Chapter 17

2081 Words
“Kumpleto na ba tayong lahat?” narinig ni Jenza na tanong ni Fel habang nasa b****a ito ng puting van na nakaparada sa harap ng La Felda Café na pag-aari nito. Isa-isa sila nitong tiningnan at binilang na parang teacher na nagbibilang estudyante.             At nang makitang kompleto na silang lahat ay nauna na itong sumakay sa shotgun seat ng sasakyan. It’s Saturday morning, birthday ng may-ari ng La Felda Café. At gaya nga ng sinabi nito ay mag ce-celebrate sila ng kaarawan nito sa beach resort na matatagpuan sa kabilang bahagi ng isla.             “Tara na, Manong,” wika ni Fel sa kasama nilang medyo may edad na lalaki na siyang mag da-drive ng sasakyan. Binuhay naman nito ang makina ngunit bago pa man umusad ang sasakyan ay sabay-sabay silang napalingon sa labas dahil sa malakas na sigaw ni Chelary.             “Wait!” matinis ang boses nito habang mabilis na tumatakbo papunta sa kanila. Nasa likod naman nito si Maude na hingal na hingal dahil sa pagtakbo.             Napalabas ng sasakyan si Fel at kunot ang noong nakatingin ito sa dalawa.             “I tought susunod na lang kayo?”             Hingal na hingal na napaupo sa semento si Chelary at saka tiningala ang pinsan nito. “Hindi ako pinayagan ni Daddy kaya tumakas ako,” at saka ito humagikhik.             Napatampal sa sariling noo si Fel dahil sa kalokohan ng pinsan nito. “Bakit ka tumakas? Malalagot ka na naman kay Tito.” Nasa mukha nito na hindi pa man ay nai-istress na ito dahil kay Chelary.             “Ate Fel naman, eh. Ang boring kaya sa bahay. Saka isa pa, ayaw naman akong pasamahin ni Daddy kasi sasama si Mau.” Nilingon nito ang matalik na kaibigan na sumalampak rin ng upo sa semento.             “Juskong mga batang ito,” todo reklamo pa si Fel ngunit sa huli ay pinapasok pa rin ang dalawa sa loob ng van.             Awtomatikong dinamba siya ng dalawa nang makita siya ng mga ito na naka upo sa loob. Pinagitnaan siya ng dalawa at pumulupot pa ang mga braso ng mga ito sa magkabilaang braso niya.             “Friendship goals talaga tayong tatlo,” nakangising wika ni Chelary sa tabi niya.             “Oo nga,” tawa ni Maude.             Siya naman ay wala ng ibang nagawa kundi ang iikot ang mga mata. Sa kabilang banda, she’s glad knowing that this two is close to each other even tho, they don’t know who really, they are. Lumaki man ang mga ito sa magkaibang pamilya ay hindi pa rin napigilan ang pagkakalapit ng dalawang ito.             Buong biyahe ay panay ang kwento ng dalawa ng kung anu-ano sa kanya. At dahil maituturing na bagong salta siya sa isla ay pinagtuturo ng mga ito ang mga lugar na pwedeng pasyalan at puntahan kung gusto ng tahimik na lugar.             Makalipas ang halos kalahating oras ay tumigil ang sasakyan sa labas ng malaking gate na nakabukas at may arko sa itaas na nakaukit ang pangalang Mirabeles Beach Resort.             Sa loob niyon ay ang marangyang gusali na presko sa paningin ang kulay at hugis.             “Welcome to Mirabeles Resort, Maam, Sir,” nakangiting bungad sa kanila ng isang lalaki na naka unipormeng puti at may blazer na pula nang sandaling nakapasok sila sa gusali.             Kita sa mga mata ng kanyang mga kasama ang paghanga nang makapasok sa loob ng gusali. The interior design of the place is refreshing in the eyes. It is ocean theme with the touch of summer season.             “Ang ganda!” bulalas ni Lusia na siyang kasama niya sa kuwarto nang makapasok sila roon. Tanaw na tanaw sa kanilang kinaroroonan ang malawak na dagat ng Isla Molave. Malalaki ang alon nang araw na iyon kaya maraming nagsusurfing sa dagat.             Nag-aanyaya ang dagat kaya naman nang ayain siya ni Lucia na maligo ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Kinuha niya sa kanyang dala dalang overnight bag ang kanyang two-piece swimsuit at saka pumunta ng banyo upang suotin iyon. Nang masatisfied sa kanyang itsura ay lumabas siya at pinatungan iyon ng see through cover up.             Bakas sa mukha ni Luisa ang paghanga nang makita siya nito. Sa edad na bente ay masasabi naman niyang mag ibubuga siya sa pagandahan ng katawan. Her breasts are not big, but enough to tell that she’s a well grown woman.             “Guys, dito!” malakas na wika ni Maude sa kanila nang makalabas sila sa pinto ng likod ng resort patungo sa dagat.             Nalingunan nila ito na nakaupo sa loob ng isang stall kasama ang ilan pa nilang kasamahan. They are drinking some refreshments.             “Ang ganda dito.” Excitement is visible in Maude eyes. Narinig niya kanina na ito rin ang unang beses na nakapunta rito si Maude dahil bukod sa mahal ang accomodations ay bago pa lamang daw ito.             Chelary is on her two-piece as well ngunit nakashort ito. While Maude is in her sando and shorts. Bukod sa kanya ay Fel at Luisa lamang ang nakacover up.             “What?” tanong niya nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Luisa na nasa tabi niya.             Umiling ito bago sumagot. “Hindi sa pagiging tsismosa, pero, are you sure that you came from a poor family?”             Lusisa eyes are expressing pure curiousity kaya ipinagkibit-balikat niya ang tanong nito. “Yeah,” she lied.             “Hindi nga?” nasa tono nito ang pagiging hindi kumbinsido sa sinabi niya. “Hindi halata. Kutis mayaman ka kaya. Mas makinis ka pa kay Chelary.”             “Yeah,” segunda ni Che. “Papasa kang model.”             She chuckled and shook her head. “Don’t praise me too much. Lalaki ang tainga ko,” she joked but to her horror no one laughed.             She composed herself again at saka pasimpleng tumikhim upang maitago ang pagkapahiya dahil sa walang kwenta niyang biro.             “Ang cute!” bulalas ni Chelary at saka pinanggigilan ang magkabila niyang pisngi.             “Hey,” reklamo niya. And just like that, the laughter roar in their table.  Namimihasa na yata ang babaeng ito sa pagpisil ng pisngi niya kapag nacu-cute-an kuno ito sa kanya.             “Pero, Che is right. Papasa ka talagang model or commercial model perhaps.” Inabutan sya ni Fel ng pineapple juice na agad naman niyang tinanggap.             “Don’t please me too much.” Nangingiti na rin siya sa mga sinabi nito. Hindi naman siya katangkaran para maging model. Her height fits on her age.             “Sino sa inyo ang marunog magsurfing?” singit sa kanila ni Jude na kadarating lang. Dala-dala nito ang isang surf board at mukhang susulong sa naglalakihang alon ang lalaki dahil naka swimming trunk na lang ito.             “Me. Kaso nag-aaral pa lang ako,” sagot ni Chelary. “Si Ate Fel, sumali siya dati sa surfing competition last two years.”             “That’s true. Pero after that, hindi na rin ako nagsu-surf. Kinakalawang na yata ako. So, I think I need some practice in balancing. Mahirap na,” and she chuckled. “Why?”             “I heard may surfing competition mamaya. Malaki raw ang papremyo. Sasali ako. Pero, syempre, kailangan ko pa rin ng kasama. Baka hindi ako manalo. The more, the better.”             Nagtaas siya ng kamay at uminom ng juice gamit ang straw. “Marunong ako,” wika niya.             “Sure ka?” tanong ni Jude na para bang hindi ito naniniwala na marunong siya.             She chuckled because of his reaction. Jude’s question doesn’t look offending to her, instead, he looks like he was amaze knowing na marunong siya.             “Yeah. But matagal na rin akong hindi nakakapag surf sa dagat. And if ever I stumble in the bottomless sea, I know how to swim,” and she smirks. Giving him an assurance na hindi ito mapapahiya na kateam siya nito.             “Good. It settles, then.” He even offers her a fist bump na pinaunlakan naman niya.             Nang maubos nila ang refreshments na iniinom nila ay nagdisisyon silang maligo sa dagat. Naglatag sila ng malaking sapin sa buhanginan kagaya ng ibang turista na naroroon. Si Maude, Chelary at Luisa ay nauna ng magtampisaw sa sa dagat.             Naiwan siya kasama si Fel na nakahiga at nagpapa-araw. Kapwa nilang tinitingnan ang tatlo na naghaharutan sa tubig.             “It’s good to see that Chelary can laugh like this time,” ani Fel. “This past few months, palagi siyang pi-ne-pressure ni Tito. Plus, the fact na matagal na siyang pinapalayo kay Maude.”             Narinig niya itong bumuntong-hininga. “And I’m glad na mas sumaya pa siya nang nakilala ka niya. Lalo na si Maude, parang nakakita sila ng anghel sa katauhan mo,” and Fel chuckeld, afterward.             “They’re annoying and loud. But mabuti silang tao. Their friendship amuses me all the time,” sagot niya dito.             “Right. And you’re a good person too. It amazes me kung paano ka madaling naka-adjust sa ganitong pamumuhay. Knowing that you grow up with golden spoon in your mouth.”             Sa pagkakataong iyon ay nanigas siya sa kinauupuan, natigilan sa narinig mula sa bibig ng kanyang boss. Nilingon niya ito na blanko ang mukha.             But instead of getting scared of her dangerous expression, Fel just chuckled. “We run on the same circle,” wika nito at kinidatan siya bago pa man siya makapagtanong.             Umawang ang labi niya dahil sa sinabi nito.             “Your parents are well known in business world, so does mine. Ilang beses na kitang nakita na dumalo sa party kasama ang parents mo. Anyway,” Fel made herself more comfortable in her position before putting a sun glass on her eyes, “your secret is safe with me.”             “Why?” hindi niya napigilan itong tanungin. Nagtataka siya kung bakit hindi siya nito isusumbong.             Fel shrugged her shoulder. “It’s not my forte to poke my nose in someone else’s business.”               Matapos makapag apply ng sun block sa buong katawan ay dahan dahang hinubad ni Jenza ang kanyang cover up, revealing her red two-piece swimsuit that match her skin perfectly. Hinubad niya rin ang kanyang suot suot na flip plops and let her toes curl in the white sands of the beach.             The warm and roughness of the sands that scraping on her feet make her smile. She likes the warmness it brought. Sinikop niya ang kanyang buhok na hanggang balikat na lamang dahil pinaputulan niya iyon no’ng isang araw at pinalagyan ng highlights. And she’s loving it.             “What are you wearing?” tanong ng baritong boses na pamilyar sa kanya.             Lihim niyang nai-ikot ang mga mata dahil sa tanong nito. She combed her hair using her finger as she faced Cale. “Swimsuit, obviously,” sarkastikong aniya.             But Cale didn’t respond nor make any reaction of her, being sardonic. Nakatingin lamang ito sa mukha niya na para bang ito ang unang beses na nakita siya nito. Titig na titig ito sa mukha niya and his eyes trail on her neck, on her breast down to her flat stomach. Hindi na kaligtas sa kanya ang paggalaw ng adams apple nito tanda na lumunok ito.             “Stop being pervert,” bintang niya rito at saka muling sinalikop ang kanyang buhok upang itali.             “You should stop flaunting your body first,” sagot nito na kunot na kunot na naman ang noo. “Go back to your room and change.”             This time, she can’t help but to roll her eyes on him. Kung makapag utos ito ay parang striktong tatay na pinagbabawalan sa isinuot ng anak. “I’m going to surf, what do you want me to wear? A pajama pairs?” sarkastikong tanong niya.             “You are gonna flaunt your body in front of many people?” this time, his voice is more dangerous. Na para bang sasakalin siya nito sa oras na magkamali siya ng sinagot nito.             “Uh…yeah!” wika niya at saka ito tinalikuran.             “Brat! I’m still talking to you,” sunod nito sa kanya.             Ngunit sa halip na pansinin ito ay tinaasan niya ito ng gitnang daliri at nginisihan. Kinuha niya ang kanyang surf board at iniwan ito na nakanganga habang nakatingin sa kanya. Gulat na gulat sa ginawa niyang pagtaas ng gitnang daliri dito.             ‘I really should stop watching those international movies with bad-ass female protagonist,’ wika niya sa isipan at napailing-iling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD