Ang plano niyang pag-alis sa isla ay hindi na niya itinuloy. Naisip niya kasing kung galing sa Sigma si Mr. Argonedo, wala itong pakialam sa sistema ng pamamalakad ng Funtellion Mafia. Sigma needs the Mafia to illiminate the good for nothing parasites in this world. Hanggang doon lang ‘yon at wala ng iba. At alam niyang hindi rin papayag ang mafia kung sakali man makialam ang legal na organisasyon na iyon sa mga tauhan nito.
Kaya naman, nagpatuloy ang buhay niya sa isla at kung may nagbago man ay iyon ang pakikitungo niya kay Cale. They started fighting each other, then they have a truce and now, they avoiding—no, she’s avoiding him.
Pasilip silip siya sa kusina para malaman kung naroroon ba ito. Nang hindi niya ito nakita sa harap ng kalan ay nakahinga siya ng maluwag at saka dumiretso sa harap ng refregirator. Subalit, muntik na siyang mapahiyaw nang makita niya ang pigura ni Cale na nakasandig sa pader na malapit sa ref, nakahalukipkip at halatang hindi maganda ang gising.
“Are you avoiding me?” tanong nito sa kanya habang matiim ang tingin nito.
“Hindi, ah,” pagsisinungalin niya at normal ang galaw na binuksan ang ref na parang may hinahanap. May hinahanap talaga siya, hindi niya lang matandaan kung ano dahil sa biglaang pagsulpot ni Cale. Nakakataranta ang presensya nito.
“But it looks like you did.”
“You’re just imagining things,” tanggi niya ulit at muling pinasadahan ng tingin ang buong laman ng refregirator. Hindi niya talaga matandaan kung ano ang kukunin niya. Hindi rin rumerehistro sa utak niya ang kung ano ang mga nandoon. And that is because of Cale.
Hindi niya alam kung kailan at paano nagsimula. Nagising na lang siya isang araw na bumibilis ang t***k ng puso niya sa tuwing nakikita ito. At hindi nakakatulong ang pagiging mabait, malambing at clingy ni Cale.
Napa-usod siya palayo sa ref nang hilahin siya ni Cale at ito ang pumalit sa pwesto niya. “Anong hinahanap mo rito?” Nainip na yata ito sa pagtatambay niya sa harap ng predgyeder.
“Ano…” napangiwi siya, “Ano… nakalimutan ko.”
The side of Cale’s lips tugged up at amuse na tiningnan siya. “Are you sure that you’re awake now?” nakuha pa nitong bigyan ng mahinang katok sa kanyang noo.
Nakasimangot na tiningnan niya ito. “Maglalakad ba ako rito at makakausap mo ako, kung tulog pa ako?”
He shrugged his shoulder. “Who knows if you’re sleep walking. Ang weird mo pa naman minsan.”
Hindi na niya ito sinagot bagkus ay binigyan niya lang ito ng matinding irap at saka naglakad papunta sa pintuan ng kusina.
“I’m going now,” aniya.
“You’re not going to eat breakfast?” Nasa kamay nito ang pack ng ham at bacon na mukhang iluluto nito.
Umiling siya bilang sagot. “Now, I am really convinced that you’re avoiding me.”
“Hindi nga.”
Nagtaas lang ng kilay si Cale na wari ba ay hinahamon siya na patunayan ang kanyang pagtanggi. At dahil ayaw niyang malaman nito ang tunay niyang nararamdaman ay pumihit siya at agad na umupo sa harap ng mesa.
Si Cale naman ay nangingiting humarap sa kalan at nagsimulang lutuin ang mga pagkain. He’s been like this for weeks. Ito ang halos gumagalaw sa loob ng bahay. Nagluluto, naglilinis at kulang na lang ay pati mga damit niya, labhan nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari rito, but since the day after in Mirabeles Resort, Cale spoiled her through out.
Ilang sandali pa ay inilapag na nito ang nakakagutom na almusal. A crisp bacon and ham together with bread and coffee and cream. Ininit rin nito ang tira nilang dinner kagabi na mushroom carbonara. Akmang kukuha na sana siya nang pagkain nang lumapit sa kanya si Cale.
Napatingala siya rito nang ipatong nito ang kanang kamay sa mesa habang ang isa naman ay sa inuupuan niya, cornering her on her seat.
Awtomatikong nagrigodon ang kanyang dibdib nang magtama ang kanilang mga mata. At napalunok siya nang yumuko ito, making their faces closer to each other.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kubyertos nang mas lumapit pa ang mukha nito sa mukha niya habang nakatingin ito sa kanyang mga labi. Ngunit kagaya nang mga nakaraang araw, dumapo lamang ang labi nito sa tungki ng kanyang ilong bago masuyong pinatakan ng halik ang kanyang sentido.
“Let’s eat,” yaya nito na parang hindi big deal dito ang ginawa.
Tumikhim lang siya upang mai-alis sa isipan ang hindi niya maipaliwanag na nararamdaman. Gusto niyang mailang sa ginagawa nito but she feels comfortable everytime he did an effort, and sweet gestures towards her.
Nang matapos makapag-agahan ay sabay silang naglakad ni Cale papunta sa unibersidad. She’s wearing her usual simple jeans and designed t-shirt dahil wala naman required uniform ang Molave State University. Habang si Cale naman ay naka trouser and a white long sleeve. A typical outfit of a university instructor.
Ngunit kahit simplelang ang porma nito ay hindi niya maitatanggi na hakot atensyon ito lalo na sa mga kaeskwela niya. Cale claims as hottest teacher in University. Halos lahat ng mga estudyante sa paaralan ay may crush dito. Kaya naman, ay hindi na siya nagtaka nang makatanggap siya ng katakot takot na irap at parinig nang kumalat ang tsismis na boyfriend niya si Cale at nagsasama sila sa loob ng iisang bahay.
Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi pa siya ipinapatawag ng guidance councilor o ng University President man tungkol doon. Ang alam niya ay pinagbabawal ang teacher-student relationship. Hindi naman sa sinasabi niya na totoo nga ang tsismis, nagtataka lang talaga siya.
Nang makarating sila sa tapat ng malaking gate ng university ay pasimple siyang humiwalay kay Cale. Hindi naman na ito nagtaka o nagtanong man tungkol do’n dahil iyon rin ang gawi niya nitong mga nakaraang araw.
“Iniiwasan mo ba si Sir?” tanong sa kanya ni Maude nang naglu-lunch sila sa garden ng Unibersidad.
“Nope,” again, she lied.
Naningkit ang mga mata ni Chelary and poke her right cheek using her own finger. “Talaga? Eh, bakit mo kami hinila na lang basta rito nang papunta tayo sa cafeteria?”
“Nagbago ang isip ko.”
Sabay na ngumuso ang dalawa, halatang hindi naniniwala sa palusot niya. “Sinungalin ka. Nakita mo lang si Sir sa pinto ng cafeteria, lumiko ka agad.”
“Whatever floats your boat,” kibit-balikat niya.
“May LQ kayo ni Sir?” Si Maude na nagiging tsismosa na rin nitong mga nakaraan.
“Anong LQ?” kunot noo niyang tanong.
“LQ. Lovers Quarrel.”
“We’re not lovers,” tanggi niya.
“Boyfriend mo siya,” Chelary pointed out while her forehead is creasing na para bang pinapa-intindi nito iyon sa kanya.
“He’s not.” Na-ikot niya ang kanyang mga mata. Hindi na muling nagsalita pa ang dalawa tungkol doon at iniba na lamang ang usapan. Habang siya naman ay ipinagpatuloy ang pagkain at nagplano kung paano niya tatapusin ang sandamakmak na requirements sa kanila ng kanilang mga professor.
Malapit na kasing magtapos ang first semester at kailangan niyang makapag accomplish ng mga iyon upang makapag enroll siya sa susunod na semester. Her life in this island is doing good so far. She decided to spend her days here with good memories.
She’s exhausted at the end of the day. Pasado alas-syete na rin ng gabi nang lumabas siya ng unibersidad. Naglagi kasi siya sa library upang gawin ang mga requirements. Good thing is that, hindi naman siya nag-iisa na nagkukumahog na makagawa. Kasama niya ang ilang estudyante na scholar ng unibersidad. Which includes Maude na tinatanaw niya ngayon ang papalayong traysikel na sinakyan nito.
Ini-stretch niya ang kanyang katawan at napahikab habang naglalakad siya sa papunta sa bahay na tinutuluyan niya. Gusto na niyang humiga sa kanyang kama, ngunit bago iyon, kailangan niya munang pakainin ang nag-aalburuto niyang tiyan.
‘I wish Cale cooks something good,’ she wished silently. Ang ganda lang sa pakiramdam na pag-uwi niya ay may nakahanda ng pagkain. She never felt this way before. Kahit ba masyado siyang alaga ng mga katulong sa mansion, wala siyang nararamdaman kasayahan ng mga panahon na iyon.
‘But you’re avoiding him, remember?’ susog sa kanya ng likod na bahagi ng utak niya. Napangiwi siya dahil doon at ipinilig ang ulo.
Her plan changed. Kapag nasa kusina si Cale o kaya sa living room ay tutuloy na talaga siya sa kanyang kuwarto at matutulog, magdadahilan na pagod siya. Pero kung wala, lalantakan niya ang kung anumang pagkain na nasa kusina. Kosehadong hindi pa kumakain si Cale.
She giggles like crazy on her diabolical plan. But her giggles vanished when she saw Cale in front of Aling Erma’s house. On his jeans and leather jacket while leaning on his sports bike. At kung hindi siya nagkakamali, BMW S1000RR ang brand ng motor nito which cost millions.
Ngunit hindi na niya nakuha pang magtaka kung saan nito nakuha ang sasakyan na iyon nagtama ang mata nilang dalawa at nabistahan niya ang kabuoan nito. He is dangerously gorgeous on his disheveled hair. Na para bang sadya iyong ginulo upang makadagdag s*x appeal sa awra nito.
Cale looks like a badboy, a gorgeous villain in one of those new adult stories na sa halip katakutan ang karakter nito, ay nakuha nito ang atensyon ng female lead at tinitilian ng mga mambabasa.
Sa tanang buhay niya, pinangarap niyang magkagusto sa prinsipe, ‘yong tipong clean cut hair, malinis sa sarili, may prinsipyo, magalang, mabait, maalalahanin…in short, what she wants is a prince charming. Not a villain.
Kaya naiinis siya sa sarili dahil kulang na lang ay ngumanga siya sa harap ni Cale at buong gabi itong pasadahan ng tingin.
“Hop in,” untag nito at bahagya pang ikiniling ang ulo. And that gesture just increases the spell on her. Mas lalo siyang natulala dito. At kung hindi pa siya nito hinawakan sa balikat ay hindi pa siya magigising sa katangahan niya.
“Are you fine?”
“Oo!” napalakas ang boses niyang sabi sabay malakas na tinabig ang kamay nito. “Matutulog na ako,” dahilan niya at saka nilagpasan ito.
“But you haven’t eaten dinner yet.” Hinawakan siya nito sa kamay at muling pinaharap dito. At dahil nasa ilalim sila ng isang poste ng street light ay mas nakadagdag ang against the light nitong pigura sa karisma nito.
He looks like a villain but he’s sexy and dashingly gorgeous villain.
“I planned to unwind—”
“Ayaw ko sa villain!” sigaw niya dahilan para maputol ang sinasabi nito. Halos masampal niya ang sariling bibig dahil sa sinabi.
“What?” Cale had this expression na hindi alam kung magtataka o maa-amuse sa sinabi niya.
Pinamulahan siya. “Wala.” Tarantang binawi niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito at tumakbo patungo sa loob ng bahay habang tinadtad ng mura sa isip ang sarili.
‘Your stupidy strikes agin, Weinstein! Filter your d*mn f*cking mouth you, b*tch!’
Aakyat na sana siya sa hagdanan patungo sa kanyang kuwarto nang bigla na lang umangat sa ere ang kanyang mga paa. She was even more shocked when Cale lift her up and put her on his shoulder and carry her like a sack.
Hindi agad rumehistro sa utak niya ang ginawa nito but when she realized what this bastard just did, she screams at the top of her lungs and kick the h*ll out of him.
But Cale blocked her attacked at dahil nakaharap siya sa likod nito at nakalaylay ang kanyang mga kamay, ay hindi niya maabot ang buhok nito para sabunutan.
And to her horror, Cale slapped her butt to shut her mouth up. Pakiramdam niya ay nagsitaasan ang mga dugo sa kanyang pisngi dahil sa labis na pamumula niyon.
“I’m going to kill you,” punong-puno ng pagbabanta ang boses niyang wika dito. But instead of getting afraid on her threat, he just laughed and gave another spank on her butt.
“Moron!”