"Huwag kang kiligin masyado riyan," inis na sabi sa akin ni Ania nang makita akong nakangiti habang nakatingin sa phone ko. Nakauwi na kami ngayon. Nandito na naman siya sa bahay. Pagdating ko ay nag-bake sila ni Mommy kaya may kinakain siya ngayon. "You don't want to go out? Outside this room," sabi ko na lang sa kaniya. Si Kuya Rence ay nasa sala na naman kasama ang aso niyang si Terry. Kaya rin hindi gusto ni Ania si Kuya Rence dahil sa aso niya. Takot kasi si Ania sa aso pero palagi namang pumupunta rito kahit na may aso kami. "Ano gagawin ko roon? What would I do there if you are here?" tanong niya kaya napailing na lang ako at tumayo. Nakapagbihis na ako. Si Louis naman ay nagluluto pa ng ulam niya. And I heard mukhang nandoon ang pinsan niya kasi narinig ko ang boses nito na kau

