Chapter 16

1996 Words
Hindi alintana ni Jenza ang mga mapanghusgang tingin na ibinabato sa kanya ng mga estudyante na nakakasalubong niya. All of them are throwing her a disgusted look at pagkatapos ay magbubulungan ang mga ito. At ang lahat na kahihiyan na nararanasan niya ngayon ay kasalanan ng hudyong si Cale.             May mga kumuha ng larawan niya at ng lalaki sa nangyari sa kahapon sa locker room at inulan ng katatawan at kasiraan ang larawan na pinost sa social media. Good thing is that, tumagal lamang ng tatlong oras ang larawan na iyon sa social media at pagkatapos ay bigla na lamang nawala.             Hula niya ay dinelete iyon ng kung sino na magaling sa pangha-hack ng teknolohiya. Nakikita niya kasi dati si Aradelle na ganun ang ginagawa kapag may pinapalinis siyang mga ‘kalat’.             Gayunpaman, ay hindi siya nagpaapekto sa mga naririnig at nanatili lamang blanko ang mukha habang naglalakad siya sa hallway papuntang venue ng kompetisyon para sa semi-finals ng Mixed Martial Arts sports.             Nang makarating siya sa locker room ay awtomatikong nagsitinginan sa kanya ang mga estudyante na galing sa iba’t ibang university. Inirapan siya ng mga ito matapos siya bigyan ng ngisi. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin niyon.             Bukod kasi sa katotohanang professor niya si Cale ay isa rin pala ito sa mga facilitator ng Mixed Martial Arts kaya naman ay pinaparinggan siya ng mga ito ng kung anu-ano. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito dahil wala naman siyang mapapala kapag pinatulan niya ang mga ito.             Dahil kahit anong tabil ng mga ito, ay wala siyang paki-alam. Basta ba, ‘pag dating sa loob ng ring ay kaya siya ng mga ito patumbahin. Because she’s one and hundred percent sure na hindi niya hahayaan na patumbahin siya ng mga ito ng mabilisan.             She will give them a hard time to do that!             Nang makapasok siya sa loob ng venue ay nakita niya si Cale na propesyonal na nakikipag-usap sa referee ng laro. Nang magtama ang mata nila ay iningusan niya ito at tinaasan ng kamao. But again, instead of getting scared, he just smirks at her at parang tanga na pinalobo ang pisngi at pinahaba ang labi na parang nang-aasar ng halik.             Kapag talaga nakahanap siya ng pagkakataon ay gagantihan niya ang lalaking ito. Walanghiya!             Pagkatapos niyang makapagsuot ng glove ay umakyat na siya sa loob ng pentagon dahil nagsisimula na ang kompetesyon. Hindi na siya nagulat na ang una niyang kalaban ay ang manlalaro ng Atrenica University.             Blanko ang kanyang mukha nang paglapitin sila ng referee para ulitin sa kanila ang rules. Habang ito naman ay ngingisi ngisi sa kanya na para bang minamaliit ang kakayahan niya.             Nang tumunog ang bell ay ikinuyom niya ang kanyang kamao, katulad ng ginawa nito. Her opponent moves first. Giving her a pendulum step at pana panakang sipa sa kanyang binti at hita.             “Heard that you are one of the facilitator’s wh*re,” simula nito. “Inaasahan mo ba na mananalo ka dahil doon?” she gave her an irritating smirk. “Sorry, but you’re not gonna make it in final. And I’m making sure of that.”             Iyon lang at sinuwag siya nito. Her opponent caught her waist at dahil mas malaki ito sa kanya ay walang kahirap hirap na nasuwag siya nito patungo sa gilid ng pentagon. She felt the cold wires behind her back.             Naramdaman niya ang mga suntok nito sa kanyang tagiliran, pilit na pinapatumba ang depensa niya. Itinaas niya ang kanyang bisig at ipinatama ang kanyang siko sa likod nito. And because she’s faster, nagawa niyang patirin ito at i-take down ang babae.             Mabilis niyang ipinulupot ang kanyang paa at mga bisig sa katawan nito bago ito pianulanan ng ng suntok sa mukha. At dahil maabilidad naman ang babae ay nagawa nitong harangin ang kanyang mga suntok at binaliktad ang posisyon nila.             