Kabanata 10 Touch Hindi na humaba ang usapan namin ni Carlton, umalis na din siya pagkatapos niyang ibigay ang pagkain. Napatingin naman ako sa kanyang binigay na pagkain, napabuntong hininga ako baka masanay ako na laging dinadalhan ng pagkain. Gusto kong magpalipas ng araw sa condo lang ngunit sobrang boring naman. Malinis na ito at wala na akong magagawa. Napanguso ako at tiningnan ang cellphone. Hindi ko alam pero bigla itong tumunog, isang unknown number na naman ang tumatawag sa akin. "Nagbago na naman ba siya ng number?" Bulong ko. Hindi ako nag alinlangan na sagutin yun ngunit wala akong narinig na salita sa kabilang linya. Sobrang nakakabingi ang katahimikan dito. "Hello?" Kumunot na ang noo ko at chineck pa kung patay na ba ang tawag ngunit hindi pa naman. "Hello?" Paulit

