol sa binatang binabanggit nito at noon lang siya nagkakainteres sa mga kilalang manitik idol ng kanilang campus. Xander “How’s your conversation with that girl?” “Huh?” Napasulyap siya sa kay Xian habang naglalakad sila patungong cafeteria upang magmeryenda. Niyaya nito itong kumain habang pag-uusapan pa ang ibang detalye ng kanilang pagtakbo. He was confused about a minute ago. “What do you mean?” “That girl who hit you a week ago. Sino pa nga ba? We saw you yesterday at the mini park when heading back to the dorm with the Park’s sibling. What about her?” Bago niya ito sinagot ay pinagbuksan muna niya ito ng pinto papasok ng cafeteria. “Nothing. I mean we talked about what happened and forgive each other. As I said, my parents want to meet her and her parents too. That’s it.” “That’s not what we saw. You both like dating, duh.” He chuckles. “That’s not true.” Naglakad sila nang sabay patungo sa chiller upang kumuha ng drinks. “I supposed to do the right thing and said she could go back to the training next week. Nothing else.” “Really, huh?” Napasulyap siya sa nagsalitang iyon at si Patty itong nagbukas din ng chiller upang kumuha ng four seasons juice in can. Siya naman na isinara din ang chiller matapos niyang kumuha ng bottled water. “Ikaw pala, Pat,” aniya rito. “What do you mean by that? Don’t tell me kasama ka ni Xian kahapon and saw us?” Sumulyap pa ito kay Xian bago tumugon. “Yeah. I know her and she’s one of the members in our cheer dance. Nabanggit ko na rin kina Xian at sa mga kapatid ko iyan kahapon. Nang-agaw pa nga siya ng flyer mo noong isang kay Kiana at mukhang may interes sa iyong makilala ka. Then I gave mine to her. Also, I said to her I know you well. But never mind, you knew each other. Anong mayroon sa inyong dalawa? Nililigawan mo si Gwen?” Nagkatinginan sila ni Xian. Katulad ni Xian ay kinakapatid niya rin si Patty kay Ninang Addy at Ninong Steve niya. Matagal na rin niyang kilala si Patty ngunit wala siyang balak na ipaalam pa rito ang tungkol sa totoong ugnayan nila ni Gwen. “Pakgurl, mahaba na ang pila sa cashier. Baka gusto mong pumila muna?” “Duh… I want to know if Xander courted the slapsoil girl.” Nagpatiuna itong naglakad upang pumila rin. “But it’s fine. Mabait si Gwen. Pag-aaral ang inaatupag niya at hindi kaharutan.” Muli itong sumulyap sa kaniya. “Don’t dare, Xander. She’s nice,” may halong banta pa ang huling sinabi nito. Muli akong napangiti. “She’s my friend. That’s it.” “For now,” dagdag pa nito. “Don’t you have practice for today, Pakgurl?” tanong naman ni Xian dito. Nakahalata siyang iniiba nito ang usapan tungkol kay Gwen. “Bukas na magsisimula ang practice namin. Do you want to watch, Xander?” “Hmm?” Bigla naman siyang napatuon kay Patty. “Ah, no. I need to study more in my foreign language subject. This is tricky subject for me, you know. Strict ang parents ko,” biro niya sa huli. Wala na rin namutawing mga katanungan si Patty tungkol sa kanila ni Gwen at nang makahanap sila ng puwesto ay iniba na rin ang mga napag-usapan nila. Matapos naman nilang magmeryenda ay sabay na sila ni Xian na lumabas ng cafeteria samantalang ang kinakapatid niyang si Patty ay sumabay na muna kay Ariston. Madalas naman silang nagkakasama dahil childhood friend nila ang isa’t isa katulad nila ni Xian. Magkakakilala at magkakaibigan na rin ang kanilang mga magulang. Mga ninong at ninang pa nga nila ang mga ito. Naghiwalay na rin sila ni Xian pagkadaan nila ng library. May bitbit siyang libro na dapat ay isasauli niya. Tahimik sa library pagkapasok niya at abala ang iba na mag-aral. Madalas kasi ay may kaunting ingay siyang naririnig sa paligid marahil ay nagdidiskusyunan sa mga napag-aaralan nila. Minsan naman ay nasisita sila ng librarian kapag masyado na silang maingay. Dahil pagsasauli lang ng libro ang kailangan lang niyang gawin ay agad din naman siyang lumabas ng library ngunit sa tapat naman ng establishment ay ang minipark. Bago pa man siya tutungo ng dorm ay napuna niya agad ang kaibigan niyang si Ziven na may kausap na babae. Habang pinagmamasdan niya ang dalawang tila nagtatalo ay napagtanto niyang kilala niya ang babaeng kausap nito at madalas na kasama ni Gwen. Manaka-naka siyang naglakad at nilapitan ang dalawa. “What did you do to my twin sister? Aba, porkit lalaki ka ay uurungan kita? No way!” galit na wika ni Thea kay Ziven. “Hoy! I didn’t do anything to your twin sister. Siya nga itong binudburan ng eraser na may chalk ang ulo ko. She should pay for this!” Pinagpagan pa ni Ziven ang buhok nitong may mga puti pa dahil sa chalk. “Thea!” Biglang lumapit din ang kamukha ni Thea sa kanila. “Tama na iyan!” “Hindi, sis! Dapat talaga sa lalaking ito ay makatikim ng isandaang porsyentong lakas ko!” Maangas pa ang inakto ni Thea na akala mo ay amazona sa sobrang tapang. Bago pa man siya makalapit sa mga ito ay patakbo na rin si Zoren na mukhang to the rescue naman sa kakambal nito sa tila gulong namumuo sa apat. Wala siyang ideya sa mga nangyayari pero base sa kanilang mga reaksiyon ay may hindi magandang nangyayari sa mga ito. “What’s wrong?” tanong ni Zoren sa mga ito. “Itong kakambal mo, Zoren. Bantayan mo iyan at masyadong mapanakit sa kapatid ko!” angal pa rin ni Thea. “Hey!” Pumagitna na siya sa mga ito. “What’s happening?” Palipat-lipat ang mga tingin niya sa mga ito. “X-Xander…i-ikaw pala. Eh kasi itong si Ziven. Kung ano-anong pang-aasar ang ginagawa sa kakambal kong si Tala pero noong gumanti kakambal ko ay naasar pa siya!” Masama ang tingin ni Thea kay Ziven at kulang na lang talaga ay mananapak na. Bumaling siya kay Ziven. “Is this true?” “Bro, uhm, ano… ah… Sinasabi ko lang naman kay Tala na nasa malapit lang ang itinadhana sa kaniya. Hayun, nainis at nagalit pa. What’s wrong with that?” “Eh araw-araw mo ba naman banat sa akin at first subject pa! Sinong hindi maiinis!” sagot naman ni Tala kay Ziven. “Grabe siya. Minsan lang naman sa umaga at minsan naman ay sa tanghali.” “Still, you always ruin my day!” “Oo nga!” “Hoy! Walang masamang sinabi ang kapatid ko para lagyan mo ng chalk sa ulo. This isn’t part of the school hand book. If you want, let’s go to the Dean’s office!” sabat naman ni Zoren sa pagtatanggol ng kapatid nito. “Hey! Hey! This is a little thing to start a fight. Pag-usapan na muna natin ang problema.” “Ayos lang naman sa akin makipagbati pero itong si Thea mukhang mananakmal na,” biro naman ni Ziven. Napabuntong hininga na lang siya sa tinuran ng mga ito. Inayos niya ang nasimulang g**o sa pagitan ng apat at ayaw rin niyang may hindi magandang samahan ang mga ito. Sa huli ay naging maayos naman ang kanilang pag-uusap at pinagsabihan ko na rin si Ziven na tigilan na niya ang kaniyang mga hula-hula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD