Kabanata 4

1671 Words
Kabanata 4 Kabanata 4 Dream is just a figment of imagination, normal lang yun ngunit para sa akin, iyon ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat. Napatitig ako sa salamin, napakunot ang noo ko dahil napakafamilliar ng senaryo na ito. Hindi ko alam pero napahawak ako sa aking palapulsuhan bakas dun ang mga sugat na hindi ko naman alam kung saan nang galing yun, tinanong ko yun kay dad pero sinabi lang niya na nagasgasan daw yun nung bata ako dahil sa kalikutan ko. Ngunit parang may mali, bakit ganito na agad ang peklat kung gasgas lang? Bakit parang napakalalim ng sugat. Ang marka nito ay hindi pangkaraniwan at parang may kaunting tahi. Habang natagal padami na ng padami ang tanong ko sa aking sarili. Kinalma ko ang sarili ko at hinanda na ang sarili para lumabas at mag jogging. This past few days hindi naging maganda ang araw ko kaya siguro naman ay makakatulong din ang pag eexercise upang gumaan ang pakiramdam ko. I'm wearing a fitted leggings and sportsbra, nag dala na din ako ng inumin at tuwalya. Gumamit ako ng elevator at napaka wrong timing naman lagi dahil kasabay ko pa talag si Mr. Carlton Del Rios. Ngumiti ako sa kanya ngunit ang kanyang mukha ay nanatiling walang reaksyon, sobrang nakakahiya kung bakit ba naman ngumiti pa ako hindi nga pala kami gasinong close. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid, kami lang dalwa sa loob at sobrang nakakailang dahil nasa likodan ko siya. Napatawa ako dahil para siyang bodyguard ko na nagbabantay sa aking likuran. Pagbukas ng elevator, halos lahat ng staff ay napatingin sa amin, na ikinagulat ko naman. Baka akala nila, magkasama kami nagkaton lang naman na nagkasabay kami sa elevator. Umuna na ako sa paglalakad, ngunit sa aking paglalakad ay biglang may humila sa aking braso. Nagulat ako dahil sa lakas ng puwerso ng humili sa akin ay napasubsob ako sa kanyang dibdib. Naamoy ko pa ang bango nito, naramdaman ko din ang pagtama ng hininga sa aking mukha, nagsitaasan ang balihibo ko dahil dun. Tumingala ako, agad naman akong napalayo dahil si Carlton ito, napatingin din ako sa kamay niya nakalayo sa aking katawan para hindi niya ako mahawakan, pero siya naman ang humila sa akin, kung hindi niya ako hin_. Tila naputol ang aking iniisip ng magsalita ang lalaki na katabi ni Carlton. Pansin ko dito ang takot. "S-sorry miss, akala ko kase ikaw yung hinahanap ko." Pagkatapos nun ay umalis agad ang lalaki. Ako naman nananatili akong nakatayo at tulala sa harapan ni Carlton. Napatingin ako sa paligid ko at nagbubulungan na sila. Unti unti akong tumalikod ngunit nagsalita si Carlton. "Ikaw yung kagabi diba?" Di ko alam kung sasagot ako, napakagat ako ng labi. Muli ay hinarap siya. "Oo, sorry kase_" hindi niya na ako pinatapos. Inaro niya sa akin ang kamay niya na may hawak na cellphone. Cellphone ko? "Naiwan mo yan kagabi, sa condo ko." Napalakas ata ang boses niya dahil lalong nagbulungan ang tao sa paligid, rinig ko din ang bahagyang pagsinghap ng isang babae na nakatingin sa banda namin. Nauutal ako, sobrang malas ko naman lagi pag lalabas ako. Kinuha ko yun at nagpasalamat, dali dali akong tumakbo hanggang sa makalayo sa building na iyon. Sobra hingal ko at napaupo ako sa bench ng park. Masama na nga ang araw ko kahapon, magiging masama pa ata ngayon. Pinanganak ata akong malas, laging negativity ang pumapasok sa buhay ko. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Gusto ko na lang din maging bata, parang walang problema, gusto lang sumaya. Napangiti ako bigla dahil kita ko ang mga ngiting nakaguhit sa kanilang mga labi, sobra silang nag eenjoy. "Hello miss." Kumaway pa sa akin ang isang batang babae, lumapit din siya sa akin at umupo sa aking tabi. "Miss, anong pakiramdam maging dalaga. Gusto ko na din kaseng lumaki, ayaw ko na maging bata." Napatawa ako ng mahina. "Alam mo, nung bata ako ginusto ko din yan pero ngayong matanda na ako ginusto ko namang maging bata." "Ha? Ayaw ko na maging bata, hindi ko naaalagaan ang aking ina." Bigla akong tumingin sa bata, nakatitig siya sa nakauponh babae siguro ay kanyang ina ito. Nakasuot ito ng bestida at may balot ang ulo. "Bakit naman? Kung hindi mo maalagaan kase bata ka pa, iparamdam mo na lang na mahal mo siya." "Pero may sakit ang nany ko, gusto ko siyang alagaan." Tumingin siya sa akin, I saw her teary eyes. Nahabag ako bata, nakikita ko ang sarili ko sa kanyan nung bata pa ako. Mahal na mahal ko din ang aking ina, inaalagaan kahit na ayaw magpaalaga. "Sige na miss, hinahanap na ata ako." Tumayo na ang bata at tumakbo ngunit sa hindi inaasahan ay nadapa ito. Napatayo ako bigla at tinulungan ang batang babae. Inupo ko ulit siya, kinuha ko ang kanyang kamay ngunit nabitawan ko ito dahil sa sugat at dugo na kumalat dito. Napalayo ako dahil sa takot. "May dugo!" Sigaw ko, tumakbo pa ako sa isang babae. "Miss tulungan niyo po, may digo yung baga!" Sigaw ko pa habang patuloy na umiiyak ang bata samatalang ako ay patuloy pa din ang sigaw. Lumapit ang ina nito at ang isang babae. "Grabe ka naman miss hindi naman sobra ang pagkadugo. Kung makasigaw ka, tinakot mo naman kami. Tinakot mo din ang bata." Sa sinabing iyon ng babae, dun lang ako nabuhayan. Napatayo ako dahil iba ang pagkakakita ko kanina, sobrang madugo ito at madaming sugat. Kaya natakot ako, napapikit ako. Ano bang nangyayare sa akin? Normal na sugat yun at hindi naman malaki pero iba talaga ang nakita ko kanina, kinusot ko ang aking mata. Tama nga ang sinabi ng babae, namamalik mata ba ako? Inayos ko ang sarili ko at lumapit sa bata, hahawakan ko sana ang kamay nito pero inilayo na niya ito sa akin. Niyakag niya na ang kanyang ina at umalis sa kinaroroonan ko. Huminga ako ng malalim at umupo na lang ulit. May narinig pa akong nagbulungan pero di ko na ito pinansin. Nagpasiya akong umalis na lang sa lugar na iyon, tumakbo ulit ako, sobrang init pero nanlalamig ang katawan ko dahil sa nangyare na iyon. Tumakbo ako ng tumakbo, paulit ulit at pabalik balik. Pinagod ko talaga ang sarili ko para maalis ang kaba, hanggang sa mapagod ako ng tuluyan. Hinihingal akong umupo sa upuan kung saan walang tao. Mas mabuti pang walang tao na lang ang pagtatambayan ko, tahimik at hindi nagkakagulo. Tumingin ako sa oras, may kaunteng oras pa babalik na din ako sa unit. Tatakbuhin ko na lang ulit iyon. Lumipas ang oras, hindi na ako nagtagal sa kinatatayuan ko. Sa susunod na magjojogging ako ay dun na lang ulit ako tatambay. Ilang minuto din ang tinakbo ko hanggang sa makadating ako sa building. Pagpasok ko, narinig ko agad ang sinabi ng isang babae kay napalingon ako. "Siguro, Babae yan ni Mr. Del Rios, kaya siguro nadito." Lumapit ako sa babae. "Babae? Excuse me, kung dadagdag ka sa problema ko please tumahimik ka na lang. Hindi ko kaano ano ang Carlton na sinasabi mo." It is my first time na pumatol. Sobrang nakakabingi kase, wala naman silang patunay kung ano ano pang sinasabi. "Ikaw kase eh." Sabi nung isang babae. "Eh bakit nandito si Mr. Del Rios, hindi naman nananatili yun dito. Sobrang kakapanibago naman." Tila nagtatalo pa silang dalwang mag kasama, pinagsawalang bahala ko na yun. Nasabi ko na naman ang gusto kong sabihin para na din maalis sa isip nila ang nangyare kanina. Sa pagod ko, hindi na ako nagluto. Nagpadeliver na lang ako ng makakain. Gusto kong kumain pero di ko maiwasang maisip ang nangyare kanina sa park. Natakot ko pa ang bata, huminga ako ng malalim at tinawagan si Sarry. "Sarry." Saad ko. "Pat, pasensya na talaga kahapon ha. Bakit ka nga ba napatawag?" Saad niya sa kabilang linya. Bumuntong hininga ako, sa kanya ko na lang sasabihin imbes na kay dad. Mag aalala lang sila sa akin. "May nangyare kase kanina" kinuwento ko lahat ang nangyare kanina sa park pati na din kahapon. "Kay Mr. Carlton Del Rios? OMG ka gurl, he is one of the hottest billionaire in asia. Grabe naman at sa condo ka pa talaga nakatulog." Tumatawa pa si sarry kaya napairap ako. "Pakiramdam ko nanaginip ako kase yun ang sabi niya sa akin pero di ko naman alam, di ko maalala panaginip ko sarry." Tumahimik bigla ang sa ka ilang linya. "Ano bang sabi ko sayo pat, wag mong pilitin. Kaya siguro ganun na lang din ang nangyare kanina sa park. Baka iniisip mo pa din panaginip mo kaya ka nagha-hallucinate." Napahawak na lang ako sa aking ulo, hindi ko kase maiwasan talaga na mag isip lalo pa at may tanong na nang gustong gusto kong hanapin ang mga sagot. Tumagal pa ang usapan namin, may mga sinabi siya pero di naman pumasok sa isipan ko. Hindi ko alam, ang isip ko pa din ay ang panaginip kahit anong pigil ko ay kusa itong pumapasok. Para bang gumagawa ito ng paraan upang makapasok sa isipan ko. I get my phone, naalala ko bigla kahapon nung araw na umalis ako sa condo ni Carlton may dala naman akong cellphone. Balisa akong umakyat pataas papuntang kwarto. Napasandal na lang ako sa pader dahil nandun ang cellphone ni Carlton. Pumikit na lang ako, iniisip kong paano ko ibibigay ang cellphone sa kanya. Narinig ko pa sa babae na hindi naman siya namamalagi dito, kung ibigay ko naman sa staff baka may sabihin na naman ito tungkol sa akin. Napahampas ako sa noo, siguro naman nandun yun sa kanyang condo. Aabangan ko lang dun. Bumuntong hininga ako, pagod na ako sa kakaisip, sa aking sitwasyon at sa problema. Inaaliw ko na nga lang ang sarili ko upang maiwasan ang depression pero kahit anong iwas para pa ding nakakulong, lalaya ng saglit ngunit bumabalik din. .... A/N: Sorry po hindi nakapag update kahapon, super busy sa scholarship ang person. Incoming 1st year college na po kase. Happy Reading ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD