Tahimik si Jenza habang papunta sila sa hospital. Binabagabag siya ng isipin na nagtagpo ang landas nila ni Zeon. Hindi man siya nito kinompronta at nginisihan lang siya bago siya nilagpasan, ay alam niyang darating ang araw na muli silang maghaharap nito. She knows him. Tahimik ito, kalmado at nakamaskara. At alam niyang mas mapanganib kapag ganong klaseng tao. “Nasa bahay ba si Charles?” tanong ni Aling Erma sa kanila na nakapagpabalik ng diwa niya sa kasalukuyan. Nakita niyang umiling si Cale. “Hindi siya umuwi doon. I think he check in some hotels. Gusto niyo ba hanapin ko siya?” Napabuntong-hininga si Aling Erma bago ito umiling. “Hindi na Cale, salamat. Pero sa tingin ko, umalis na siya ng isla. Ayaw niya kasi kaming makita. Nagpapasalamat na lang kami dahil kahit papano ay nagp

