Chapter 9

2306 Words
Nabalitaan ni Gwen ang nangyaring kaguluhan sa minipark at ang namagitan ay si Xander. Mabuti na lang din at naging maayos naman ang kaunting kaguluhan na iyon sa pagitan nila. Matapang naman talaga si Thea kapag naabgrabyado ang kaniyang kakambal at naalala niyang naikuwento na minsan ni Tala ang tungkol kay Ziven. Makulit at mapang-asar si Ziven. Marami na rin siyang naririnig tungkol dito nang hindi niya sadyang marinig ang mga tsismisan sa mga kaklase niya. Gayunpaman, marami pa rin ang nahuhumaling sa magkakambal na Lewis dahil nga sa heartthrob talaga ang mga ito. Sabado ngayon at ito ang araw na itinalaga nila ni Xander na pupunta sa kanilang bahay para ayusin sana ang gulong namagitan sa kanila noong nakaraang linggo. Nangako rin si Xander na susunduin sila ng kaniyang ina sa pastry shop nila malapit sa isang mall sa Quezon City. “Nay, ready na ho kayo?” tanong niya sa in ana naghahabilin na lang ng mga gagawin sa tauhan nila. “Oo, anak. Katatapos lang ng mga habilin ko sa kanila. Kunin ko lang ang shoulder bag ko sa office.” “Sige, ho.” Tinungo ng kaniyang ina ang maliit nitong opisina sa pasty shop nila na hindi naman kalakihan pero madami naman customers sa araw-araw. Masasarap ang mga pastry food, cakes at iba pa na mabibili rito at proud siyang nanay niya ang gumawa. Nasilip niya sa labas ng kanilang shop ang isang itim na kotse na kakaparada lang. Makintab na makintab ang sasakyan na ito na halatang mayaman nga ang may-ari. Hindi siya pamilyar sa brand ng sasakyan pero sa hitsura pa lang nito ay milyon na ang halaga. Bumukas ang pinto ng driver seat nito at lumabas ang may-ari. Bahagyang nakaawang ang mga labi niya nang makitang kilala niya ang may-ari ng kotse. Si Xander. Kahit ang mga customers at mga tauhan nila ay nakasilip na rin pala sa papasok na si Xander. Ang iba pa ay naririnig niya ang magandang komento tungkol sa binatang nakikita nila ngayon. Paanong hindi mamangha ang mga ito? Simpleng white cotton shirt na tenernuhan ng ripped jeans ang suot niya. May denim jacket siyang suot at nakaputing sapatos pa. May shades siyang suot pero tinanggal niya ito at inilagay sa kaniyang dibdib bago buksan ang pinto ng shop. Naka-brush up style pa ang buhok nito na mas lalong naging attractive tingnan. Ewan ba niya pero pakiramdam niya nang mga sandaling ito ay tila na-mesmerized sa karismang taglay nito. Hindi kasi ito ang tipikal na may lahing afam pero ibang-iba ito sa paningin niya. Subalit bago pa man tuluyang mahipnotismo siya sa taglay nitong karisma ay ibinalik niya ang sarili sa kasalukuyang mundo. “Hi,” bati ni Xander sa kaniya nang makapasok na ito sa kanilang shop. “Are you ready? Where’s your mom?” sunod-sunod nitong tanong. “Ha? Ah, m-may kinuha lang sa loob. N-Nag-almusal ka na ba? Gusto mo ng coffee, cakes, breads or cookies? Sabihin mo lang at ipaghahanda ko,” bahagya pa siyang nautal dito. Napangiti ito. “Hey. Relax. Okay lang ako. At mukhang masarap ang mga pagkain dito sa pastry shop niyo. Sa labas pa lang ay naamoy ko na ang mababangong tinapay.” “Ay, nagtatagalog siya,” sambit ng kahera nilang nakarinig sa kanilang usapan kasama ang isa pa nitong katrabaho. “Ah, oo nga pala.” Humarap siya sa mga ito. “Tina, Shirley, siya pala si Xander. Uhm, Xander, sila Tina at Shirley. Mga katuwang ng nanay ko rito sa shop.” “Hello!” sabay na bati ng dalawa. “Hi,” bati rin ni Xander saka ito lumapit sa kanila at nakipagkamay pa. Tuwang-tuwa naman ang dalawa at tila kinikilig pa nang kamayan ni Xander. Siya naman na napapangiti at napapailing na lang dahil mahihilig din sa mga gwapo ang mga ito. “Gwen, nandito na pala ang bisita mo,” anang nanay niya na naroon na bitbit ang shoulder bag nito. “You must be Gwen’s mother?” Inunahan agad ito ni Xander. “I’m Alexander Rios III. Nice meeting you, Tita…” Inilahad agad nito ang palad kay nanay. “Uhm…” Tinanggap ng nanay ang pakikipagkamay nito. “Sylvia…Sylvia Sevellino. Nice meeting you, hijo.” Bahagyang natulala rin ang nanay niya nang makilala na niya ang apo ng dating heneral. “Mano rin po.” “Ha? Ay, kaawaan ka ng diyos.” Nakita rin niya ang inakto ni Xander na nagmano pa sa nanay niya na ikinagulat din ng kaniyang ina. “Napakabuti mo naman pala, hijo. Maganda ang pagpapalaki sa iyo ng mga magulang mo. At matatas ka rin managalog.” “I’m half-Filipino, half-American. I know how to speak well in your language ‘coz I’m used to it. Nasanay na po ako,” tugon ng magalang na binata. “Shall we?” “Ay, oo. Ay, heto pala.” Kinuha ng nanay ang paper bag na may laman mga pagkain na para daw ito sa family ni Xander. “Ako ang nag-bake nito para sa family mo.” Sinilip ni Xander ang laman ng paper bag. “Wow. This is my favorite. Banana cake.” “Talaga? Marami pa akong beneyk dito at kung gusto mo ay dadamihan ko.” “No, Tita Slyvia. It’s fine. Siguro ay mapapadalas lang akong bumili rito at magpapadala kay Gwen.” Saka ito bumaling sa kaniya at ngumiti. “Walang problema, hijo. Marami rin akong ibang niluto na magugustuhan mo rito.” Habang pinagmamasdan niya ang mga itong nag-uusap ay parang matagal na silang magkakilala. Noon lang din niya nakita ang nanay na natutuwa sa pamumuri ni Xander. Noon lang din niya nalamang paborito pala nito ang banana cake. Nagtungo na sila sa labas upang sumampa na sa kotseng dala nito. Magalang pa na pinagbuksan ni Xander ng pinto ang nanay sa likod na bahagi at siya naman na pinaupo na rin sa harap. Sa puntong iyon ng buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang kaba sa puso niya. Maingat na nagmaneho si Xander at doon na rin sila manananghalian ng nanay niya ayon sa binata. Naging madaldal din ang nanay niya sa mga katanungan nito tungkol sa school at siya naman na sumasang-ayon na lang at nakikiramdam. Nakaramdam din siya ng kaunting hiya nang minsan magtama ang tingin nila ni Xander nang hindi naman sinasadya. Halos kalahating oras ang biyahe nila patungong San Lorenzo Village sa Makati. Isang exclusive village na para lang sa mga may kaya sa buhay. Ang sabi naman ni Xander ay iba’t ibang mga uri ng pamilya sa lipunan ang nakatira dito. Pagkaraan ng ilang kantong pinasukan nila ay bahagyang bumagal na ang takbo ng kotse nito at saka huminto sa tapat ng napakalaking bahay. Sumilip pa siya sa bintana at nakita niya ang automatic na gate na unti-unting nagbukas. May dalawang guard pa na nag-assist sa kanilang daanan papasok sa malaking bahay. Ipinarada ni Xander ang kotse saka sila nagsibabaan ng nanay niya. Si Xander naman ang nagkusang magbitbit ng paper bag na may lamang pastry food at niyaya silang pumasok sa loob. This is the first time that she will meet his family. Kinakabahan na siya sa magiging trato ng mga ito sa kanila kaya subalit tila naramdaman ng nanay niya ang kaniyang kaba at hinawakan siya nito sa kamay. “Ayos ka lang, Gwen?” “Ho?” Sabay nakatingin siya sa kamay ng nanay niyang nakasalikop sa palad niya at muling nag-angat ng tingin dito. “A-Ayos lang, ‘Nay. Basta kasama ko ho kayo.” Ngumiti lang ang kaniyang ina sa kaniya saka tuluyan silang pumasok sa loob. “Hi! Welcome!” bati agad ng tila daddy ni Xander dahil sa kamukha ito ng binata. “Dad, sina Gwen at Tita Sylvia. Uhm, siya ang Daddy Kier ko,” pagpapakilala ni Xander sa kanila. “Hello po,” bati naman niya na sinabayan niya ng matamis niyang ngiti. “Hi, Gwen.” Inilahad nito ang kamay para sa kaniya at tinanggap naman niya. “Nice to meet you. You look familiar or maybe I saw you somewhere. But forget about it.” Kumalas agad ito sa pakikipagkamay sa kaniya at sa nanay naman niya ito nakipagkamay. “Hello, Mr. Rios. Ipagpaumanhin mo ang naganap na kaguluhan sa pagitang ng mga anak natin. I mean—nagtatagalog na tuloy ako.” “No, it’s okay. Nakakaintindi ako, Mrs. Sevellino. At masyadong pormal. Just call me, Kier.” Kumalas na rin ito sa pakikipagkamay sa nanay niya. “Tawagin mo na rin akong Sylvia. Nakakatuwa naman at hindi na ako mahirapang humugot nang maraming English.” Sabay kaming nagtawanan. Kanina lang sa sasakyan ay panay na ang English ng nanay ko kay Xander pero kalaunan ay sumuko rin. Tagalog na ang mga tanong niya pero si Xander itong purong English na ang sagot. Hindi raw kasi nito maiwasan dahil iyon ang main language nito. Niyaya nila kami sa pool side kung saan naroon ang ibang miyembro ng family Rios. Nakilala na rin nila ang mommy ni Xander na si Tita Alexis, ang Nana Caring niya at ang lolo ni Xander na si Ex-General Alexander Aritana. Nabanggit ni Xander na ma-diplomasyang tao ang kaniyang lolo pero wala raw silang dapat ikatakot dahil mabait naman ito. May edad na nga ito ngunit matikas pa rin at maliksi pa ang kilos. Nabanggit ni Xander na active pa ito sa ilang mga sports lalo na ang paggo-golf. Iyon na raw ang libangan ng lolo nito. Inikot din niya ang paningin sa buong paligid at mula sa dekorasyon hanggang sa materyales ng bahay, masasabi niyang mayamang angkan ang naninirahan doon. “So, how’s your school, Gwen?” tanong ng lolo ni Xander nang lahat sila ay makaupo na sa kaniya-kaniyang puwesto. “What’s your course again?” “Ayos naman po. I’m third year biology student. Eskolar din ako sa university na pinapasukan namin ni Xander.” Kinakabahan man siya sa sagot niya at sa mga titig ng abuelo ng binata, pinilit niyang magpakatatag. Lihim na nga siyang napapalunok dahil sa hindi siya sanay na tingnan nito. “So, you’re taking this course, and at the same time, you took the training too?” sabat naman ng daddy ni Xander. “Yes, Tito Kier. Kaya ngayon pa lang ho ay humihingi na ako ng tawad sa nagawa ko kay Xander.” Hindi siya makatingin ng diretso sa mga ito at bahagyang napayuko. “Well, humihingi rin kami ng despensa sa ginawa ng anak ko sa iyo, Gwen. Kung bakit ba naman kasi sa daming restroom sa Camp Capinpin ay doon ka pa sa talahiban inabutan. Mabuti at hindi ka natamaan sa ulo nitong anak ko,” wika ng mommy ni Xander. “Maayos ka naman ba?” “Opo. Gumaling na ang maga ng braso ko. Sa susunod po ay sa tamang palikuran na ako pupunta, Tita Alexis. Paumanhin ho talaga.” Hiyang-hiya na siya sa nangyari sa kanila noon ni Xander. Sana hindi niya ako nakitaan. Nakakahiya talaga iyon. “Let it be, Gwen. Nakaraan na iyon at ang mahalaga, you’re doing good. By next week, you can go back for the training.” Bumaling si Tito Kier kay Xander. “Xander, you can take Gwen to the Camp with you.” “Ay, tito, huwag na po. Kaya ko na po ang bumiyahe patungong Tanay,” tanggi niya. “Bumabyahe ka nang mag-isa?” Napakunot ang noo ng lolo ni Xander. “Oho,” magalang naman niyang tugon. “Sa katunayan ay bumiyahe po ako sakay ng jeep nang madaling-araw po.” “Eh, no choice ang anak ko kasi wala kaming sariling sasakyan at kailangan niyang bumiyahe nang mas maaga para lang makarating sa Camp Capinpin sa saktong oras,” dagdag ng nanay niya. “I can drive you to Tanay since we are in the same school. Less hassle sa part mo. It’s fine with me, Gwen.” “Pero Xander…” “I won’t take no for an answer. Iboto mo lang ako sa darating na eleksiyon, ayos na ako roon.” Nagtawanan na lang kami sa sinagot ni Xander na tila naging biro na rin niya. Samantalang ang lolo lang niya ang hindi napangiti. Napuna nga niyang panay ang tingin nito sa kaniyang ina na tila ba may kinakabisa. Ayon din naman kay Xander na mahirap daw talaga patawanin ang lolo niya. Siya lang ang kabiruan nito at nahihilot niya. Inimbitahan din silang doon na rin mananghalian. Napakaraming pagkaing nakahanda sa mahabang dining table na tila ba fiesta. Nakadalo naman sila ng nanay niya sa mamahaling restaurant pero ang pakiramdam niya sa pagtrato ng pamilya Rios sa kanila at convenient na binigay ng mga ito. Hindi rin naman sila nagtagal sa bahay nina Xander, inihatid na sila nito pabalik sa kanilang pastry shop. Malaki rin ang pasasalamat ng kaniyang ina sa kabutihang-loob na ipinakita ng pamilya Rios sa kanila. “Xander, thank you very much. Nabusog kami ng nanay at maganda ang pakikitungo ng pamilya mo sa amin. Akala ko nga ay pagagalitan na ako lalo na ang lolo mo. Medyo may pagkamasungit ang isang iyon,” wika niya rito matapos silang ihatid at silang dalawa na lang sa labas. Ang nanay niya ay nasa loob na rin siya na itong nagpaalam kay Xander. “It’s fine. We are happy to see you and your mom. Mabait ang nanay mo at humahanga ako sa kaniya dahil mag-isa niyang itinaguyod ang pagpapaaral sa iyo.” Binigyan siya nito nang makahulugang tingin. Bahagya siyang umiwas at itinuon sa ibang direksiyon ang tingin. “Oo at maalalahanin pati ang nanay ko.” Muli niyang ibinaling ang tingin dito. “Bye, Xander. Mag-ingat ka sa pagda-drive. See you in school.” He smirked. “See you. I have to go.” “Okay,” tugon niya saka bahagyang ngumiti rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD