"Oh? Anong nangyari sa 'yo?" tanong sa akin ni Ania. Mabilis akong napailing. Hindi ko namalayang nakababa na pala ako. May kinakain na naman si Ania kaya napailing na lang ako. Palagi na lang gutom ang isang ito. "Where are we going to? May ganap daw sa court mamaya," sabi ni Ania. Wala akong plano makipagsiksikan doon dahil alam ko namang maraming tao ang pupunta. Nang pababa nga ako ay narinig ko ang mga estudyanteng nag-uusap tungkol kay Louis. They are now admiring him. "Do you want to come there?" tanong ko sa kaniya. I don’t want to come there pero kung pupunta siya pupunta na rin ako. "Oo, may nakita akong gwapo na prof. Hindi iyong Louis mo," sabi niya kaya napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at walang masyadong tao rito. Siguro ay nakikipagsiksikan na ang mga iyon sa cou

