Chapter 15

1674 Words
Pinatunog ni Jenza ang kanyang mga daliri at saka bahagyang inikot ang kanyang ulo para ma-stretch ang kanyang leeg. Kasalukuyan siyang nasa venue para sa mix martial arts and right now, she’s eyeing her opponents one by one.             She’s not taking the game seriously. Pero tinatantiya niya kung gaano kalakas ang nararapat niyang ibigay sa bawat kalaban niya. Batid niyang kumpara sa mga ito ay mas malakas at mas maabilidad siya dahil sa kinalakihan niyang gawain. At para sa kanya ay unfair ang laban kung ibibigay niya ang normal niyang mga atake.             “You are smaller and thinner than them.” Narinig niyang wika ng pamilyar na boses sa kanyang likuran. “But you’re skillfull and stronger. Be easy on them,” dugtong pa ni Cale habang prenteng nakapamulsahan sa likuran niya.             Tinaasan niya ito isang kilay bago niya ito binigyan ng ngisi. “Of course,” and she continue stretching her body.             “You’re gonna watch?” tanong niya dito nang mapansin na nakatingin lamang ito sa ginagawa niya na para bang wala itong balak na umalis.             “Yeah, impress me.”             Naikot niya ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. “Nope. Not gonna that,” ngisi niya at saka umupo sa itinalagang pwesto sa kanya nang umakyat sa pentagon ang facilitator ng laro. In-anounce ang unang pareha na maglalaban which is the Atrenica University and Fatima College.             Malaking babae ang manlalaro ng Atrenica at matapang ang tabas ng mukha. Habang ang babae naman na galing sa Fatima College ay hindi nalalayo sa laki niyon. Umupo si Cale sa tabi niya at sa mga sumunod na minuto ay pinanood nila ang laban ng dalawa.             The girl from Fatima College gave back hand strike at first and followed it with a two jab punches. The first few minutes are in favor for the girl of Fatima College but she thinks that was just for a show. Dahil matapos ang ilang minuto ay sunod-sunod na nagpakawala ng atake ang representative ng Atrenica. Knee strikes were blow and the Fatima College was taken down. They sprawl and brawl in the ground, at kahit sino mang makakita ng sitwasyon ng dalawa, masasabing dehado ang Fatima College.             And as what expected, Fatima College tap for surrender.               Nagpalakpakan ang mga manunuod nang inanunsyo na panalo ang representative ng Atrenica University. Wala siyang naging reaksyon nang habang sinusundan niya ng tingin ang natalo na kasalukuyang nilalapatan ng paunang lunas. Broken and bleeding nose and swollen eyes.             “I think that’s your greatest opponent,” komento ni Cale sa kanyang tabi. Kapagkuwan, ay hinarap siya nito at matiim na tinitigan.             “What?” Kumunot ang noo niya nang mapansin ang ginagawa nito.             “I’m betting for you. You should win the trophy,” walang kahiya-hiya nitong wika sa kanya.             Napaawang ang kanyang labi nang matanto niya kung ano ang ibig sabihin nito. Nakipagpustahan ito sa kung sino mang poncio pilato na mananalo siya.             Inis na kinamot niya ang kanyang ilong. “In that case, nagkamali ka ng pinustahan. I’m not aiming for championship,” tumayo siya, “kawawa ka naman.” Binigyan niya ito ng mapang-asar na ngisi bago niya ito tinalikuran at pumunta sa loob ng pentagon.             Mas malaki sa kanya ang kalaban niya. Galing ito sa unibersidad sa kabilang bayan. At sa unang tingin niya pa lamang dito ay alam niyang hindi ito basta basta.             She positions herself in fighting stance, gayundin ang ginawa nito. Nauna itong gumawa ng hakbang, giving her a pendulum step. Nang matantya niya ang distansya nito sa kanya ay nagpakawala siya ng dalawang makasunod na suntok. Nagawa nitong iwasan ang una, but not the second one.             Bahagya siyang napailing dahil pumutok ang kilay nito. At upang hindi na ito mas mahirapan pa ay binigyan niya ito ng spin hook kick. Nahilo ito at hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon na kalabanin siya. She put her arm on her opponent neck, transfer to her lower back, palm on the bicep to control the wrist, then push, pull her opponent under her to do the double-leg take down.             Pareho silang natumba at ginamit niya ang pagkakataong iyon upang macorner ito. Ipinulupot niya ang kanyang bisig sa mga kamay nito bago ikinawit ang paa sa balikat nito. Pumasag ang kalaban niya kaya pinili niyang ibahin ang kanyang taktika dahil alam niyang dehado siya kapag nagkataon na magpalit sila ng posisiyon.             Pinuntirya niya ang kamay nito at pinilipit iyon sa pagitan ng kanyang mga braso at hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na pumasag at kumawala. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pag tapik nito sa kanya tanda na suko na ito.             Agad naman niya itong pinakawalan at bahagyang lumayo dito. The announcer declare that she wins at pasok na siya sa semi-final. Sapu-sapo niya ang may sugat niyang labi na natamaan nang pumasag ang kalaban niya kanina habang naglalakad siya patungo sa dati niyang pwesto.             Palakpak at ngisi ni Cale ang sumalubong sa kanya nang makarating siya roon.             “I knew it, hindi mo ako bibiguin.”             Ngunit sa halip na pansinin ito ay kinuha niya ang kanyang gamit at tinalikuran ito. The side of her lip’s stings pati na rin ang kanan pisngi niya na natamaan ng sipa. Dumiretso siya sa locker room na itinalaga para sa sport na iyon. Tapos na rin naman ang laro niya para ngayong araw. At dahil pasok siya sa semi-final ay bukas na siya babalik.             “Hey, bakit mo ako tinalikuran?” si Cale na sumunod sa kanya. “I’m talking to you.”             “What should I say?” nakakunot ang noo niyang at diniinan ang putok niyang labi gamit ang kanyang hinlalaki.             “You should go out, I’m going to take a shower at magbibihis ako,” utos niya dito.             Ngunit sa halip na sundin siya nito ay nagpalinga-linga ito sa paligid bago naglakad palapit sa kanya. Tumigil ito sa harap niya at dahil hanggang balikat lamang siya nito ay tumungo ito at tiningnan ang labi niya nang malapitan.             “It’s bleeding,” wika nito at sinapo ang kanyang panga at inilapat sa sugat niya ang hinlalaki nito. “Masakit?” tanong pa nito.             Gusto niya itong ikutan ng mata dahil sa sinabi nito. Malamang masakit, ikaw ba naman na pumutok ang labi. Ngunit hindi na niya nakuha pang gawin iyon sapagkat umuklo ito at mas lalong inilapit ang mukha sa kanya.             Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang halos ilang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga labi. Balak na sana niya itong itulak nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito na tumatama sa kanyang sugat. Hinihipan nito iyon.             “Hope it will lessen the pain,” sabi nito kapagkuwan at tiningala siya. Nagtama ang kanilang mga mata at hindi niya alam kung bakit parang natikal na ang kanyang mga mata sa mata nitong kulay abo. Hindi niya maiwas ang tingin niya dito at gayundin ito sa kanya.             They just stared to each other for almost a minute. Naputol lang iyon nang umabante ang mukha ni Cale patungo sa kanya at idinampi ang labi nito sa labi niya.             It was a quick and chaste kiss. Literal na idinampi lang nito ang sariling labi sa kanya ngunit sapat upang manigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil daan daang boltahe ng kuryente ang hatid niyon sakanyang sistema.             Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon. Cale pulled away at mukhang nagulat din ito sa ginawa sapagkat katulad niya ay nanlalaki rin ang mga mata nito.             “Sh*t,” wala sa loob nitong bulalas.             At saka pa lamang siya natauhan. Umahon ang hindi niya maipaliwanag na nararamdaman sa kanyang dibdib. “Sh*t talaga!” bulalas niya rin bago dinaklot niya ang kamay nito at saka binalibag sa sahig.             Lumagapak ito sa sahig at namilipit. Hindi pa siya nakuntento at kinubabawan ito at pinuntirya niya ang buhok nito.             “Who the h*ll gave you the right to kiss me. You moron!” sigaw niya sa pagmumukha nito habang patuloy itong sinasabunutan at bahagyang pinatatama ang ulo sa marmol na sahig.             Inis na inis siya sa lalaking ito at halos maluha siya sapagkat iyon ang una niya halik na sa mapapangasawa niya dapat ibigay.             “Zaza, stop,” awat nito na nakangisi pa habang pinipigilan ang kamay niya sa ginagawa sa buhok nito. Nang magtagumpay itong alisin ang kamay niya sa pagkakasabunot sa buhok nito ay ang mukha naman nito ang inatake niya. Pinagsasampal niya ito sa mukha na iniilagan lang nito at minsan ay hinaharangan ng kamay nito.             “You moron. Sino ang nagbigay sa’yo ng karapatan na halikan ako. That was my first fre*king kiss!” she bursted out.             Ngunit sa halip na maawa ito sa kanya, humalakhak lang ang hudyo na para bang tawang tawa ito sa sinabi niya.             Mas lalo siyang nairita dahil doon. “Tar*ntado ka talaga. I hate you!”             The whole locker was filled with Cale laughter’s and her whining mouth. Natigil lamang ang pagsapok niya kay Cale nang may narinig silang kalabog na nagmumula sa pinto ng locker room.             “Oh my God!” narinig niyang bulalas ng kung sino, dahilan para mapalingon siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang ilang staff ng palaro at representative mula sa iba’t ibang university na gulat na gulat na nakatingin sa kaniya—sa kanilang dalawa ni Cale.             Hindi niya pa narealize no’ng una kung bakit ganon ang reaksyon ng mga mga ito. Ngunit nang tuluyan nang pumasok sa utak niya ang sitwasyon, she suddenly wished na bumuka ang lupa at lamunin siya noon. Gusto niyang kumaripas ng takbo at magtago. Or better yet, gilitan na niya ng leeg ang mga nakatingin sa kanila upang walang magkalat ng nakakahiya niyang sitwasyon ngayon.             Her, sitting on Cale’s abdomen, only wearing a sport’s bra and a cycling short!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD