Kabanata 9 Love "Because I like you." Paulit ulit pumasok sa isipan ko mga katagang iyon. Sa daming nangyare sa akin kahapon ay iyon lang ang tanging pumasok sa isip ko. Bigla tuloy nawala ang takot ko na baka balkan ako ng lalaki sa labas, nakalimutan ko din ang nakakatrauma kong panaginip. Ilang araw lang kaming magkakilala ni Carlton at ngayon sinasabi niyang gusto niya ako? Impossible naman. Nung araw na yun hindi ako pumayag na sa condo niya mag stay, lalo pa at sobrang nailang na ako. Nang umamin siya hindi ako makapagsalita, sobrang dami pa niyang sinabi ngunit hindi yun pumasok sa tenga ko. Kinalma ko ang sarili ko, tirik na ulit ang araw. Gusto kong magjogging sa labas ngunit natrauma ata ako dahil baka may mangyare na namang hindi maganda. Hindi ako nakatulog kagabi, di ko a

