Chapter 5: Silence Means Yes, Right?

1800 Words
Nang makarating kami sa bahay nakita ko kaagad si Kuya Rence na kasama na naman si Terry. Palagi na lang talaga aso ang kasama niya. Hindi na iyan nabubuwag sa araw niya. "You didn't call me," sabi ni Kuya Rence nang makita ako. He looked at the woman behind me pero alam kong inikotan na naman ni Ania ng mata si Kuya Rence dahil seryoso na naman ang mga mata nitong tumingin sa akin. "May nilakad lang kasi kami sandali ni Ania. Kaya naman naming umuwi," sabi ko na lang. Ayaw ko lang talaga siyang tawagan dahil si Louis ang naghatid sa amin. Ayaw pa nitong pumayag na sa guard house lang kasi gusto niya pang pumasok sa village at baka kung ano pa raw ang mangyari sa amin. "I will just cook dinner. Any request?" tanong niya sa amin. Nagpapalambing na naman si Terry kaya sinusuklayan niya ang mahahabang buhok nito. Nilingon ko si Ania, sabi niya ay rito siya matutulog kaya malamang ay dito rin siya kakain. "Anything you want?" tanong ko sa kaniya. Kilalang-kilala naman ng pamilya ko si Ania kaya lang ay ayaw niyang kumausap kay Kuya Rence kaya kailangan kong mag-adjust para sa dalawa. "I want steak, pero pwede namang kahit ano na lang," sagot niya sa tanong ko. Tumingin ako kay Kuya Rence at nakita kong tumango ito bago umalis. Sumunod naman sa kaniya si Terry. Kumakain naman kasi ako kahit ano. Hindi ako mapili sa pagkain kaya lang ay allergy ako sa shrimp kaya iyan lang ang bawal sa akin. The rest is okay na pero ayaw akong pakainin ni Mommy ng mga seafood baka raw may allergy ako sa mga seafood. "Wala pa rin bang girlfriend iyang Kuya mo?" tanong ni Ania nang makapasok na kami sa loob ng kwarto ko. Nagkibit balikat lang ako sa kaniya. I don’t really know kasi hindi naman iyan nagkukwento tungkol sa love life niya. "May tumatawag," tamad na sabi ni Ania. Agad siyang dumapa sa kama ko. Hindi man lang nag-abalang tanggalin ang sapatos niya. Mabuti na lang at hindi niya iyon nilagay sa kama. Ako na ang naghubad ng sapatos niya. Padabog kong hinila iyon sa paa niya. Ganito minsan kapag nandito si Ania. Tamad kasi ang babaeng ito eh. Palibhasa ay madaming tagapagsunod sa bahay nila. Mommy won't hire a maid for each of us. Sabi niya ay matanda na kami kaya nasa amin na raw kung paano maglinis ng kwarto namin. We do cleaning sa isa't isa naming room but once a month may cleaner namang naglilinis talaga ng buong bahay. "Bakit? Mag-aapply ka?" pabiro kong tanong. She knows my obsession with her and my brother. Alam niya naman ang kahibangan ko kaya lang ay kahibangan daw iyon lalo na at hindi niya gusto ang kuya ko. "Sagutin mo na nga lang iyang tawag. Kanina pa iyan," irap nito sa akin at tumalikod na. Nakadapa pa rin naman siya. Hindi nga pala siya nagdala ng damit kaya malamang ay manghihiram na naman siya. Ang tanging gamit niya na nandito sa akin ay mga underwear niya lang. Bumili siya ng sangkatutak na underwear para raw kapag pumupunta siya rito ay damit na lang ang hihiramin niya. Pumasok ako sa banyo at doon na sinagot ang tawag. Maghihilamos lang muna ako. Mamaya na ako maliligo pagkatapos kumain. My looks so cold but once you stare at them makikita mo naman ang mga mapupungay kong mga mata. "Yes?" bungad ko. I am still looking at myself in front of the mirror. Wala pa rin namang nagbago sa mukha ko. Medyo pumayat lang ako ngayon. Kagagaling ko lang kasi sa sakit. Sakitin ako kaya medyo over protective talaga sa akin si Kuya Rence. Minsan nga ay sinasamahan niya akong matulog sa kwarto ko kapag trip niya. Pero kapag may kasama naman ako ay hindi siya pumapasok dito. "I was dead worried. Nakauwi na ba kayo ng ligtas?" mabilis na tanong ni Louis. I can hear him gasping for air. Ganiyan ba siya kabahan? At bakit naman siya kakabahan e wala namang magtatangka rito sa loob. Maayos naman niya kaming naiuwi. "You don't have to worry po. Maayos naman kami at nasa kwarto na kami," sabi ko. I heard him cursed silently 0ero rinig ko naman kaya kumunot ang noo ko. Is he cursing me? "Minumura mo ba ako?" tanong ko. Nakita ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nakakunot ang noo kaya inayos ko iyon. As my forehead creased kita ko na ang mga mata ko na medyo mapupungay na. Inaantok na rin kasi ako. Ang tagal ng biyahe namin at hindi pa ako nakapagpahinga dahil dumiretso ako sa mall. Ngayon naman mukhang hindi ako maagang makakatulog kasi nandito si Ania. Madami pa naman itong kalokohan na maiisip kapag kami lang. Baka mamaya ay mag-aaya na naman itong uminom. "No, I'm not. Minamahal lang kita," sabi nito. Kita ko ang pag-ikot ng mata ko sa harap ng salamin sa sinabi niya. Nandito na naman tayo sa mga banat niya. Pero hindi ko naman maitatanggi na iba ang hatid ng mga banat niya sa akin. Iba ang nararamdaman ng puso ko sa pinapalabas ng katawan ko. My expression says otherwise. "Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kaniya kasi parang hindi ko napansin na mukha siyang may trabaho. Simple lang kasi siya manamit at hindi mo mahahalata kung ano ang trabaho niya. Kung titingnan mo ay parang modelo siya pero hindi ko naman siya nakikita. Minsan ay nagmomodel din kasi ako pero minsan lang kasi ayaw ni Kuya Rence. May pera naman daw kami, hindi naman namin kailangan ng pera pa. It was just a passion though. Kasi gusto kong makita ang gusto kong mga pose ng mga gusto kong kunan. Mas gusto ko talagang kumuha ng litrato. I like to capture memories. Whether it is good or bad. "Kung papayag ka, meron. Kung papayag kang mag-work tayong dalawa." Napangiti ako sa sinabi niya. While talking to him. Kitang kita ko sa harapan ng salamin ang hitsurang hindi ko pa nakikita sa mga lalaking nakasama at nakausap ko noon. What is this? Bakit parang may kakaibang dating ang lalaking ito sa akin? Pinikit ko ang mata ko kaya lang ay nakangiting mukha ni Louis ang nakikita ko kaya mabilis akong napamulat. "Why are you so silent? Pumapayag ka na ba? Silence means yes, right?" sabi nito. Ang galing din ng isang ito eh. Binaba ko muna ang phone ko sa gilid at naghilamos nang mabilisan. Tumahimik naman siya. Siguro ay narinig niya kung ano ang ginagawa ko. Pagkatapos kong maghilamos ay pinunasan ko na ang mukha ko. Rinig ko na sa labas ang mingay na sound ni Ania. Pinakialaman na naman nito ang mga gamit ko. I used to play drum. Kaya lang ay tinamad na kaya hindi ko na iyon nagagamit pero hindi ko naman iyon inalis sa kwarto ko dahil gusto ni Ania iyon. She said to just put it there kasi iyon ang pinakamagandang gamit daw sa kwarto ko. Ania is spoiled but her parents don't want Ania to play instruments. Mas gusto nilang kumanta lang si Ania. Ania has an undeniably angelic voice. Ang ganda ng boses niya. Kaya lang ay ayaw niyang kumakanta. She wants to keep to herself. Minsan mo lang iyan maririnig na kumakanta pero kapag nandito siya sa kwarto ko ay palagi naman siyang kumakanta. Sometimes I would capture her singing and lahat ng kuha ko ay perfect. "Know that song?" tanong ni Louis. Muntik ko ng makalimutan na kausap ko nga pala siya. In-off ko ang loudspeaker at tinapat ko ang phone ko sa tenga ko. "Yes, why?" tanong ko. Of course, rinig ko naman kung ano ang kinanta ni Ania at alam ko naman kung anong kanta iyan dahil iyan lang naman ang palagi niyang kinakanta kapag gusto may naiisip siyang tao sa utak niya. "Years later, you will hear it again. With you walking down the aisle and me waiting for you," he said dreamily kaya imbes na mag-isip ng kung ano ay napangiti na lang ako sa kaniya. "Are you sure?" paghahamon ko. I heard him chuckle at me. "Nanghahamon ka yata? Don't you know my words are powerful?" "No," sagot ko naman sa kaniya. Paano ko naman malalaman. Ilang araw pa lang naman kaming magkakilala at pangalawang beses nga lang kaming nagkita. Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ng lalaking ito. "Now you know," sabi niya. Akala ko ay dudugtungan niya pa ng mga banat niya pero natahimik na ito kaya lumabas na ako ng banyo. And there I saw Ania beating the stick to the drums. She knows how to play because of me. She mastered guitar. Her parents doesn't know, of course. "Alam ko namang maganda ako," sabi ko. I heard him chuckle again. Ang ganda pakinggan kapag tumatawa siya. It is a melody to my ears. Ang sarap ulit-ulitin. Kaya mas nilapit ko pa ang phone ko sa tenga ko. I don't know though if he is really talking to me seriously. Parang kasing pinaglalaruan lang ako ng lalaking ito kasi panay ang tawa niya kahit minsan ay hindi naman nakakatawa ang sinasabi ko. "Yeah. That's why you captured my heart. Can I capture your heart too?" I can feel my face heating up, again. Kita kong lumingon sa akin si Ania at nang makita niya ang hitsura ko ay mahina siyang natawa. Syempre sasabihin na naman niya kay Kuya Dave na may lalaki akong kausap. Kuya Dave promised to Ania na kapag may isinusumbong si Ania na lalaki kay Kuya Dave ay bibigyan niya ng lalaki si Ania in exchange. Kuya Dave has a big circle of friends kaya napapayag niya si Ania. Mabuti na lang talaga at hindi close si Kuya Rence at Ania kasi baka ano na ang nasabi niya kay Kuya Rence ngayon. Kuya Dave is calm when it comes to my boys pero ramdam mo pa rin naman ang pagiging Kuya niya. Si Kuya Rence kasi tatay na eh. Hindi na kuya ang mga galaw niya. "Huwag baka makulong ka," sabi ko naman. I know how to go with the flow kapag ganitong mga usapan. Hindi na niya mapigilan ang tawa niya. Mukhang nasa isang secluded na kwarto siya kasi nag-eecho ang boses niya. "Damn. Didn't know you are good at this, parang ako pa ang matatameme sa mga banat mo," sabi nito. "I am good at anything," sagot ko naman bago pinatay ang tawag nang ma-realized na parang may mali sa sinabi ko. I am good at anything? Does that include se--. Hindi ko na natuloy ang naisip ko nang may tumama na bagay sa mukha ko. Sinamaan ko ng tingin si Ania. Ang teddy bear ko pa ang tinapon niya sa mukha ko. "Landi mo rin eh no?" sabi nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD