Chapter 18

1730 Words
Nang marinig niya ang pito ng staff ng nasabing kompetisyon ay agad na nagtampisaw si Jenza sa dagat. Ipinalutang niya ang kanyang surf board at dumapa roon. Ikinampay niya ang kanyang mga kamay at paa patungo sa malalim na parte ng dagat.             Malalakas ang hampas ng alon but it’s not enough for her show. Tatlong malalaking alon ang sumalubong sa kanya ngnit lumangoy lang siya pailalim sa tubig upang malagpasan siya ng mga iyon. Isinabay niya ang katawan na nakadapa sa surfboard sa galaw ng alon.             Nang makita niya ang malaking alon na sapat upang magawa niya ang kanyang stunt ay tumayo siya sa surfboard at ibinalanse ang katawan. With her straight body and fierce look, she swayed with the waves smoothly and perfectly like a professional surfer.             Nang makapasok siya sa kurba ng alon ay magaan siyang tumalon and made a flip in the air. Dalawang beses niyang ginawa iyon na umani ng malakas na palakpakan at papuri mula sa mga tao na nasa tabing-dagat. And landed on her surfboard smoothly.             Malakas na hiyawan ang sumalubong sa kanya nang makabalik siya sa dalampasigan. Marami ang bumati sa kanya at kahit hindi niya kilala ay kinamayan siya at nagpakilala. Most of them are tourist and foreigners. May mga umaya pa sa kanyan ng dinner at lunch. Pati na rin ng coffe. But she refused them nicely, as she can.             Natigil lang ang paglapit sa kanya ng mga ito nang may pumatong sa kanyang balikat. Cale, on his creasing forehead, put a cover up on her shoulder and dragged her—in not so gentle way, away from the crowd.             “Anong problema mo?” iritadong tanong niya dito nang makalayo na sila. Kanina pa kasi ito pakialam ng pakialam sa kanya. And she doesn’t even know kung bakit nandito ang lalaking ito?             Hindi niya kasi nakita ang anino nito kahapon nang umuwi siya mula sa pagpapa-ayos ng buhok. Pati na rin kaninang umaga ay hindi niya ito nakitanag umalis siya. Tanging si Aling Erma lamang at Mang Pedring ang nakausap niya.             “You have a body to flaunt but don’t display it!” anito na ikinatanga niya.             “Alam mo, kanina ka pa.” Pumigti ang tali ng pasensya niya sa sinabi nito. Pumemaywang siya at tumaas ang kanyang kilay. “What’s your problem with my body. I know that I don’t have a model figure like, pero alam kong may maibubuga ako.”             “Yeah,” sang-ayon nito na ikinainis niya lalo.             Kunot na kunot ang noo niyang binigyan ito ng hindi makapaniwalang tingin. “Ewan ko sa’yo.” and again, she walks out on him the second trime around.             ‘What’s wrong with him? One time, he’s grumpy of what I am wearing and displaying my body, and then he will agree on what I am saying.’             Pinuntahan niya sina Fel na nasa isang open restaurant. They congratulated her at kulang na lang ay buhatin siya ni Jude sa pagkaaliw sa kanya. Sigurado na raw na panalo na siya. Sinuklian niya lang iyon ng mahinang tawa.             Mamaya pa raw ang resulta ng nasabing kompetisyon at inaamin niyang maraming mas magagaling sa kanya. Mga professional surfer pa ang ilan kaya hindi na siya umaasa na mapapasama siya sa mga mananalo. Proud na proud sa kanya si Jude at nakuha pang iakbay sa kanya ang isa nitong kamay. Wala naman iyong kaso sa kanya.             “Grabe si Sir! Ang possessive,” bulalas ni Chelary habang nakatingin sa isang direksyon.             Sinundan nila ng tingin ang tinitingnan nito at napangiwi siya nang makitang si Cale nga ang tinitingnan nito na ang talim ng tingin sa kanila—partikular na kay Jude.             Tinapik ni Maude ang kamay ni Jude na nasa balikat niya at pinandilatan ito. “Huwag mong akbayan si Zaza.”             “Bakit?” Si Jude na inalis na ang pagkaka-akbay sa kanya.             “Boyfreind niya si Sir,” at saka inginuso nito si Cale.             “Hindi ko siya boyfriend,” tanggi niya. But as usual, hindi na naman siya pinaniwalaan ng mga ito.             When the result came, nakuha niya ang pangatlong papremyo na ikinatuwa niya. Well, she’s not a pro in surfing and she was actually surprised na nakasama siya sa nanalo.             Nang sumapit ang alas-sais ng gabi ay nag-set sila ng bonfire sa tabing dagat upang doon ipagdiwang ang kaarawan ni Fel. Bumaha ang inumin na nakakalasing at mga pulutan. Maluha luha si Fel habang hinihipan nito ang kandila sa ibabaw ng may katamtamang laking cake nito. Nagbigay ito ng pasasalamat bago dineklara na pwede na nilang buksan ang nakakalasing na inumin na nasa loob ng dala-dala nilang cooler.             Hindi na siya nagulat nang umupo sa kanyang tabi si Cale dahil inimbitahan ito ni Fel na maki-celebrate sa kanila.             Nang lingunin niya ito ay nagtama ang mga mata nila sapagkat nakatitig pala ito sa kanya. His ash gray eyes are meeting her amber ones. Bahagyang namumungay ang mata nito. Nakaisang lagok pa lamang siya sa kanyang bote ng beer ay pakiramdam niya ay nalalasing na siya dahil sa mga mata nito. His eyes are making her drowned into a deep and bottomless abbys.             “After that bottle, go back to your room,” anito pagkaraan dahilan upang makawala siya sa nakahipnotismong mga mata nito.             She rolled her eyes on him, tuluyan ng nawala ang pagkalunod ng kanyang sistema dahil sa mga mata nito.             “Stop telling me what to do. You’re not my father,” sarkastikong kontra niya dito at saka mataray na tinaasan ito ng kilay. “At mas lalong hindi boyfriend.” Sinadya niyang diinan ang huling salita na nanulas sa kanyang bibig.             Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa mga kasamahan na kasulukuyang nagkakasayahan. Jude’s performing a bartender skill in front at aliw na aliw ang kanyang mga kasamahan doon. Ang iba naman ay nag iihaw ng marshmallow at hotdog. Halos lahat sila ay may tangan na bote ng nakalalasing na inumin. Well, maliban na lang kay Maude na nagkasya na lamang sa softdrinks.             “But your friends know that I am,” ani ni Cale kaya napatingin siya ulit dito. This time, the bastard is grinning like something wicked running on his mind.             “I’m your first kiss, remember,” he continued teasingly and he even had the guts to caress his jaw.             Her teeth gritted when she remembers that shameful day in the locker room. That reminds her na hindi pa pala siya nakakaganti sa lalaking ito sa panghahalik sa kanya. Sa inis, ay sinipa niya ang hita nito.             “Aw!” reklamo nito. But unlike before, Cale didn’t block her attacked. Ngumisi lang ito sa kanya, nang-aasar ang kislap ng mga mata. Kapagkuwan ay napahalakhak nang gigil na sabunutan niya ang buhok nito.             Kinuha nito ang kanyang kamay na nakasabunot sa buhok nito at ibinaba iyon. And the next thing he did, made her eyes widen when Cale interwined their hands and drink in his bottle, like holding her hand didn’t bother him at all.             Tinangka niyang hilahin ang kamay niya sa pagkakahawak nito ngunit humigpit lamang iyon. Nae-eskendalong tiningnan niya ang lalaki dahil nakuha pang haplusin ang likod ng kanyang kamay gamit ang hinlalaki nito.             “Cale,” mahinang ngunit pasitang tawag niya dito.             “Hmnn…” Binigyan lang siya nito ng sulyap.             “My hand.”             But instead of letting go of her hand like what she wants, itinaas lang nito ang magkahawak nilang kamay, ipinapakita sa kanya at muli iyong ibinaba na para bang pinipilosopo siya.             Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na sapukin si Cale na ngayon ay bumalik na naman sa paglagok ng beer nito habang nakatingin sa harapan.             She gave him one last glare bago niya ibinaling ang tingin sa mga kasama. Pinabayaan na lang niya ang lalaki sa trip nito. Kung sisitahin niya ito o papatulan ay mag-aaksaya lang siya ng oras at lakas niya. Sigurado siyang magsasawa na lang ito sa pang-aasar sa kanya.             Ang akala niya ay magkakasya na lamang ito sa paghawak ng kamay niya. Ngunit halos mahambalos niya ito ng boteng hawak hawak nang isinandal nito ang ulo sa kanyang balikat. At kahit hindi niya lingunin ang kanyang mga kasamahan, ay halata sa mga ito ang paminsan minsan pagsulyap sa kanilang dalawa ng lalaki at maghahagikhikan kapagkuwan. Especially Chealary, Maude and Luisa.             Inis na ipiniksi niya ang kanyang balikat dahilan upang maalog ang ulo ni Cale. Nakasimangot na tiningala siya nito.             “What?” tanong niya nang mapansin ang maasim na mukha nito. Ito pa talaga ang may ganang magreact ng ganon.             “That hurts. I felt like my brain just shaken,” reklamo nito.             She glares at him at inis na dinuro ito. “Dudukutin ko ‘yang utak mo kapag hindi ka tumigil sa pang-iinis sa akin.”             He just chuckled at sa halip na matakot sa banta niya ay muli nitong ipinatong ang ulo sa kanyang balikat at saka ipinulupot ang mga braso sa kanyang baywang.             “Ang sungit mo. I tought we have a truce. I’m just being nice here.”             Napaawang ang labi niya sa tinuran ito. “This isn’t being nice. This is you, irritating the hell out of me.”             Gusto niya itong pektusan. Ibang iba ito sa Cale na nakilala niya. That rude, cold, ill-tempered Cale she knew. Iyong taong palaging may sagot sa kanya, palaging nakabusangot na akala mo ay dala dala lahat ng problema sa mundo.             “Yeah…” he hummed.             “Cale, ano ba?” reklamo niya ulit ngunit hindi niya maitanggi sa sarili na may hatid na kiliti sa kanyang sistema ang inaakto nito. “Are you drunk, already?”             Napansin niya na paubos na ang laman ang bote nito. But he got one bottle only. Mabilis siyang malasing?             “Hmm… Nope. Just tipsy. I had a few drinks in a bar nearby,” at mas nagsumiksik pa ito leeg niya. “You smell good.”             Literal na nagtayuan ang mga balahibo sa kanyang batok nang naramdaman niya ang pagsinghot nito at pagdampi ng malambot at mainit na bagay sa kanyang leeg.             And she’s not naïve para hindi malaman kung ano iyon. It’s Cale soft and hot lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD