Kabanata 2
Exactly 9:00 nagising ako bigla, sobrang dilim ng paligid at tanging lampara lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto ko. Parang sobrang bigat ng aking katawan, dala siguro ng pagod kanina. Naagaw ng atensyon ko ang biglang pagtunong ng cellphone ko. Tumatawag pala si Sarina, siya lang ang nag iisa kong kaibigan, since na magkaibigan din si tita susan at ang kanyang mommy ay madali kaming nagkasundo nung mga bata pa kami hanggang sa sabay na kaming grumaduate ng elementary at high school. Ngayong 4th year college ay same school din kami pero hindi kami magkaparehas ng course na kinuha.
Psychology ang kinuha niya, lagi ko pa ngang niloloko si sarry na siya ang mag-alam sa akin pag nasiraan na ako ng bait, alam niya din kung anong sitwasyon ko ngayon.
Saglit pa ay sinagot ko na ang tawag, ngayon ko lang din nakita na sobrang dami na palang missed call galing sa kanya.
Sa kabilang linya, alam ko na agad kung nasaan siya. Siguro nagbabar na naman ang babae na yun. "Nabalitaan kong lumipat ka na sa unit!" Nailayo ko bigla ang cp ko sa tenga dahil sa sobrang lakas. "Sobrang nakakatampo ka di mo man lang ako sinabihan. Diba best friend mo ko." Sa tuno niya ay alam kung medyo lasing na siya
Umirap ako sa kawalan. "My god sarry, sinabihan ko sina tito renz na sabihan ka. Saka bat ba nasa bar ka?"
Rinig ko pa sa kabilang linya na parang may kinakausap siyang lalaki. Papatayin ko na sana ngunit nagulat ako sa sunod na sinabi ng kausap niya. "Baby" sa malambing na boses, nagsitayuan ang balahibo ko. Hindi naman sakin nasasabi ni sarry na may boyfriend na siya.
"Sarry?" I said, she forgot that she was talking to me. Paulit ulit ko siyang tinawag ngunit hindi naman siya nagsasalita. Siguro dahil sa ingay din kaya di niya ako naririnig.
Papatayin ko na ulit sana ng may marinig na naman ako sa kabilang linya, na lalong ikinagulat ko. "Bitawan mo ako Marco." Doc. marco? Hindi ko alam kung siya nga pero yun lang ang nasa isipan ko. Hindi ko na pinatagal ang tawag, binaba ko na ito at nag tipa ng mensahe para kay Sarry, na bukas na kami mag usap.
Napailing na lang ako, Masaya naman ako kung may boyfriend na nga si sarry. Humiga na lang ulit ako para umidlip ulit buti na lang at dinalaw ako ng antok.
Sobra ang adjustment ko ngayon dahil ako lang mag isa, buti na lang kahit papaano marunong akong magluto. Kakapanibago pa din dahil ikaw lang mag isa ang mag uumagahan. I already prepared food for my breakfast. Tinawagan ko din si dad kanina para kamustahin, gusto pa nga niyang padalhan ako ng katulong para daw may taga pag luto ako but I refuse buti na lang at pumayag naman.
Humingi ako ng malalim at sinimulan ng kumain, I also decided to go outside para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Pagkatapos kong kumain, lumabas agad ako ng unit, sasakay nasana ako sa elevator ngunit nakita ko si sarry na may mga dalang pagkain.
"Sarry?" She giggle and hug me.
"Kala mo ha, naiinis pa din ako sayo. Buti na lang best friend kita." Tinaasan niya pa ako ng kilay at pinakita sa akin ang mga dala niya. "Let's go to your room. Saan ka ba pupunta?"
"Sa labas sana magpapahangin." I said, naglalakad na kami patungo sa unit ko. Siguro ay mamaya na lang ako lalabas at isasama ko na lang siya para may makausap din ako. "Anong nangyare sayo kagabi? Kinalimutan mo na kausap mo ako kagabi." I opened the door, pagkabukas ko ay umupo agad siya sa sofa na para bang pagod na pagod. "Narinig ko pa na may kausap ka, You also mentioned marco's name huh?"
Sa kanyang pagkakaupo ay napatayo siya at lumapit sa akin. "Ano pang narinig mo pat?" Natataranta niyang sabi.
I chuckled. "Sarry." Humarap ako sa kanya at seryoso na tumingin. "Magkasama ba kayo ni Doc. Marco kagabi?" Kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "He even call you baby." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Ngunit imbes na sagutin ako ay umiwas siya.Kinuha niya ang kanyang dala at nilabas yun isa isa. Mahina akong napatawa.
"Binilhan kita ng pagkain." She said at pinakita sa akin.
"Kumain na ako sarry, bat ba iniiba mo ang usapan. May something ba sa into ni Doc.Marco?" Iritado siyang tumingin sa akin.
"Actually, hindi ko naman siya kasama. Ang kasama niya ay si Lovely." Umirap pa siya sa kawalan, halata namang nag seselos siya. "Hindi naman talaga ako pupuntang bar, sinundan ko lang sila hanggang sa naipainom na ako." Umupo kami sa sofa habang nag kukwento siya sa nangyari kagabi. "Hindi ko nga alam kung may gusto ba siya kay Lovely, pero nagsabi na siya sakin na liligawan daw niya ako. Patricia I like Him kaya pumayag ako." Huminga pa siya ng malalim. "Tapos nun sinampal ko siya, he desrve that. Hindi ko na siya pinayagang manligaw kase baka lokohin niya lang ako."
Napailing na lang ako. "Mukha namang mabait si Doc. Marco ah, Don't worry I talk to him, sa next month ay papacheck ulit ako sa kanya."
"Kamusta ka na nga ba? Nananaginip ka pa din ba? Tungkol sa nakaraan mo?" She ask seriously. Iniba na niya ang usapan siguro ayaw niya na din pag usapan pa ang nangyare kagabi.
"Minsan para akong sinasakal pag nananaginip. Kaya naman umiinom ako ng sleeping pills pero minsan hindi din effective, I don't know why. Buti nga at pumayag si dad and tita na lumipat ako, pero pakiramdam ko kase ako lang ang makakasagot sa lahat ng mga iniisip ko." Sarry just tap my shoulder.
"Alam kong kaya mo yan lagpasan, I believe in you. Basta don't hesitate to call me, kahit busy ako sa school gagawa ako ng paraan para mabisita ka" I smiled, she's really my best friend.
Natapos ang araw na yun at hindi na ako nakalabas dahil nag kwentuhan na lang kami ni sarry ng kung ano-ano. Kahit papaano gumaan na ulit ang pakiramdam ko, sinabi ko lahat sa kanya ng mga nararamdaman this past few days. She gave me an advice, naalala kong nag aaral nga pala siya ng psychology, she suggest na wag ko munang isipin kung sino mang babae na nasa panaginip ko, hayaan ko daw na mag rest ang isipan dahil dadating din naman ang tamang araw na makakaalala ako lahat.
"Gusto kong maalala lahat ngunit may parte sa akin na natatakot ako." sambit ko.
"Wag mong pilitin patricia. Kung dumating man ang araw na maalala mo lahat just accept it at magpasalamat na nakalaya ka na. Baka maluka ka pa sa kakaisip mo." Pabiro niya pang sabi.
Hindi na namin pinatagal pa ang ganung usapan, nagluto na lang kami paregas ng makakain at nanood. Matagal na din kase kaming hindi nagkakasama ni Sarry simula nung magkaiba kami ng course na kinuha. Magkasalungat kase ang aming schedule.
Sobrang saya naming dalawa nanonood hanggang sa inabot kami ng gabi. I suggest na dito na muna siya matulog, pumayag naman siya nung una ngunit tumawag naman ang kanyang mama.
"I really want to stay here pat, pero si mommy kase nasa unit. Hinihintay niya ako, sinabi ko namang magkasama tayo pero nag away daw sila ni dad. Hayaan mo pag may time ulit ako, let's bond again at sigurado na akong dito ako matutulog para masamahan ka din." Nakasibangot na sabi ni sarry, natawa naman ako sa reaksyon niya.
"It's okay sarry, madami pa namang time. Sige na puntahan mo na si tita. Mag iingat ka." Exactly 7:00 pm ay umalis si sarry.
As usual tumahimik na ulit ang kwarto ko, parang bumalik din sa dati ang pakiramdam ko. Nagkibit-balikat ako at tinuloy ang panonood. The movie, touch my heart, tungkol kase ito sa mag ina. The mother sacrifice herself para lang mabuhay ang kanyang anak. Sa pagtuloy ng pinapanood ko ay di ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Sana ganun din si mommy sa akin, I hope na may ina ako na nag aalala sa akin at hindi ako sinasaktan. Sana ako na lang yung bata sa movie.
Pinahid ko ang luha ko at tinigil ang panonood. Hindi ko na kaya, kung pagpapatuloy ko pa ay baka mag collapsed lang ako at humiling kahit impossible naman, kahit alam ko namang hindi mangyayare, sobrang impossible.
Imbes na manood at umiyak dahil sa movie, I decided to go outside. Itutuloy ko yung gagawin ko sana kanina. Palabas na ako ng hotel ngunit may lalaki namang nakasagot sa akin dahilan kung bakit natapon ang dala niyang kape sa damit ko.
Napatingin ako kung sino yun, nabigla ako dahil ito pala yung may ari nung resort kung saan nagbakasyon ako nung nakaraang buwan. Siya din yung nang-istorbo sa akin habang ninanamnam ko ang hangin. Kung hindi nga ako nagkakamali, si Carlton Del Rios ito.
"Miss." Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. May inabot siya sa aking tissue. "Wipe your shirt." Pagkatapos nun ay umalis na agad siya.
Nairita ako sa ginagawa ni Carlton, wala ba yung pake o pakiramdam. Hindi man lang siya nag sorry, nadumihan na nga itong damit ko, akal ko pa naman ay gentleman ito.
I have no choice but to go back into my unit. Siguro ay pagpapabukas ko na lang ang paglabas, aagahan ko ulit ang gising para makapag jogging, ngunit bago pa man ako makahakbang pabalik ay bigla na lang akong nahilo at nawalan ng balanse hanggang sa unti unting nagdilim ang paligid ko.
.....
A/N:
Happy reading ❤️