Now, siya na ang nasa ilalim nito at pinapaulanan nito ng suntok. And good thing she saved by the bell dahil aminado siyang dehado siya sa parting iyon.             Both of them are sweating, may mga pasa at duguan ang mukha. May mga lumapit sa kanyang medic na nilinis ang tinapalan ang kanyang sugat. Gayundin sa kanyang kalaban.             Sa pangalawang round ay hindi na niya ito it-en-ake down dahil alam niyang dehado siya roon sapagkat mas malaki ito sa kanya. Her opponent throws a jab on her that she managed to block and dodge. Hinagip ulit nito ang baywang niya at tinangka siyang i-take down ngunit mabilis niyang hinawakan ang balikat nito and gave her a knee strike in different parts of her opponent’s body.             Hagipan lamang ng kamay at kontrolan ng katawan ang nangyari hanggang sa matapos ang round na iyon.             Nang pangatlong round na ay hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na patagalin pa ang laban. Nagpalitan sila ng suntok at nang makakita ng pagkakataon ay umabante siya at binigyan ito ng dalawang magkasunod na jab at isinunod ang spinning elbow. Nasapul ng siko niya ang mukha nito.             She jumped on her, controlled her opponen’ts shoulder at saka sunod sunod na sinipa ito sa hita at tagiliran bago niya ito t-in-ake down at inipit ang kamay at paa nito ng mahigpit, hindi binibigyan ng pagkakataon na pumalag pa.             Nang maramdaman nito ang pananakit at halos mabali ang buto ay naramdaman na niya ang mahinang tapik nito sa tagiliran niya tanda na suko na ito. She immediately released her at dahan-dahan tumayo. Ngunit ang hindi niya napaghandaan ay ang biglaang pagdamba nito sa kanya nang makabawi ito.             Napasadsad siya sa gilid ng pentagon at binigyan siya nito ng sunod sunod na suntok sa tagiliran at mukha. And that, is already foul! Hindi natanggap ng kalaban niya na natalo niya ito at pinersonal ang laban. Naramdaman niya ang sakit sa bandang kilay niya at dahil kinailangan niyang protektahan ang sarili niya ay pumalag siya sa hawak nito.             Hinawakan niya ang magkabilaang gilid ng ulo nito at saka malakas na pinatama ang kanyang tuhod sa mukha nito ng dalawang beses. Hindi pa siya nakumntento, tinulak niya ito at binigyan ng spinning round kick kahit pa nagsi-akyatan na ang ilang facilitator para awatin sila.             Napasadsad ang babae sa sahig at duguan ito. The girl passed out because of the impact she made in her jaw.             Sigawan at pagkataranta ang namayani sa loob ng lugar. May mga humarang sa kanyang katawan at itinulak siya sa isang gilid. Habang ang iba naman ay nasa kanyang kalaban at nilalapatan ng paunang lunas.             Tumagal pa siya roon ng ilang minuto at nang makita niyang nagkamalay na ang babae ay lumabas na siya ng pentagon. Tulala at nakanganga ang reaksyon ng mga representative ng naroroon habang nakatingin sa kanya nang makababa siya. Hindi niya pinansin ang mga ito at tumuloy lamang sa locker room.             “That’s foul,” wika ng pamilyar na boses sa likuran niya.             “Siya ang nauna,” sagot niya kay Cale. Alam naman niya iyon. Knee strike in head and faces are forbidden in Mixed Martial Arts sport kaya paniguradong madidisqualified siya.             “Still, you might be disqualified.” Ang mukha nito ay parang nalugi ito ng kung ano. Oo nga pala, nakipagpustahan pala ito.             “Sinabi ko naman sa’yo diba? Nagkamali ka ng pinustahan,” ngisi niya dito habang pinupunasan ang sarili.             Matiim siya nitong tiningan bago bumuka ang labi na para bang may narealize ito sa sinabi niya. Humalukipkip ito sa harap niya at nanunuri ang tingin na binabato sa kanya.             “You’re looking forward to it,” Cale concluded.             Pinunasan niya ang tumulong dugo na galing sa sugat niya sa kilay at saka nginisihan ito. Hindi niya ito sinagot at dumiretso sa shower room. Tama si Cale, inaasahan niya na talagang mangyayari iyon.             Base sa sinabi ni Maude at Chelary, hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang mga manlalaro ng Atrenica University. At dahil ayaw naman niyang makaabot sa championship ay ginamit niyang dahilan ang babae upang madisqualify siya.             It’s like hitting two birds in one stone.             Napangiwi siya nang makaramdam ng hapdi dahil sa pagkabasa ng kanyang sugat. Sa tingin niya ay kailangan iyong tahiin dahil hindi tumitigil sa pagdugo. Pumutok kasi ang gilid ng kanyang kilay. But compare to her opponent who has a broken nose and swollen face, walang wala ang tinamo niyang sugat.             Hanggang sa matapos siyang maligo ay hindi pa rin maampat ang pagdugo niyon. Kaya naman ay hindi na siya umangal nang hilahin siya ni Cale palabas ng locker nang lumabas siya.             Dinala siya nito sa school clinic at dahil wala doong doctor ay wala itong nagawa kundi dalhin siya sa hospital sa bayan. And take note! Sumakay sila sa kotse nito na hindi niya alam kung saan nito nakuha.             “Zaza, Oh my God!” Over acting na bulalas ni Chelary nang pumasok ito sa kuwartong inukupa niya sa hospital matapos matahi ng doctor ang kanyang sugat.             “Are you okay?” Si Maude na dala dala pa rin ang camera nito. “May bali ka ba?  Kailangan mo ba ng dugo? Anong type mo?”             Napabuntong-hininga siya at naikot ang mga mata. Kung may best Over Acting of the Year Award lang ay sigurado siyang mananalo ang dalawang ito. “I’m fine. Stop shouting,” reklamo niya at saka ibinalik ang ulo sa pagkakahiga sa unan. “Kaunting sugat lang.” “Kaunti? Pumutok kaya ang kilay mo,” Si Maude na tonong nagrereklamo. Bored na tinapunan niya ito ng tingin. “I joined Mixed Martial Arts sports. Ine-expect mo ba na tatayo lang kami ng kalaban ko doon at magtititigan? May suntukan at balian ng buto do’n. So, don’t expect na hindi ako magagalusan.” “Eh kasi…” This time, si Chelary naman ang nagsalita. Nasa mukha nito na parang naguguilty ito. “Ako ‘yong pumilit sa’yo na sumali doon.” Nanunubig na ang mga mata nito na parang anumang oras ay iiyak na ito roon. “Just shut up, you two. It’s no one’s fault okay.” Idinuro niya ang kanyang kamay sa dalawa at pinanlakihan ito ng mata nang akmang magpo-protesta ang mga ito. “You two can go, if you’ll continue blaming yourselves. Sukat sa sianbi niya ay mabilis na umiling ang dalawa at mabilis na tinakbo ang couch na naroroon upang maupo. Ngunit muling napatayo ang dalawa nang bumukas ang pinto at pumasok si Cale. Pormal ang mukha na lumapit ito sa kanya. “The doctor said you need to rest dahil bukod sa sugat mo, ay lamog din ang katawan mo.” Tumango siya dito bilang pag sang-ayon dahil iyon naman talaga ang plano niya. “You have visitors,” wika nito nang malingunan nito ang dalawang babae. “Good afternoon, Prof,” sabay na bati pa ng dalawa at bahagyang yumukod. Tipid na tango lamang ang sinagot dito ni Cale bago nagpaalam sa kanya at saka lumabas. Nang mawala sa paningin nila ang lalaki ay napatakbo ang dalawa sa tabi niya. “Boyfriend mo si Sir?” usisa ni Chelary na nalalaki pa ang mga mata. “No. That’s hilarious!” bulalas niya. “Pero kasi diba? Sa iisang bahay lang kayo nakatira.” “At yung kumulat na picture mo kagabi with him in intimate position,” dagdag ni Chelary. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang sariling iikot amng kanyang mga mata. “Whatever! Bahala kayo sa gusto niyong paniwalaan.” Gigil na tinalikuran niya ang mga ito at saka pinikit ang mga mata. Cale? Her boyfriend? That is the most ridiculous joke she ever heard. There is no way na maging boyfriend niya ang lalaking iyon. She dreamed that her first boyfriend would be gentleman, kind, thoughtful and funny. At wala sa kalingkingan ng ideal man niya si Cale. That bossy bastard!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD