Alas-onse na nang gabi nang pansamantalang umuwi sila ni Cale sa bahay na tinutuluyan upang magbihis. Naiwan ang mag-asawa kasama ang mga bantay na pulis sa hospital. Ayaw sana nilang umuwi ni Cale dahil bukod sa hindi na muling bumalik pa si Charles matapos nitong magwalk-out ay walang mag-aasikaso sa mga ito. Ngunit nagpilit si Mang Pedring at pumayag na rin sila ng sabihin nito sa kanilang gusto nitong mapag-isa muna at gustong maka-usap ng sarilinan ang asawa na nagising na kaninang umaga. Umingit ang pinto ng bahay nang sandaling binuksan iyon ni Cale. Inaasahan niyang magulo ang loob ng bahay dahil niloob din daw iyon at hindi nila na-asikaso no’ng mga nakaraan. But when she steps inside, nabigla pa siya nang makitang malinis na iyon at maayos na nakasalansan ang mga gamit na para

