Kabanata 7
Jealous
I'm so busy, balak kong magpa enroll na ngayon for first sem in fourth year college. Kinuha ko ang kursong nursing, alam kong mahirap ito but I really want to challenge my skills. Tanda ko pa nung first year pa lang kami, hindi naman ako natatakot sa dugo, hindi ko lang alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ko noong nakaraang araw. Kadarating ko lang sa condo, kaya medyo tinatamad ako mag paenroll. Bukas na lang siguro, magpapasama na lang ako kay sarry.
Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto ko, sa tuwing uuwi ako para laging may kulang, may hinahanap ako. I pouted, nagpasya na lang akong mag linis. Wala din naman akong gagawin ngayong araw, pagtapos kong maglinis pupunta na lang ako sa mall para naman makapagpalamig.
Nagsimula na akong maglinis, kahit kasuloksulukan ay tiningnan ko talaga kung may dumi. Pawisan at basang basa ang damit sa pawis nang matapos ako. Umupo ako saglit at maya maya pa ay may nagdoorbell. Wala naman akong ineexpect na bisita, kaya sino naman ito. Impossible namang si sarry, tumatawag siya bago magpunta dito. Kahit pawisan hindi ko na inayos ang sarili ko, I open the door and shocked. Carlton Del Rios? I look at his eyes, sobrang nagdidilim ang mga mata nito na lalong ikinagwapo ng binata, dumadag pa ang kulay ng mata at ang kapal ng kilay pati na din sang jawline nito at adams apple na gumagalaw galaw.
My heart beat so fast, nanginginig din ang tuhod ko. Sa sobrang kaba ng nararamdaman ko baka sandali lang ay mahimatay na ako. "A-anong ginagawa mo_" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pinakita niya ang kanyang dala.
Umuusok pa ito halatang bagong luto. Sobrang bango naman ng aroma bigla akong napahawak sa tiyan ko. Kanina lang ay hindi naman ako nakakaramdam ng gutom ngunit ng maamoy ko ang dala niya bigla akong nakaramdam.
"Sorry about last night. Bakit ka ba umalis?" Napnganga ako dahil sa tanong niya. Bakit niya yun tinatanong? Malamang aalis ako dahil nandun na ang girlfriend niya. Ano bang gusto niyo sabay sabay kaming kumain?
"Bakit Patricia gusto mo ba ikaw lang kasabay niya?" Biglang tumugan ang isipan ko. Nababaliw na ata ako.
"Yung kaibigan ko kase naalala ko na pupunta nga pala siya dito. Saka kakahiya naman sa girlfriend mo." Kita ko ang pagkabigla niya.
"Sinong girlfriend ko?"
"Yung babae." Matipid kong sabi, bakit parang nagseselos ata ako?
"Huh? Si Nathalie? She's my childhood friend kaya ganun na lang pakikitungo ko sa kanya." Mahina pa siyang tumawa. Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag dahil dun, parang natuwa ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Bahagya akong napalunok. "I also message you." Dahil sa kanyang sinabi naalala ko tuloy ang mensahe na natanggap ko kahapon. Paanong siya yun?
"Paano mo nakuha ang number ko?" Kunot noo kong tanong.
"I have my ways." Ngumisi lang siya at inabot ang pagkain na dala niya. "I want you to eat this, kagabi pa sana kita binigyan ng pagkain pero napansin kong wala naman tao dito kagabi."
Tumango ako at kinuha yun. "Bakit nag abala ka pa."
He just smiled, he also look at me. Bigla akong nataranta dahil basang basa nga pala ako ng pawis. "Sorry, I really want to invite you inside pero_"
"No it's okay. Aalis na din naman ako, I have something to do at baka matagalan akong makabalik dito sa hotel kaya dinalhan kita ng pagkain. Kinonsensya mo kase ako." Kinonsensya? Huh? Gusto ko pang magtanong sa kanya ngunit umalis na agad ito.
Wala naman akong ginawa sa kanya. Hindi din nagtagal ay biglang tumunog ang cellphone ko.
-Unknown Number-
Hindi mo ko pinatulog nung isang gabi.
Naguguluhan na talaga ako, sigurado akong si Carlton na ito. Muli akong tumingin sa kanyang mensahe. Ano bang ginawa ko sa kanya nung isang gabi? Nagkibit balikat na laang ako at hinanda ang sarili para kumain.
Kinain ko ang niluto niya, sobrang sarap nito at nanunuot talaga ang lasa. Sa totoo lang hindi naman tapaga ako nakain ng adobo ngunit hindi ko din alam kung bakit ako napakain parang naging paborito ko na tuloy ito.
Natapos akong kumain at naligo na. Nagbihis na din ako dahil plano ko talagang mag mall. I call sarry at tinanong kung nasaan siya.
"Nasa bahay ako pat." Napailing ako dahil mukha namang wala siya sa bahay. I heard marco's voice, mukhang magkasama ata sila.
"Talaga lang na nasa bahay ka, baka naman nasa bahay ka ni marco." Tumahimik ng kabilang linya, napatawa ako dahil mukhang nahuli ko ata siya.
"Patricia, let's go. Mag mall tayo." I just call her, hindi ko naman siya niyayakag. Napatawa ako dahil totoo nga ang sinabi ko. "30 minutes nandiyan na ako." Wala akong nagawa kung hindi hintayin si sarry.
Lumabas na ako ng condo, gumamit ng elevator at sa labas na lang ng building naghintay. Exactly 30 minutes pumarada sa harapan ko ang kulay puti niyang kotse.
"Grabe ka na sarry ha. Sa bahay daw pero kay marco na bahay pala." Pang loloko ko sa kanya.
"Nalasing ako kagabi at dinala kiya ako sa kanyang condo." Pinaningkitan ko pa siya ng mata bago simulan mag maneho. "I swear." She added, mukhang napansin niya na hindi ako kumbinsido sa dahilan.
Naging tahimik ang byahe, Nakatingin ako sa bintana sobrang napapangiti ako sa tuwing may nakikita akong magandang tanawin. "By the way, nabanggit sa akin ni Marco ang sitwasyon mo." Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Alam mo ba pat, I think makakatulong din ang lovelife sa sitwasyon mo. Bakit kase di ka pa mag boyfriend."
"Really sarry, ako pa tamaga tinanong mo. Baka mas lalo lang sumakita ang ulo ko pag nagboyfriend ako." I smirked.
"If you feel loved by someone, mas makakagaan yun ng pakiramdam." Bigla ko tuloy naisip si tita and dad, they loved me hindi pa ba yun sapat. "Bakit di mo subukan si Carlton Del Rios." Nanlaki ang mata ko sa pangalan na sinabi niya. "You know what, siya lang naman ang may ari ng hotel na tinutuluyan mo ngayon." Mas lalo akong nagulat dahil dun, ialng araw na akong nakatira dun pero hindi ko naman inaaalam kung sino ang may ari.
"Come on sarry, hindi ko nga kaya ang sarili ko tapos magboboyfriend pa ako. Okay naman ako. Hindi na naman ako nagcocollapse."
"Hindi naman sa ganun yun Pat." Umiling iling ako. Nasa gamang edad na ako para dun ngunit di ko maiwasan na matakot.
Alam ko kung anong magiging resulta baka pag nasaktan ako lalo lang lumala ang kondisyon ko. "May tamang oras naman para sa ganun sarry."
Umirap si sarry sa kawalan. "Kelan pa?"
Bahagya ko siyang kinurot. "Kayo ba ni marco, kelan mo ba sasabihin kay tita ang tungkol sa kanya. Ako ang piangdidiskitahan mo pero ikaw itong May boyfriend." Sumimangot lang siya. At pinagpatuloy na ang pagmamaneho.
"Seryoso ako patricia wag mong ibahin ang usapan." Saad nito. Ilang minuto pa ay nakadating na din kami sa mall.
Hanggang sa makapasok kami sa mall ay yun pa din ang tinatanong niya. "Baka tumanda ka na di ka pa nagboboyfriend." Hindi ko namang pinansin ang sinasabi ni sarry, baka sumakit lang ang ulobko sa kanya.
Natingin ako ng mga damit at nagsukat na din. Habang si sarry naman hindi tumigil sa kakasalita, hinanapan niya pa ako sa cellphone niya. "Kaklase ko to par, promise di ka niyan lolokohin." Tiningnan ko yun at hinampas ko siya ng mahina.
"Tigilan mo na ako Sarry huh, kilala ko yan." Sinungitan niyo na ako dahil dun, napailing na lang ako at nagtingin pa ng ibang gamit. "Samahan mo pala ako sarry magpaenroll bukas."
Hindi siya nagsalita, tiningnan ko pa at nakatitig lang sa cellphone niya habang nakangiti. "Si marco siguro yan." Pero di pa din niya ako pinansin. "Tatawagan ko talaga sina tita." Nung sinabi niya yun ay lumingon siya sakin.
"Sasamahan naman talaga kita." Napatawa ako dahil dun, ayaw na ayaw pa talag ipaalam kay tita ang tungkol sa kanila.
Naglakad pa kami ni sarry at sa paglalakad namin napukaw ng atensyon ko si Carlton na kasama yung babae na nagpunta sa unit. Hindi ko na lang yun pinansin ngunit di ko talaga maiwasang tumingin sa kinaroroonan nila. Naalala ko pa ang sinabi niya kaya pala matagal siyang mawawala siguro dahil na din sa sinasabi niyang childhood friend niya na si nathalie.
Naagaw ng atensyon ko ng may pinakita si Sarry na dress. "This dress, ito talaga ang hinahanap ko para sayo." Seriously? Maiksi ito at kung susuotin ko siguro ay lalabas ang cleavage ko, biniyayaan ako ng hindi naman gasinong kalaking hinaharap ngunit tama lang pero hindi naman ako kagaya ng ibang babae kung magsuot. "Malapit na ang birthday ko Pat, ito na lang suotin mo."
Ilang beses akong umiling at hindi sumang ayon sa gusto niya ngunit wala pa din akong nagawa dahil binili na niya.
Naglakad lakad ulit kami ni Sarry, busy ko sa kakatangin ng mga paninda habang naglalakad hanggang sa bigla kong nabundol ang isang babae. "Sorry miss." Tutulungan ko na sana siya ngunit may kilalang boses akong narinig. Hindi ako nagkakamali si Carlton ito. Tinawag niya ang pangalan ni nathalie dahil sa natumba ito mula sa pagkakabundol ko. Inaamin kong ako naman talaga ang may kasalanan.
"s**t!" Sigaw ni Nathalie. Agad lumapit si Carlton at inalalayan ito sa pag tayo.
"Sorry hindi ko sinasadya." Umirap lang sakin ang babae. Nagtagal ang tingin ko kay Carlton. Bakit pagkasama niya itong si Nathalie parang hindi niya ako kilala. Napatingin siya sa akin kaya naman agad akong umiwas ng tingin.
"Nathalie, siya si Patricia." Tumaas parehas ang kilay ko, nabigla ako dahil pinakilala niya ako. Mukha naman mataray ang babae at sa tingin ko hindi kami magkakasundo.
"So siya yung girl sa harap ng condo mo?"
"Sinong tinutukoy mo?" Biglang simingit si Sarry sa usapan.
"Siya. She's the girl who trying to seduce Carlton Del Rios." Napa-o ang bibig ni sarry at ako naman ay nanlaki ang mata dahil sa sinabi ng babae. Seduce? Hindi ko kailan man inakit si Carlton at hindi ko gawain yun.
Rinig ko ang bulong ni Carlton sa babae na umalis na lang sila. "Excuse me? Pakiulit ulit."
She rolled her eyes. Napakaganda sanang babae ngunit sobra naman arte at taray. "Nathalie, tama na yan. Let's go." Hinila na ni Carlton si Nathalie.
Tumingin ako kay sarry na mukhang inis din sa babae. "It's not my intention, siya lang ang lay akal na inaakit ko si Carlton." I said.
Siguro hindi na lang muna ako lalapit o makikipag usap kay Carlton, nagkakataon lang naman na nagkakapanagpo kami at hindi naman ako ang nalapit sa kanya. Oo tama ang desisyon ko, mas mabuti pang umiwas kaysa naman may magalit sa akin.
"Sino ba yun babae na yun, kung makaasta parang boyfriend ang kasama niya."
Nagkibit balikat ako. "Siguro boyfriend niya nga, childhood friend eh diba ganun naman talaga pag matagal ng magkasama."
Huminga ako ng malalim at pinag sa walang bahal na ang nangyare. Wala naman akong mapapala, dadagdag lang sila sa problema ko.
"Bakit parang nagseselos ka ata." Sa sinabi ni sarry, nataasan ko siya ng kilay.
"Wala naman akong karapatang magselos." At bakit ako magseselos huh? hindi ko naman gasinong kilala ang lalaki na yun. Siya lang ang may ari ng building pero kahit kelan hindi niya ako makukuha o mapagseselos man lang. Inaamin kong maganda siyang lalaki at ideal ng lahat ng babae pero mas pipiliin ko na lang umiwas kung gulo lang din naman ang dadalhin niya sa buhay ko.
"Come on Patricia, bakit mo ba iniisip yan. Ang lalaki na yan ay lalaki na kilala mo lang at wala ng iba hindi siya parte ng buhay mo, pinagluto ka lang nagkaganyan ka na."
....
#adobo?
#Carlton
A/N:
Araw araw mag uupdate para matapos agad. Support me please. Read. Vote.
Happy Reading ❤️