Kabanata 6

1683 Words
Kabanata 6 Surprise Sunday morning, maaga akong gumising dahil sa usapan namin ni dad. Nag aayos ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. -Unknown Number- I'm sorry about last night Ang hindi kilala numero ang nag mensahe sa akin, nagtataka naman ako. Iniisip ko na baka si Carlton dahil siya lang naman ang nakatagpo ko nung isang gabi ngunit paano naman niya nalaman ang number ko? Kaya napaka impossible, baka na wrong send lang ito. Hindi ko pinansin ang mensahe na yun I continue what I'm doing. Pagkatapos nun kinontak ko na ang driver ko na palabas na ako sa condo. Hindi na ako makapaghintay kung ano ang sasabihin sa akin nina tita, ilang araw ko din inisip yun. Ilang oras din ang binyahe bago makadating sa dati kong tirahan. Nakaabang na agad sina dad at tita sa may labas ng pintuan ng bahay, agad akong bumaba ng sasakyan at sinalubong sila ng yakap. Ramdam na ramdam ko ang galak nila. Napansin ko din na parang may celebration atang magaganap, unti unti din ang pagdatingan ng mga bisita. Humalik ako kay tita sa pisnge. "Ano pong meron?" She just giggled. I'm so curious, nung nakaraan ko pa talaga ito iniisip. "Just wait for announcement." Tita said. Sa pagkakatanda ko matagal pa naman ang birthday ni dad at tita mas lalong hindi ko naman birthday. I just wait kagaya ng sinabi ni tita. Lumipas pa ang minuto at nagpunta na sila sa gitna. "Hello everyone." Paninimula ni dad kaya naman pumukaw ito ng atensyon sa mga bisita. Hindi naman iba ang bisita siguro ay family celebration laang ito. "Since my dear daughter is here, I know that it is the right time to announce the surprise." Naghiyawan ang mga bisita, bakas sa kanila na gustong gusto talaga malaman. "Patricia." Pagtawag sa akin ni tita. "One time, sinabi mo samin ng dad mo na lilipat ka na ng condo para magkaroon kami ng space at bumuo ng sarili namin. You know what, sobrang naging sapat ka samin ng dad mo. Kahit ako, kahit na hindi kita anak pero alam mo yan. Kahit hindi tayo magkadugo sobrang magkalapit naman ang puso natin." Nagpahabag sa damdamin ko ang sinabi ni tita, baka din sa mga mata niya na naluluha na siya. Sobrang sarap sa pakiramdam na maipagmalaki sa harapan ng pamilya, ito yung impossible na magagawa sa akin ng tunay kong ina. "Sana maging masaya ka kase Patricia magiging ate ka na." Kasabay nun ang pagsabog ng comfetti. Nanlaki ang mata ko dahil dun, nung una hindi pa nag sink in sa utak ko ang sinabi ni tita ngunit ng lumapit siya sa akin at niyakap ako, napaluha ako hindi dahil sa lungkot kundi sa sobrang saya at galak ng nararamdaman ko ngayon. "I'm pregnant my dear." Umiiyak na si tita. Tinugon ko ang yakap niya, hindi ko naiwasang maging emosyonal, ito kase talaga ang gusto ko. "I'm so happy tita, sobrang saya ko sa inyo ni dad." Kumalas siya sa pagkakayakap ang tumingin sa akin, she wiped my tears. Bagay sa kanya ang maging ina, sobrang maalaga kung swerte ako kay tita sobrang swerte naman ng magiging anak nila. Tumatawa pa si tita habang umiiyak. "Sobrang nabigla din ang daddy mo, ilang araw ang lumipas nung lumipat ka sa condo napnsin niya na ang pagsusuka ko. Kaya naman pinacheck up niya na agad ako, akala ko pa nung una dahil sa pagkain pero baby na pala." "Congratulation tita." Tumingin ako kay dad, kita ko sa mukha niya ang pagkasaya. I touch tita's tummy. "Sana maging mabuting bata paglumabas." Mahinang tumawa si tita. Hindi niya mapigilang umiyak ako naman ay sobrang nadadala. Maraming bisita ang bumati kay tita at dad, lumipas pa ang oras hanggang sa gumabi. Natapos ang okasyon. "Dito ka na magpalipas ng gabi, Pat." Si dad. "Hindi ko inaalis ang gamit sa kwarto mo, paparenovate ko din yan sa isang araw." "Dad, I'm so happy for you." Nagagalak naman talaga ang puso ko, sobrang laki ng bahay at dapat lang na magkaroon sila ng anak ni tita. "Dapat Hindi lang isa dad, napakalaki ng bahay na ito kaya dapat damihan niyo." Napatawa ng mahina si dad. "By the way kamusta ka na pala? Hindi na ba nauulit sayo ang nangyare nung nakaraan buwan." Pag iiba niya ng usapan, kahit magkakaanak na si dad inaalala pa din niya ako. Malaki na ako at kaya ko na naman ang sarili ko, kung sasabihin ko sa kanya na nangyare ulit yun nung nakaraang araw lang baka hindi niya maasikaso si tita, delikado naman at buntis ito. "Dad, malaki na ako kaya ko naman ang sarili ko. Ang intindihin niyo si tita at ang magiging anak niyo. Wala namang nangyayareng masama sa akin. Hindi na din naman ako gasinong nananaginip at nag iisip. I'm okay dad." I lied, kasinungalingan lahat ng sinabi ko. Ang totoo sobrang takot ako kahit malaki na ako, pilit ko lang ang sarili ko na maging independent at dahil dun pakiramdam ko lalong lumala ang sitwasyon ko, kase mag isa ako parang mas lalong padilim ng padilim ang mundo na kinagagalawan ko. "Bakit narinig ko na naman ang pangalan ko." Singit ni tita. Agad naman siyang inalalayan ni dad, nabanggit sa akin ni tita na maselan daw ang pagbubuntis niya, mahina ang kapit ng bata at kung pababayaan may posibilidad na malaglag ito. Kaya kung sasabihin ko kay dad ang sitwasyon ko baka ako lang ang maging dahilan kung bakit sila mawawalan ng anak. "Sanya be careful, sabi ko naman sayo na mag ingat ka sa paglalakad." She chuckled. Nakakatuwa silang tingnan, inalalayan talag ni dad si tita hanggang sa makaupo ito. Naisip ko tuloy kung ganyan din ba siya kay mommy nung pinagbubuntis ako. "Sigurado kang okay ka lang? Tinutuloy mo pa din ba ang therapy mo?" Tumango ako dun. "Dad, tinutulungan ko na din ang sarili ko. Gigising ako umaga para mag exercise, I always eating fruit hindi ko din naman kinalilimutan na magpacheck up pa din para sa health ko. Kaya wag na kayong mag alala, kayo ni tita dahil okay lang naman ako." Sa sinabi kong iyon, nakumbinsi ko sina dad. "Wag mo kaming kalilimutang tawagan pag may kailangan ka ha." Si tita, she so genuine kaya nga sobrang malapit ang loob ko sa kanya. Simula bata pa lang ako, pinaparamdam niya na sakin na hindi ako mag isa, na kahit di ko siya tunay na ina nandiyan pa din siya at ituturing akong tunay na anak. "Of course tita. Kelan ba ako hindi nagsabi sa inyo." Tugon ko. "Basta wag niyo na akong isipin ni dad. Mag focus kayo sa magiging baby niyo at sa magiging kapatid ko." Hindi na humaba ang usapan namin, gabi na din at kailangan na ding magpahinga ni tita. Nagtungo na ako sa dati kong kwarto, tama nga si dad wala itong pinagbago, kung ano ang iniwanan ko ay yun din ang dinatnan ko. Malinis pa din ito at walang gabok kahit ilang araw ng walang natutulog. Humiga, napapikit sa sobrang sarap sa pakiramdam. Sa sobrang haba ng araw ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Humikab pa ako at di kalaunan ay nakatulog na din ako. Nagising ako dahil sa pakiramdamn na parang ang sikip. Pagmulat ko ng mata ko katabi ko na pala si dad at tita. Pinag gigitnaan pa nila ako, sa pagkakatanda ko kagabi ay nag iisa laang ako dito. Naramdamn ko ang pag galaw ni dad, gising na din ito. "Sobrang himbing ng tulog mo kagabi kaya di ka na namin ginising, nagrequest kasi ang tita mo na dito kami matulog." Pabulong niyang sabi dahil natutulog pa si tita. Buti na lang at malawak lawak ang kama ko kay nagkasya kaming tatlo. "Sobrang namiss ka na ng tita mo, walang araw na tinanong sa aking kung kelan ka uuwi." Napatingin ako kay tita na tulog pa din, mahal na mahal talaga ako ni tita. Parang pinararamdam niya sa akin ang mga bagay na hindi kayang gawin sa akin ng tunay kong ina. "Dad, I'm so curious. Ganyan ka din po ba nung pinagbubuntis ako ni mom?" Hindi ko na naiwasang itanong iyon. Ilang minuto din na tumahimik si dad, magsasalita na nga sana ako na huwag na lang pansinin ang tanong ko ngunit sinagot niya. "Of course, sobra ang pag aalaga ko kay emilia, kung hindi lang nagkaganun ang mommy mo siguro..." naputol ang sinasabi ni dad, akala ko dahil gising na si tita pero hindi pa naman. Siguro hindi niya lang kayang sabihin dahil baka marinig ni tita. "It's okay dad, wag mo na lang pansin. I'm justo curios kase gusto ko katulad niyo ang mapapangasawa ko. Maalaga at responsable" "Naging irresponsable ako Patricia, naging duwag din. Kaya wag mong hilingin ang mga bagay na iyan." Tumaas naman ang kilay ko. "Oo nga't naging irresponsable kayo pero lahat naman ng tao ay may karapatang magbago, tulad niyo. Sigurado ako dahil mahal na mahal niyo si tita." Naramdaman ko ang pag galaw ni tita kaya naman mas hininaan namin ni dad ang boses naming dalwa. Napatawa pa kami ng bigla na lang sumingit si tita sa usapan namin, nagising ata namin siya. Hindi pa umaga nung mga oras na yun, madaling araw pa at wala kaming ginawa kundi magkwentuhan. Ito talaga ang gusto kong mangyare, kahit papaano nabawasan ang mabigat na bagay na para bang pasan pasan ko sa aking sarali. Nagtawanan at nagkulitan hanggang sa mag umaga. Tuluyan na akong hindi dinalaw ng antok, si tita naman natulog pa din siguro ay dahil sa pagbubuntis nito. Nagising ito ngunit tinatamad namang kumilos kung hindi lang sabihin ni dad na aalis na ako hindi pa ito babangon. "Sobrang mamimiss kita patricia, sa susunod kami naman ang dadalaw ng dad mo." May ngiti sa labing sambit niya. Nagpaalam na ako sa kanila, nakita ko pang umiyak si tita. Normal lang siguro yun sa mga buntis, sumakay na ako sa sasakyan. Gusto pa nila akong ihatid ngunit tumanggi na ako, kaya ko na naman ang sarili ko dapat sanayin ko. ..... A/N: Thank you sa patuloy na pagsuporta. HAPPY READING ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD