Kabanata 8

1936 Words
Kabanata 8 Confess Lumipas ang araw, kaunting araw na lang din magpapasukan na kami. Sinamahan ako ni sarry noong nakaraang araw para sa enrollment at simula nung nag mall kami hanggang ngayon di ko pa nakikita si Carlton. Hindi ko siya hinahanap napapansin ko lang. Bakit ko ba iniisip ang lalaki na yun, iiwasan ko na nga iniisip ko pa. Nag focus na lang ako sa pagkain, sobrang laki ng pinag iba ko hindi katulad nung nakaraang araw. Dati sa isang linggo may araw dun na nahihimatay ako, pero ngayon napakagaan sa pakiramdam. Naiwasan ko na din ang pananaginip, binalita ko agad yun kay Doc. Marco ngunit sabi niya ay wag daw akong pakakasiguro. He suggest na magpacheck pa din at pumayag naman ako. Naalala ko ang sinabi sa akin ni sarry na mas nakakatulong sa sitwasyon ko pag pakiramdam na minamahal at pagnatutunan na ding magmahal. I'm inlove, hindi sa kung sino man kundi sa sarili ko. Inayos ko ang sarili ko, kumain lang ako ng tinapay para sa breakfast balak ko kase ulit mag jogging sa labas. Paglabas ko ng building, sumalubong agad sa aking ang simoy ng hangin. Napakasarap sa pakiramdam, kahit maaraw hindi naman ito masakit sa balat. Napaka perpekto nga ito para makapag jogging. Tumakbo ako tatambay na lang ulit ako sa tambayan ko noong nakaraan. Tahimik at mas makakahinga ako ng maluwag. Tumatakbo lang ako, enjoying the view. Napatigil ako bigla dahil may pumarada sa harap ko na isang magarang sasakyan. "Miss, pwedeng makuha ang number mo?" Hindi ko sila pinansin at diretso lang ako sa pagtakbo ngunit hinaharangan na nila ang daan ko. "Please miss, gusto ka lang namin makilala." Lumiko ako kung saan hindi nakaharang ang sasakyan pero tuloy pa din ang sunod nila. Napansin kong puro lalaki sila sa sasakyan at alam kong masama ang intensyon nila. Huminto ako at huminto din ang sasakyan, lumabas dun ang matangkad na lalaki ngunit nakakatakot ito. "Napakapakipot mo naman, alam ko namang gusto mo din." Nagtataka ako kung anong sinasabi niya. Tumakbo ako ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, maputi ako kaya bumakat dun ang kamay ng lalaki. Bigla akong kinabahan, ibang kaba na ito. Nakakatakot na, masama ang tingin sa akin ng lalaki. "Bitawan niyo ako kuya." Tumawa siya ng malakas na nag echo sa aking tenga. Napasigaw ako dahil dun sumakit din ang ulo kaya napapikit ako ng mariin. May bigla akong naalala, sobrang natatakot na ako. Paulit ulit ang tawa sa aking tenga, pilit ko din inaalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso. "Miss, kung gusto mo sumama ka na lang." Pumalag ako. "Kuya please bitawan niyo na ako." Nagmura pa ang lalaki at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso. "Nasasaktan na po ako." Nangingilid na ang aking luha sa mata. Ilang beses ako nagmakaawa ngunit tumatawa lang ito. Hanggang sa may sumigaw na sobrang pamilyar na boses. Naramdaman ko nag unti unting pag bitaw sa aking braso ng lalaki, hindi ko namalayan na nakahandusay na pala ito. "Don't you f*****g touch her! You bastard!" Sumigaw pa ang pamilyar na boses. Ako naman ay tumago sa gilid, takot na takot. Nakatakip ang tenga at mariin akong pumikit. Isa lang ang masasabi ko, parang nangyare na ito. Napakapamilyar ng senaryo na ito, parehas din may nag tatalo at nasa sulok lang din ako na umiiyak Kinikilabutan na ako sa takot. "Bakit ka ba nangingiaalm ha?" Sigaw pa nung lalaki. Wala na ako sa sarili, hindi ko hinayaang marinig ko lahat ng sinasabi nila. Alam ko na nag aaway na sila, umiiyak ako, patuloy lang ang iyak. Napatingin ako sa braso ko na namumula dahil sa hawak. Hinawakan ko ito at biglang may ala alang bumabalik sa akin. "Please untie me." Boses iyon ng babae na nakatali. Sa pagkakatanda ko kasama iyon sa panaginip ko "Wala kang kwentang anak, bakit mo pinakawalan." Isang pirasong memorya at hindi pamilyar. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla ulit may memoryang pumasok sa isipan ko "Please, eat this. Baka magutom ka kawawa naman si baby." Boses iyon ng bata. Ako ba ito? Pero sino yung babae na inaalok ko? At buntis pa ito? Napasabunot ako sa aking buhok, may ilang mga pirasong memorya pa ang pumasok sa isipan ko. Kasabay din nun ang pagsakit ng ulo ko. Nasa sulok pa din ako, I was suffering akala ko okay na ako, sobrang laking trauma nito. "Patricia." Ang boses na iyon ang nagpabalik sa aking ulirat. Si Carlton, hinawakan niya ako at inalalayang tumayo sabay noon ang pagyakap sa akin ng mahigpit. "Sobrang nag alala ako." Patuloy pa din ang iyak ko. "s**t!" Mura pa niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Hindi niya ako kaano-ano ngunit sobra siyang mag alala sa akin. "Carlton." Iyon lang ang nabanggit ko, sobrang sakit ng ulo ko at sandali pa, hindi na din nagtagal nagblur na naman ang paningin ko habang patuloy ang agos ng luha ko. "Patricia." Rinig ko pang sinabi niya ngunit wala na, nawalan na ako ng malay. Sobrang dilim gusto ko na lang ulit bumalik sa bahay. Kasama ako ng isang babae na buntis. "Saan tayo pupunta?" I asked her, malaki na din ang tiyan nito. "Tatakas tayo sa mommy mo ija." Dahil dun ay napahinto ako sa paglalakad. Iiwan ko ang mommy ko? Paano na siya hindi pwede kailangan ako ng mommy ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak ng babae sa kamay ko. "Babalik na ako, nag aalala na si mommy." Ngunit hinawakan niya ulit ako pero inalis ko lang ito. "Ikaw na lang, mahal na mahal ko ang mommy ko at di ko siya kayang iwan." Umiiyak na ang babae, sapo sapo ang tiyan. "You're mom is bad, kaya sumama ka na sakin." Umiling ako at pinahid ang luha sa pisnge ng babae. "I really love my mom, kaya ng di ako sumama kay daddy. Kawawa na siya pag naiwan siyang mag isa." I smiled at her. Umiiyak pa din ang babae, tapak siya at napansin ko ang sugat sugat na paa niya. Hinubad ko ang aking tsinelas at ibinigay sa kanya. "Ikaw na lang ang umalis, ito ang tsinelas ko kawawa ka naman kung magtatapak ka. Baka mapaano ang baby." Hinaplos ko pa ang tiyan. "Aalagaan kita kung sasama ka. Please." Patuloy pa din ang pag iyak niya na hindi ko naman alam kung bakit. "Patricia_" Kasabay nun ang pagtawag ng pamilyar na boses, si mommy yun alam ko. "Nandiyan na si mommy, umalis ka na." Tumayo ang babae at kumaway pa sa akin. Tinanong ko ang pangalan niya ngunit hindi ko naman masyadong naintindihan. "Patricia!" Sigaw iyon ng aking ina. Pagkakita ko sa kanya ay sinalubong ko siya ngunit kinaladkad niya ako gamit ang aking buhok. "Napawalang kwentang anak, bakit mo hinayaang makatakas. Nasaan na si Ol_." Sobrang dilim sa kagubatan ng oras na yun, tinuro ko kung saang direksyon nagpunta ang babae. Iniwan ako ni mommy na mag isa habang hinahabol ang babae. Umupo ako sa sulok at umiyak lang dahil sa takot. Tanging mga huni na lamang ng ibon ang naririnig ko at palaspas ng hangin. Tumagal pa ang ilang minuto at binalika din naman ako ng aking ina. "Sobrang t*nga mo! Manang mana ka aky david!" Sigaw niya sa akin at dinuro pa ako. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit at kinaladkad hanggang sa makarating na ulit sa bahay. Umiiyak ako habang nakatingin sa aking ina. Napansin ko ang pagkulubot ng mukha niya dala sa kantandaan. Habang nagsasalita ito ay dahan dahan ko itong hinawakan na ikinaglit naman niya. Pinadapa niya ako at pinaghahampas, sumigaw ako sa iyak. Nag sisisi na sana sumama na lang ako sa babae. "Gumising ka pat." Boses iyon ng lalaki. Napabangon ako at napansin na basa ang aking pisngi. Napaiyak tuloy ako ng maalala ang nangyare. Muntikan na akong mapahamak kanina buti na lang dumating si Carlton. "Bakit sa tuwing nananaginip ka, parang takot na takot ka." Tanong niya. Ngayon ko lang napansin na nasasakyan niya ako. Hindi ako umimik at tulala lang. Hindi mag sink in sa utak ang nangyare kahit na patuloy ang pag landas ng luha sa aking pisngi. "Pagbabaydan nung lalaki na yun ang ginawa niya sayo." Pagalit niya pang sabi ngunit di ko pa din ito pinapansin. "Sa susunod na lumabas ka sabihin mo sakin." Sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kanya. Tulala pa din ako at sobrang natrauma. Napahawak ako sa aking sentido ng maalala ang aking panaginip. Tuluyan na akong humagulhol ng iyak, buong akala ko nakatakas na ako sa kadiliman ngunit hindi pa pala. "Akala ko okay na ako." Kinuyom ko ang aking kamay. Sa nangyare kanina parang nadagdagan pa lalo ang trauma ko. "Sa condo ko muna ikaw magpahinga." Tumingin ako sa labas at napansin kong nasa harapan na pala kami ng building. "Magbabayad talaga yun." Sobrang galit na galit siya. Bumaba na siya at pinagbuksan akonng pintuan. Inaro niya ang kanyang kamay ngunit hindi ko yun tinanggap. Tuloy tuloy ang lakad ko hanggang sa makasakay ako ng elevator. Nasa likod ko lang siya, naramdamn ko ang bahagyang pagkirot ng kaliwang braso ko, dahil iyon sa pagkakahawak. Hanggang sa makalabas ako ng elevator ay hindi pa din nawawala sa isip ko ang sitwasyon ko kanina at ang panaginip ko. Diretso ang lakad ko kahit nangangatog ang tuhod ko ay pinilit ko pa ding makapaglakad ngunit sadyang hindi ko kaya. Muntikan na akong matumba buti na lang at nasa likod ko si Carlton. Bahagya akong napatili dahil binuhat niya na ako. "Wag mong pilitin kung hindi mo kaya." Pumalag ako ngunit sobrang lakas niya. Dineretso niya ako sa condo niya at inupo sa sofa. "Kaya ko ang sarili ko." I told him at tumayo ngunit hindi din nagtagal ay natumba ako. Sabi ko sa sarili ko iiwas na ako sa taong ito ngunit paano ako makakaiwas kung nagiging bahagi na siya ng buhay ko. "Hindi ka okay, hindi mo na naman ako patutulugin kung hahayaan kitang mag isa sa condo mo." "Bakit mo ba ginagawa ito sa akin ha, nandiyan naman si sarry. Sobrang dami ko ng problema Carlton, nakakatrauma pa ang ginawa ng lalaki na yun." Nanghihina na ang aking boses, wala na akong lakas para makipagtalo. "Sobrang nakakatrauma." Unti unti ay pumatak na ulit ang luha sa aking pisngi. "I'm here, wag kang mag alala dahil ipapakulong ko talaga yun. Hindi ko hahayaan na makalaya, I will use my name, and influence para lang di makalaya ang g*go na yun." Sobrang galit na galit siya, nagdidilim na din ang kanyang mga mata. Umiiyak pa din ako, para akong bata. Tumingin ako sa braso ko, namamasa na ito at may ube na din. Sinubukan kong igalaw ito ngunit sobrang sakit. "Salamat kase tinulungan mo ako." Kumuha si Carlton ng first aid kit at cold compress. Natulala na lang ulit ako at may inaalala pang ibang bagay. Sa panaginip ko nasabi ni mommy ang pangaln nung babae ngunit bakit di ko pakinig. Tumingin ako kay Carlton. "Bakit mo ginagawa ito." Tumingin siya sa akin. "Because I like you." He said. Hindi ko alam kung nagkamali ba ako ng dinig ngunit pagkasabi niyang iyon sumakit ulit ang ulo ko. Totoo ba ang narinig ko? Akala ko ay mawawalan na naman ako ng malay ngunit natagpuan ko na lang ang sarili ko na tulala ulit at hindi mag sink in ang sinabi ni Carlton. ... #Confession A/N: Napasipag po ako. Sabay sabay po nating tapusin ang storya na ito at tutukan ang update ko. Sorry sa typographical errors. Read. Vote and Comment. Visit me on dreame: S3CR3TLY Happy Reading ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD