Kabanata 3

1557 Words
Kabanata 3 Warning: R-18 (this content is disturbing and maybe traumatizing) Wala akong tigil sa kakaiyak, habang patuloy ang pag aaway ni mommy at daddy. "Mom, Dad!" Sigaw ko ngunit hindi pa din sila tumitigil. Hinawakan ako ni dad sa kamay at hinarap ako sa kanya. "Anak sumama ka na kay daddy." Hindi ako makapagsalita sa sobrang iyak. "Subukan mong sumama diyan patricia, hindi ko patutulugin ang konsensya mo." Duro pa sakin ni mommy. Hindi ako makapagdesisyon, hindi ako makaimik, nakatulala lang ako habng sobra ang iyak at sakit na nararamdaman. Hindi ko alam, bakit ba ganito ang tadhana napakadaya. Dati naman sobrang saya namin at maituturing na perpektong pamilya. Kinaiingitan pa nga ako ng mga kaklase pero ngayon sila na ang kinaiingitan ko. Ngayon naniniwala na akong walang perpekto sa mundong ito, lahat may mababago at hindi lagi masya sa buhay. "Patricia, wag kang makinig sa mommy mo. Nandun ang iyong tita sanya." "At talaga ba david? Talagang papakilala mo ang anak ko sa kabet mo?" Sigaw ni mommy. Hinila niya ako sa braso para mapalapit sa kanya. Pinantay niya ang kanyang mukha sa akin, bakas sa aking ina ang pagkadepress dahil sa itim nito sa baba ng kanyang mata. Sobrang natatakot ako kay mommy halos hindi ko na siya makilala. "Patricia anak, diba mahal na mahal mo si mommy" hinawi niya pa ang buhok ko habang may ngiti sa labi. Nanibago ako sa inasta niya, nung wala naman dito si dad ay sinasabunutan niya pa ako at pinapalo. "Kay mommy ka lang ha." Sobrang nakakakilabot ang bulong na yun, nag-echo yun sa aking tenga at paulit ulit. Napasigaw ako at tinakpan ang aking tenga, habang nakaupo. "Anak." Saad ni dad. "Wag kang lumapit, dahil sa akin lang ang anak ko." Si mommy habang pinapalandas ang kamay niya sa aking buhok. "Nasisiraan ka na ng ulo emilia." Sa tono ni dad ay alam kong galit na siya. Nilapitan niya ako ngunit nahawakan agad ni mommy ang buhok ko. Napakahigpit, ang sakit. "Mommy, bitawan niyo po ako." "Emilia." Pagbabanta sa boses ni daddy. "Pag hindi mo binitawan si patricia, sasaktan talaga kita." Sa puntong yun ay binatawan ako ni mommy. Pinaharap niya ako sa kanya. "Kapag sumama ka sa daddy mo, magpapakamatay ako. Tandaan mong ako lang naman ang nagmahal sayo ng tunay, kung mahal ka ng daddy mo edi sana hindi niya tayo iniwan. Ilang beses akong nagmakaawa sa lalaking yan na wag tayong iwan patricia, alang alang sayo ngunit hindi yan nakinig. Kase wala yang pakialam sa atin, sayo!" Binatawan ako ni mommy at tinulak papunta kay dad. "Sige, sumama ka tingnan na lang natin." Hinawakan ako ni dad at pinaupo. "Anak, wag kang maniniwala sa mommy mo." Wala akong nasabi, hindi ako umimik kahit gustuhin ko mang magtanong kay dad kung bakit nga ba niya kami iniwan ay wala ni kahit na isang salita ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko sanay magtanong ng madami, gusto ko sanang sabihin na bumalik na lang kami sa dati. Sobrang dami kong gusto pero hindi ko masabi. "Ano bakit hindi mo sabihin kay patricia ang totoo kung bakit mo kami iniwan, bakit hindi mo sinama si sanya dito ha?" "Emilia, tumigil ka na." Kasabay ang pagtapo ni mommy ng gamit sa harapan ni dad. "Tahimik na kami dito, lumayas ka na dito." "Tahimik? Nababalitaan ko na sinasaktan mo ang anak ko emilia." Tinawanan lang ni mommy si dad. Nakaupo lang ako at pinapanood silang magtalo. Sinubukan ko pa ulit pumagitna ngunit hindi sinasadyang naitulak ako ni mommy dahilan kung bakit napatama ang ulo ko sa sahig, ngunit parang wala silang pakialam at hindi ako nakikita. Wala akong nagawa nung araw na yun, tumakbo ako at pumunta sa kwarto, dun ko lang din napagtanto na may sugat pala ako sa may bandang noo. Rinig na rinig ng dalwang tenga ko kung anong pinag aawayan nilang dalwa. "Kukuhanin ko na si patricia, Emilia. At wala kang magagawa dun." Pasigaw na sabi ni dad, dinig ko ang pagtawa ni mommy may sinabi pa siya ngunit napakahina. Pinagsawalang bahala ko yun, sobrang nakakapagod ang sitwasyon ko ngayon bata pa ako pero ang dami ko na agad problema, umiyak lang ng umiyak hanggang sa makatulog ako. I woke up and found myself in bathroom, may hawak na na blade at paunti unting nilalapat sa balat hanggang sa mag sugat, paulit ulit kong nilalaslas ang kaliwang kamay ko habang nakatitig sa salamin at umiiyak. The sink is full of blood, I didn't feel any pain from what I did. All I know is to cry ang continue doing it. "Patricia~" tila may bumulong sa aking tenga. Tikapan ko yun at pumikit. "Kay mommy ka lang ha~" umulit sa pandinig ko ang sinabi sa akin kanina ni mommy. Pati ang pagtawa niya na sobrang nagpakilabot sa akin. Para na akong baliw at kinuha ko ang blade na nabitawan ko kanina, I s***h it to my skin tuloy tuloy hanggang sa mamanhid. I look at myself then to my hands that full of blood. Sobrang natakot ako at napaupo. "s**t! What am I doing?" I whispered, hinugasan ko ang aking kamay na puno ng dugo pati na din ang mga sugat na patuloy ang pagdugo. Kumuha ako ng towel at binalutan ito para tumigil na. I'm just 10 years old, I always like this na nagigising na lang na sinasaktan ang sarili pagkatapos ay gulat na gulat at hindi alam ang ginawa. Huminga ako ng malalim at lumabas sa banyo, sobrang nagulat ako dahil may malakas na bumagsak sa salas. Buong akala ko ay hindi na sila nagtatalo, Sa tuwing pupunta dito si daddy at kukuhanin ako lagi silang nagtatalo, gustuhin ko mang sumama ngunit lagi akong tinatakot ni mommy na magpapakamatay siya pag sumama ako kay dad. Subalit paano ako tatagal sa kanya kung lagi din naman niyang pinararamdam sa akin na wala akong kwenta. I was about to walk when I heard a gunshot sound, my legs are trembling, parang kaunte na lang tutumba na ako, sinundan pa ito ng malakas na putok ng baril, paulit ulit. Muli ay tinakpan ko ang aking tenga at umiyak ng malakas. Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyare, bumukas pa nga ang pinto ng kwarto ko kasabay nun ang unti unting panghihina ng tuhod ko. Ang alam ko lang ay hawak hawak ni daddy ang braso niya habang patuloy ang pag agos ng dugo. "Patricia" rinig ko pang sabi niya. Hindi ko na alam tuluyan ng binalot ng kadiliman ang paningin ko. "Miss! Nananaginip ka." The baritone voice woke me up. May hawak siyang tubig, sobrang blurred ng paningin ko at hindi ko maaninang kung sino ito. Pumikit ulit ako at unti unting binuksan ang mga mata. Lumantad sa aking ang gwapong mukha ni Carlton Del Rios. Tumingin pa ako sa paligod, bumangon ako bigla nang mapagtanto ko na wala ako sa condo. Napahawak ako sa sentido nangkumirot ito, naramdaman ko din ang pawis kahit buhay naman ang aircon, napahawak din ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng t***k nito. "Miss nahimatay ka kanina, dinala kita sa condo ko kase hindi ko naman alam kung saan ang kwarto mo dito." He said it at inaro sa akin ang tubig na hawak niya. "Drink it first." Kinuha ko ang tubig na binigay niya. "Nanaginip ako?" Nagtataka kong tanong. Tumango naman siya. "You keep calling mom, hindi ko pinansin nung una but you shouted." Bigla akong napahawak sa dibdib ko, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nanaginip ako? Pero bakit di ko maalala? Bakit hindi katulad dati na, nagkakaroon ako ng panaginip ngunit naaalala ko naman. May itatanong pa sana ako ngunit bigla naman may pumasok na babae. "Sir, nandito na po yung medic na pinapatawag niyo." Okay na naman ako kaya babalik na ako sa unit ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Halos kabalikat niya lang ako. Sobrang tangkad niya at malaki pa ang katawan. "I'm okay now, pabalikin mo na." Sabi ko sa babae. Tumingin ako kay carlton napansin ko ang kulay gray na mata niya kaya napaiwas agad ako ng tingin. Tumikhim ako para mapukaw ang atensyon niya "Thank you for helping me. Babalik na ako sa unit." I smiled at him. He just smirked. "Okay." Tumalikod na siya. Napataas ako ng kilay dahil sobrang inasta niya. Hahakbang na sana ako palabas ng mag salita siya. "Welcome. By the way what's your name?" Tanong niya kahit nakatalikod siya sakin Hindi ko sana sasabihin pero nagkautang na loob ako sa lalaki na ito. Hindi naman ako madamot at wala namang mangyayare kung ibibigay ko. "Patricia David Castro." Pagkatapos nun ay iniwan niya na ako. Tumingin ako sa relo ko, 10 na pala ng gabi. Ibig sabihin sobrang tagal kong nakatulog dun. Bakit niya kase ako tinuloy sa condo niya imbes sa hospital. Nagkibit balikat ako, tama din naman nag ginawa niya kung sa hospital ako dinala siguro wala na ako dito. Sigurado akong hindi na ako papayagan ni dad na mag sarili. Sumagi pa sa isipan ko ang sinabi sa akin ni carlton sa panaginip. I shouted? Hindi kaya sa panaginip ko ay may nangyare sa akin. Hanggang sa makarating ako sa unit ko ay naging palaisipan yun sa akin. ..... A/N: Yes po! Susubukan ko pong araw araw na mag update. Thank you po sa walang sawang support. ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD