Chapter 4: Mahigpit Kuya Niya

1610 Words
"You don't like crowds?" tanong nito nang tumigil na kami. Marami pa rin namang mga tao pero hindi naman sila tumitingin sa amin. Kaya lumingon ako sa kaniya. May mga tao kasing nakatingin sa amin kanina at nahihiya ako dahil kanina pa siya salita nang salita ng mga kasweetan. Hindi naman sa ikinakahiya ko siya pero ayaw ko lang mapagkamalan kaming magjowa. "Hindi naman," sagot ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang sinabi ko pa naman kay Kuya Rence na bibili ako ng regalo kay Daddy pero nakalimutan ko nga palang magdala ng pera. "I will just my friend, pupunta kasi siya rito," paalam ko sa kaniya. He nodded at siya na ang lumayo nang kaunti kaya napangiti ako. Nakailang ring pa ako bago sagutin ni Ania ang tawag ko. "Bilisan mo na," sabi ko kaagad. Alam ko namang nandoon lang siya sa bahay nila. Hindi naman ito kalayuan sa bahay nila kaya alam kong mabilis lang siyang makakarating dito. Hindi rin gaanong traffic kaya wala siyang rason para magtagal. "Ready na nga ako kanina pa, hinintay ko na lang tawag mo," sagot naman nito sa akin. Pinatay ko na ang tawag at sinend sa kaniya ang address. "Okay ka lang?" tanong ko nang makitang natulala si Louis. Winagayway ko pa ang kamay ko sa harapan niya bago siya bumalik sa reyalidad. Umayos ito ng tayo at ngumiti sa akin. Then he looked away. "How can she be so beautiful? Fvck!" bulong nito sa sarili pero hindi ko maintindihan kasi mahina lang ang pagkakasabi niya. Hinintay ko na lang na dumating si Ania. "Wala kang bibilhin? Sasamahan kita," sabi nito. Magsasalita na sana ako nang dagdagan niya ang sinabi niya. "Hanggang sa pagtanda," dagdag nito kaya biglang uminit ang mukha ko. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Mahilig bumanat? Si Kuya Dave ay playboy naman pero hindi naman siya bumabanat. Nakukuha niya lang ang mga babae niya sa ngiti niya. Minsan nga kahit wala siyang ginagawa ay nagsisiliparan na ang mga babae sa kaniya. Pero ang isang ito parang hindi nauubusan ng banat. "Sir!" may tumawag sa kaniyang isang babae. Nilingon niya lang ito at tumango. Hindi ako masyadong nakita nang babae dahil medyo naharangan ang mukha ko ng katawan ni Louis. His body is perfect. Ang ganda ng katawan niya. I know he worked hard to get this tone of body dahil gan'un din naman sila Kuya. He is fit kahit na may suot siyang damit ay iyon ang mahahalata mo or ako lang ang nakahalata dahil parang kanina ko pa siya tinititigan. Tatanungin ko sana siya kung sino babaeng iyon pero tinikom ko na lang ang bibig ko. I am not in the position to ask anything about him. Oo nga at gusto niyang makilala ako at gan'un din ako sa kaniya but his girls are not included. "I am almost mad at you, kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo," sabi ng nasa likuran ko. Agad akong lumingon doon at nakita ko ang mukha ng kaibigan ko na inis na nakatingin sa akin. Agad kong kinapa ang phone ko sa bag ko pero pinigilan niya ako. "Nandito na ako, don't bother to look at your phone," sabi nito at tumingin sa lalaking kasama ko. She looked at me then tumingin ulit siya kay Louis. "Kaya naman pala," sabi lang nito. Nilahad niya ang kamay niya kay Louis, "Hi! I am Ania. May kapatid ka ba?" tanong agad nito. Kita ko kung paano tumaas ang gilid ng labi ni Louis sa tanong ni Ania. Tinanggap niya ang kamay ni Ania pero agad ding binitawan at ngumiti sa akin. "JL and no, I don't have a siblings. Just a bunch of cousins," sabi naman niya. Kita ko kung paano umiling si Ania sa naging sagot ni Louis kaya natawa na lang ako. Itong babaeng 'to talaga. Hindi nagpapahinga, palagi na lang naghahanap ng sakit ng ulo. Katatapos niya pa nga lang kay Greg tapos ngayon naghahanap na naman ng unggoy. "May kapatid akong lalaki," singit ko. Kita ko kung paano umikot ang mata ni Ania sa sinabi ko. I can't help but laugh at her reaction. She really dislike my brothers. Iyong isa tahimik daw tapos iyong isa sobrang daming babae naman. "Don't laugh like that, tingnan mo iyang si JL, natulala na sa kagandahan mo," masungit na sabi ni Ania kaya agad akong tumigil. I saw Louis wink at me. Hindi naman ako nahiya sa naging pagtawa ko kanina. I will order online na lang. I can't decide on what to give dad on his birthday. Nasa kaniya naman na lahat and he doesn't want to spend money on some things na hindi niya magagamit. Maybe a tie? Nilingon ko ang paligid at nang makakita ng isang botique ay agad akong naglakad papunta roon. Natigil lang nang may humawak sa kamay ko. "Where are you going?" tanong ni Louis sa akin. Tinuro ko ang store gamit ang kabilang kamay ko. He nodded at me them let go of my hand. Naningkit ang mga mata ni Ania habang nakatingin sa amin. Wala siyang sinabi sa gilid pero alam kong nagmamasid lang siya. Sumunod ang dalawa sa akin. Nang makapasok ay agad akong pumunta kung nasaan ang mga tie. Hindi ako nahirapang pumili kasi sanay na ako sa ganito. Kuya Rence is more on a formal attire. Kaya ito lagi ang binibigay kong regalo sa kaniya. Minsan nga ay natatawa na lang ako sa sarili ko kapag sumasapit na ang birthday niya. Palaging tie kasi ang naibibigay ko. Halos lahat ng tie na ginagamit niya ay galing sa akin. "Birthday nga pala ni Tito bukas. Sleepover na lang ako," sabi ni Ania. Palagi naman siyang natutulog sa bahay. "Tawagan ko na lang muna si Mommy," paalam niya sa akin. Nang umalis si Ania sa tabi ko ay lumapit naman si Louis. Agad na lumipat ang tingin ng sales lady sa katabi ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kanina pa siya kasi palingon-lingon sa likuran ko. At ngayong nasa tabi ko na si Louis ay hindi na pasulyap-sulyap ang ginawa niya dahil titig na titig na ito. Ang gwapo rin kasi ng lalaking kasama ko kaya hindi na ako magtataka kung may magpapapicture sa kaniya mamaya. Pinabalot ko ang pinabili ko. Hindi ko na lang pinalagyan ng letter kasi gusto ko ako na ang magsusulat. "Thanks for buying, Sir. Please come again," sabi ng sales lady kay Louis dahil siya ang kumuha ng pinamili ko. Bulag ba siya? Ako ang nagbayad at bumili, bakit si Louis ang sinabihan niya? Hindi na lang ako umimik at lumabas na. Nasa labas si Ania busy sa paghahanap ng mga lalaki. "Akala ko ba tatawagan mo mommy mo?" bungad na tanong ko rito. Tumango naman siya kahit hindi ako nililingon. Nasa mga taong dumadaan pa rin ang mata niya. "Tapos na, may naalala lang kasi ako. Parang pamilyar iyang lalaking kasama mo. Hindi ko lang alam kung saan at kailan ko siya nakita," sabi niya. Hindi pa naman lumalabas si Louis. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ania. Nagkita na sila? Pero hindi naman iyon nakakapagtataka dahil hindi naman malabo na hindi kilala si Louis. Sa gwapo ba naman niyang iyan malamang sa malamang ay ginawan na siya ng fansclub ng mga naka-fling niya. "What do you think of him?" tanong ni Ania. Lumingon ako kay Louis na busy kakatingin sa mga display sa loob. Hindi pa rin ito lumalabas. Binalik ko ang tingin ko kay Ania. Ano ba tingin ko kay Louis maliban sa babaero siya? "Tao?" sagot ko dahil wala akong ibang maisip. "Don't state the obvious naman, what do you think he is. Ano ang trabaho niya gan'un," sabi niya. Napangiti na lang ako sa kaniya dahil mukhang stress ito sa naging sagot ko. Wala naman talaga akong maisip maliban na lang sa mukha siyang model. "Bahala ka nga riyan," sabi nito sa akin. Hindi nagtagal ay lumabas na si Louis. Kumunot ang noo ko nang may makitang isang box na nakabalot. Hindi naman ako bumili nito. "What's this?" kunot noong tanong ko habang nakahawak sa regalo ko. Kukunin ko na sana kaya lang ay nilayo niya ito sa akin. "Let me hold this. And this is my gift to your dad," sabi niya. His gift? Bakit naman niya bibigyan ng gift si daddy? Hindi naman niya iyon kilala. Baka asarin pa ako ni daddy kapag nalaman niyang may kaibigan akong lalaki. "What for?" tanong ko. "For his birthday, I think? And, for giving a chance na makilala ko ang pinakamagandang anak niya," sabi nito. Pasimple akong sinundot ni Ania. Tumikhim din siya kaya lumingon ako. "Siya lang naman ang magandang anak kasi siya lang naman ang nag-iisang babae," singit ni Ania. Kita ko kung paano nanlaki ang mata ni Louis sa sinabi ni Ania. "Mahirap kunin ano?" dagdag ni Ania. I know what she meant by that. Mahirap kunin kasi nga strict ang parents. Hindi naman masyadong strict ang parents ko. Si Kuya Rence siguro, oo. "Mas mahigpit kuya niya," bulong ni Ania kay Louis pero rinig ko naman. Hinila ko si Ania palayo kay Louis kasi parang tinatakot naman niya ito. "Parang tigre iyon at hindi talaga marunong ngumiti. Baka kapag nagkita kayo sapak ang sasalubong sa 'yo," dagdag ni Ania. Lumingon ako kay Louis. Hindi ko naman siya nakitaan ng takot sa sinabi ni Ania. At bakit ko naman iniisip ang emosyon niya? Hindi ko naman siya gusto. "I am sure they will like me," kampanteng sagot ni Louis kaya lumapit si Ania rito para tapikin ang balikat ni Louis. "That's the spirit, man. Ipaglaban mo itong magandang binibining ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD